Chapter 14

1.1K 58 55
                                    

Wyndell glanced at Riley habang tahimik na nagmamaneho ang binata. What happened a few minutes ago is still in her mind. Hindi niya maalis sa isip niya ang pinag-usapan nilang dalawa, and Riley's unusually quiet kaya mas lalo lang siyang napapaisip.

She didn't know what to say, kaya tumingin na lang siya sa bintana ng sasakyan. Gusto niyang kausapin ang binata, and to just talk to him about random stuffs kaysa sa ganito sila. Their surroundings felt heavy. Hindi alam ni Wyndell kung nag-aaway ba sila o kung masama ang loob nito sa kaniya. And not long after, nakarating na rin sila sa bahay niya.

She was lost in her thoughts habang inaalis niya ang seatbelt, when Riley suddenly held her hand kaya napalingon siya sa binata. "I'm sorry." Anito kaya kumunot ang noo niya.

"Bakit ka nagso-sorry?" Tanong niya rito.

"Because I'm acting like this right now. You didn't do anything wrong, I'm just being weird." Sambit nito at pinisil nito ang kamay niya. "I just didn't felt good when I thought that, there's a chance that you'll choose someone over me. Don't worry, you didn't do anything wrong." Dagdag pa nito tapos ay bumuntong hininga ang binata. "I could be the perfect man if that's what you want me to be. Pero ayaw ko namang lokohin ka. I can become that man, pero that's not the real me. I don't want to act in front of you." He added and Wyndell heaved a sigh dahil sa narinig niya.

"Why are you thinking about that? We're not in a fairytale, Riley. This is real life." Sambit niya at malungkot na ngumiti naman sa kaniya ang binata.

"Because there's a possibility of it happening." The man answered tapos ay sinapo nito ang magkabilang pisnge niya. "I don't want to lose you." Dagdag pa nito kaya nginitian niya naman ang binata.

"I told you, hindi ako aalis. Unless, you decided to leave first." Aniya at tumawa naman si Riley.

"Why would I choose to leave?" Natatawang tanong nito at nagkibit balikat siya sa binata.

"Who knows? Hindi mo pa rin naman ako gaanong kakilala." Sambit niya at umiling naman sa kaniya si Riley.

"Even so." Anito at ngumiti. "Do you want to date me?" Tanong nito sa kaniya kaya napakurap-kurap siya.

"Hindi ba uso sa'yo 'yung manligaw muna? Gusto mo agad-agad?" Tanong niya at tinawanan naman siya nito.

"Why waste time with that? Kaya ko namang ligawan ka araw-araw kahit pa tayo na. I don't want anything uncertain." Sambit nito kaya napailing na lang siya.

"Baliw." Hindi mapigilang komento niya. "So, what are the pros of dating you?" Tanong niya at humagalpak naman ng tawa si Riley. 

"I'm rich." Panimula nito at tinaasan niya naman ito ng kilay. "Gwapo ako. Matalino rin. Talented din." Sambit nito at ilang segundong nag-isip ang binata before he snapped his fingers. "Oh! Hindi ako manloloko!" Parang proud na sambit nito kaya napatawa siya.

"Talaga lang ha?" Natatawang tanong niya rito at tumango-tango naman si Riley tapos ay pinatay nito ang makina ng sasakyan.

"Yeah. Remember the girl kanina? Sabi ko sa kaniya may girlfriend ako kahit wala naman. See? I didn't cheat on you and you're not even my girlfriend yet. Can't you see the halo shining over my head?" Tanong nito habang nakaturo pa ang binata sa taas ng ulo nito kaya malapad ang ngiting napailing na lang siya sa kalokohan nito.

"Ewan ko sa'yo. Baliw ka talaga." Nangingiting aniya at nagkibit balikat naman si Riley.

"So, do you wanna date me? Come on, say yes. I'm quite the catch." Nangingiting sambit nito as he wiggled his eyebrows at nginusuan niya naman ito then she snuck her tongue out tapos ay nagmamadali siyang lumabas sa sasakyan while giggling.

Behind His MaskTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon