Chapter 16

1.3K 61 43
                                    

"Welcome." Riley stated habang inaalalayan niya pababa ng sasakyan si Wyndell. "To my safe haven." Dagdag niya at ikinumpas pa niya ang kamay niya at ngumiti naman si Wyndell.

"This..." Wyndell started as she roamed her eyes around. "is a forest." Manghang sambit nito kaya mahina siyang napatawa.

"I guess?" Patanong na sagot niya at humarap naman sa kaniya ang dalaga.

"How wide is this place?" Wyndell asked at pinanood naman ni Riley si Wyndell habang inililibot nito ang tingin nito sa paligid.

"Fifteen hectares. I wanted a wide land para kay Slay. She can't have the life that she was ought to have, so I tried to make her feel like she's a tiger, kahit papaano." Riley can feel Wyndell's stare as he looked at the white tiger which is majestically walking towards his direction. Slay even roared, like she's welcoming him kaya napangiti na lang siya at napalingon siya kay Wyndell, only to see her staring at Slay in awe.

"Woaaaah." He chuckled at Wyndell's reaction tapos ay hinila niya ang dalaga palapit sa bakod.

"Hey kitty. How are you?" Riley greeted the white tiger as he caressed its face. May lumapit naman sa kanilang lalaki, and he gave them a bucket of meat kaya napangiti si Riley. He did notify his people here, to prepare the tigers' food dahil papakainin niya ang mga ito.

"Are you scared?" Tanong niya kay Wyndell at lumingon siya sa dalaga.

"A little? She's huge." Natawa siya sa sagot nito kaya naman ipinahawak niya rito ang tongs na kasama doon sa ibinigay sa kaniya ng isa sa mga tauhan niya.

"Do you want to try feeding her?" Tanong niya kay Wyndell na kaagad namang tumango.

"Sure kang hindi ako mapapasama sa kakainin niya ha." Paalala pa nito sa kaniya at hindi niya naman mapigilang mapahagalpak ng tawa.

"Yeah. Sure ako." He answered tapos ay inalalayan niya pa ang kamay ni Wyndell habang iniaabot nito kay Slay ang karne gamit ang tongs na kalmado namang kinain ng alaga niya.

"She's calm? I was expecting her to take the meat, uhm, aggressively." Manghang sambit ni Wyndell then they heard another low growl and when Riley turned his head towards the direction of that growl, Kill's walking towards them as well.

"That's Kill. Can you see their difference?" He asked at tumango naman si Wyndell.

"Mas kita 'yung stripes kay Kill, 'no?" She asked and Riley hummed.

"Mhm. I told you, Slay is albino. So kita lang 'yung stripes sa buntot niya at sa paa niya. Hindi pa masyadong halata." Riley stated at mukhang naintindihan ni Slay na siya ang pinaguusapan nila dahil umungol ito sa kaniya kaya napatawa siya.

"Huwag kang maligalig. Baka palayasin kita dito." Pagkausap niya sa tigre at tinawanan naman siya ni Wyndell.

"Akala mo naman nagkakaintindihan kayo." Natatawang komento nito at binigyan din nito ng karne si Kill kaya napailing na lamang siya habang nangingiti.

"They like you, see? Sabi ko sa'yo. Pagkain lang ang katapat niyang mga 'yan. Mga uto-uto." He commented at napailing na lang si Wyndell sa sinabi niya.

Riley just watched as Wyndell continued to feed the two hanggang sa maubos ang karneng laman noong timba. "How was it?" Tanong niya nang matapos si Wyndell.

"They're docile? This is far from how I expected them to be." Wyndell answered at tumaas naman ang sulok ng labi ni Riley.

"Nagpapanggap lang 'yang mga 'yan. Hindi mababait 'yan." Nakangising aniya at siniko naman siya ni Wyndell.

"Huwag mo nga silang bullyhin." Sambit nito kaya napanguso siya.

"Bakit mo ba ako inaaway? Dapat ako ang kinakampihan mo rito." May bahid ng pagtatampo ang boses niya at tinawanan naman siya ng dalaga.

Behind His MaskTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon