Chapter 15

1.2K 54 53
                                    

Katatapos lamang nilang mag-agahan ni Wyndell, at gusto ng dalagang dumaan daw muna sila sa hospital bago sila magpunta sa Batangas kaya naman nagdra-drive si Riley patungo sa hospital ngayon. May sasabihin lang daw ito saglit sa boss nito and Riley could never say no to what she wants, as long as he's capable of doing it.

It didn't take long until they arrived at the hospital. Tahimik lang si Riley na naglalakad sa tabi ni Wyndell habang hawak-hawak niya ang kamay ng dalaga, hanggang sa makarating sila sa opisina nito. Wyndell then took a huge stack of papers. "Ano 'yan?" Natatawang tanong niya at kinuha niya rito ang mga papel na kinuha nito.

"Paper works. Tutal nandito na ang boss ko, ipapagawa ko na 'to sa kaniya." Sagot nito kaya mas lalo siyang napatawa.

"This is a lot!" He exclaimed at nagkibit balikat naman si Wyndell.

"Trabaho niya naman talaga dapat 'to." Anito at lumabas sa opisina nito kaya naman sumunod na lang si Riley dito habang dala-dala niya ang mga papeles. 

Wyndell then stopped in front of Pierre's office tapos ay kumatok lang ito bago pumasok. "Hey boss." Riley watched as Wyndell greeted Pierre, who's busy signing some papers habang nasa loob din ng opisina nito si Peter.

"What the hell are those?" Kunot noong tanong ni Pierre nang mapatingin ito sa mga dala niya kaya nakangising inilapag niya sa mesa nito ang mga papel.

"Trabaho mo daw 'yan." Nakangising sambit niya as he wiggled his eyebrows at his friend.

"Wow. Plano niyo ata akong patayin." Sarkastikong komento nito habang nakatingin sa mga papeles na nasa mesa nito.

"Hindi ka mamamatay diyan boss. Ako nga buhay pa e." Sabat naman ni Wyndell kaya napangiti siya ng malapad.

"Pakinig mo 'yun, George?" Nakataas ang kilay na sambit niya sa kaibigan niyang sinamaan naman siya kaagad ng tingin.

"Tumahimik ka Capetian. Huwag mo akong is-stressin." Anito at sumandal sa swivel chair nito. "Lumayas kayong dalawa sa opisina ko." Dagdag pa nito at napahagalpak naman siya ng tawa.

"Ang salty." Komento niya at inungusan lang naman siya ng kaibigan niya tapos ay lumingon ito kay Wyndell. 

"Pwede ko bang hiramin muna itong kaibigan ko?" Tanong nito sa dalaga at tumango naman si Wyndell kay Pierre.

"Sige. Pupuntahan ko lang din saglit si Ivienne." Sambit nito bago ito tumalikod at naglakad patungo sa pintuan ng opisina ni Pierre nang hindi man lang siya pinapansin kaya napasimangot siya. "I'll wait for you outside." Kaagad namang nagkaroon ng ngiti sa labi ni Riley nang lumingon sa kaniya si Wyndell bago ito tuluyang lumabas sa opisina ng kaibigan niya.

"Huwag kang ngumiti, Capetian. Ang pangit mo." Napalingon siya kay Pierre nang biglang magsalita ito bago ito tumingin kay Peter. "Iwan mo muna kami." Sambit nito at kaagad namang nagpaalam si Peter sa kanila bago ito lumabas sa kwarto.

"Haaa." Riley sighed as he sat on the chair in front of his friend's table. "Ano bang pag-uusapan natin? 'Yung secretary ko na ang bahalang makipag-usap sa'yo tungkol sa contract. Busy ako." Aniya at humagalpak naman ng tawa si Pierre.

"Busy kang lumandi, oo." Nakangising sambit nito at tinaasan niya naman ng kilay ang kaibigan.

"Ikaw nga noong hinahabol-habol mo si Iris, hindi naman kita ininis." Pagrereklamo niya rito at napailing na lang ang kaibigan niya sa sinabi niya.

"Whatever. Anyway, kamusta ka naman? How is it dating my employee?" Tanong ni Pierre sa kaniya kaya nangunot ang noo niya.

"Bakit ba sobrang curious ka kay Wyndell? Huwag mong sabihin sa aking type mo ang girlfriend ko kahit pa may asawa ka na?" Tanong niya rito at kaagad naman siyang binatukan ni Pierre.

Behind His MaskTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon