2

29 9 2
                                    

December 2, 2021

Akala ko mababawasan ang sakit kapag natulog ako kaso, hindi pala. You really enveloped my whole mind. Mi ultimo panaginip ko, ikaw pa rin ang laman. You're standing, back facing me. Gusto kitang lapitan. Gusto kitang yakapin. Gusto kong makasama ka ulit. Bakit hindi ko magawa. Kahit sa mismong panaginip ko ay nilalayuan mo ako. You disappeared on the darkness. Leaving me alone. Again. Iniwan mo na naman akong mag-isa.

Everything felt like a dream. No, it's not a dream. It's a nightmare for me. Isang bangungot na ayoko nang pagdaanan. Ayoko na. Gusto ko nang mahinto ang lahat.

My whole day passed like a blur. Hindi ko man lang namalayan na tumatakbo na pala ang oras. Was it my fault that you keep running inside my mind? Kasalanan ko ba na hindi ka mawala sa isip ko?

Hindi ko man lang magawang gumalaw. Gusto ko na lang pumikit para hindi na kita maalala pero, ikaw at ikaw pa rin ang pumapasok sa isip ko. Lahat ng bagay, ikaw ang nakikita ko. Lahat na lang nagpapaalala sa'yo. Bakit ba kasi hindi kita makalimutan? Bakit ikaw at ikaw pa rin?

Those little talks we had. Those big dreams we want. Lahat ng bagay na plinano natin, paano na 'yon? Ipinangako nating dalawa na sabay nating aabutin lahat. Sabay nating aangkinin ang mga pangarap natin. Bakit nawala na yung salitang "natin?" Yung salitang "tayo?" Bakit ikaw at ako na lang yung natira. Wala na ba talagang pag-asa?

Wala na, hindi ko na kaya. Akala ko ubos na yung mga luha ko. Akala said na said na. Ito na naman. Umiiyak na naman ako. Hanggang dito na lang muna ulit siguro. Hindi ko na kaya.

Niccolo Guanzon

You in my Fading Memory: An Epistolary Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon