4

15 8 1
                                    

December 4, 2021

Akala ko gusto mo lang abutin yung nga pangarap mo. Akala ko gusto mo lang maging malaya. Akala ko gusto mo lang mapag-isa pero, ano yung nakita ko?

Gusto kitang maka-usap kanina. Gusto kong ayusin yung bagay sa pagitan nating dalawa. Paano ko maaayos ang isang bagay na matagal na palang may lamat.

Tanaw na tanaw ko pa ang liwanag galing sa kwarto mo. Nakabukas ang lahat ng ilaw, nakahawi ang lahat ng kurtina. Ilang minuto rin akong naghintay hanggang sa makita ko ang anino mo. Anino mo na may kasamang iba.

Iba pala yung sakit. Pakiramdam ko ilang beses akong sinaksak. Hindi naman ako tanga para isipin ngayon lang kayo nagkakilala. Hindi naman ako tanga para isiping wala lang yon. Tangina.

Imbis na sumugod, umiyak na lang ako. Tawagin mo na akong mahina pero, ano naman ang magagawa ko. Kahit ipilit ko pa ang lahat, wala na rin namang mangyayari. Hindi naman na mababago ang lahat.

Ano bang problema sa akin? Bakit ang bilis naman? Ang bilis mo namang ipagpalit ako. Tangina lang. Ano ba ako rito?

Niccolo Guanzon

You in my Fading Memory: An Epistolary Where stories live. Discover now