3

19 8 8
                                    

December 3, 2021

Wala na ba talaga? Tangina lang. Pakiramdam ko pinaparusahan ako ng langit. Kasalanan na ba na mahalin ka? Kasi pakiramdam ko ang laki ng pagkakasala ko. Ang sakit na. Sobrang sakit na.

Umaga pa lang, ikaw na yung naiisip ko. Tanghali ikaw pa rin. Hanggang ngayong gabi, ikaw pa rin. Ano ba? Kailan ba kita mabibitawan? Bakit pinanghahawakan ko pa rin yung bagay dapat nang kalimutan. Ikaw pa rin kasi talaga. Kahit mahirap. Kahit masakit. Ikaw lang yung naiisip ko. Hindi ko na alam. Hindi ko na alam kung paano ako magpapatuloy. Pakiramdam ko mababaliw na ako.

Ilang beses kitang tinawagan. Ilang beses kitang sinubukang kausapin. Gusto ko lang naman ng eksplenasyon, Cass. Bakit hindi mo man lang sagutin yung mga tawag. Bakit hindi mo man lang magawang magreply sa mga text ko. Wala na ba talaga ako sayo?

Buong araw lang akong naghintay na tumawag ka. Umaasa ako na baka hindi mo lang nasagot. Baka may ginagawa ka lang. Baka gusto mo lang mapag-isip-isip. Kaso umasa lang pala ako sa wala. Hindi ka man lang nagparamdam. Hindi ka man lang tumawag.

Gusto kitang mahalin pa. Gustong gusto. Kahit mamalimos pa ako ng oras at atensyon mo, gagawin ko. Kahit magmakaawa at lumuhod pa ako sa harap mo. Gusto pa kitang mahalin pero, bakit itinutulak mo ako palayo?

Makakasama pa ba kita? Maabot pa ba natin yung mga pangarap nating dalawa? Kasi umaasa ako na babalik ka pa. Baka gusto mo lang muna mapag-isa.

Babalik ka pa di ba?

Niccolo Guanzon

You in my Fading Memory: An Epistolary Where stories live. Discover now