5

13 8 4
                                    

December 5, 2021

Am I really out of my mind? Hindi ko na alam kung ano na ba ang nangyari sa buhay ko. After what I saw yesterday, hindi ko na yata alam kung saan ma pupunta yung buhay ko. Im now back on square 1. From the start. Broken.

Halos ginawa na lahat ni Mama para mapatayo ako sa higaan. Ilang sigaw na rin ang narinig ko para tumayo pero, di ko na alam. Parang kahit ilang ingay pa ang marinig ko, hindi ko magawang kumilos. Pakiramdam ko patay na yung nasa loob ko. Hindi ko na maramdaman.

Akala ko hindi ko na magagawang lumabas ng bahay. I just found myself here at the park, writing this letter. Isang himala na nagawa ko pang tumapak sa rito parke. Lahat ng alaala natin, nandito. Lahat ng alaalang puro pala kasinungalingan. Alaalang ako na lang ang nakakaalala.

Kailan ba ako sasaya? Akala ko ikaw na yung makakasama ko. Akala ko hanggang dulo na tayo. Bakit may iba ka nang kasama ngayon? Bakit hindi na ako? Bakit hindi na tayo.

Gusto ko lang naman umayon sa akin ang tadhana. Gusto ko lang naman maging masaya. Bakit napakahirap? Bakit kailangan ko pang pagdaanan lahat ng to?

Alam mo ba na ang ganda ng mga bituin ngayon? Maliwanag. Masaya. Malaya. Hindi man lang nila nararanasan ang hirap dito sa lupa. Parang gusto ko na lang maging kasama nila. Gusto ko na lang mawala at magkasama sila sa kalawakan.

Napakahirap mong mahalin. Napakasakit.

Tama na 'to.

Niccolo Guanzon

You in my Fading Memory: An Epistolary Unde poveștirile trăiesc. Descoperă acum