7

14 8 5
                                    

December 7, 2021

I thought I'm okay. Akala ko ayos na ako. Wala na yung mga gamit mo rito. Wala na yung mga bagay na nagpapaalala sa'yo pero, bakit ikaw pa rin yung naiisip ko? Ikaw pa rin yung nakikita ko.

Pwede ba na burahin na kita sa isip ko? May paraan ba para mabilis kitang makalimutan? Hirap na hirap na ako. Pakiramdam ko ay araw-araw akong pinapatay. Araw-araw akong sinasaksak. Puno na ako ng sugat.

Isang katangahan na sinilip ko pa yung account ko. Gusto ko lang naman nakausap yung ibang kaibigan ko. Gusto ko lang naman humingi ng tulong sa kanila pero, bakit larawan mo yung nakita ko. Nakangiti. Masaya. Malaya.

Sobrang saya ba na wala na ako sa tabi mo? Sobrang saya ba kasi siya na yung kasama mo? Tangina lang. Sana hindi ko na lang nakita yon. Sana hindi ko na lang sinubukang buksan yung account ko. Bakit ang saya mo habang umiiyak ako?

Masokista yata ako kasi imbis na patayin ang cellphone mo, talagang tinignan ko pa yung ibang mga larawan mo. Lahat ng yon, nakangiti. Lahat ng yon, masaya. Tuwang-tuwa ka yata ngayon? Ibang-iba yung mga ngiti mo. It looks contented.

Pabigat lang ba talaga ako sayo? Tinatanong kita noon kung may problema ba. Ang mga sagot mo lagi puro wala. Puro ayos lang. Ayos lang ba talaga? Kung ayos lang, bakit umiiyak ako mag-isa ngayon?

Gusto kitang makitang masaya. Gusto kitang makitang maligaya pero, bakit ang sakit. Bakit mahapdi?

Niccolo Guanzon

You in my Fading Memory: An Epistolary Where stories live. Discover now