9: Huli

22 8 14
                                    

December 9, 2021

Paano ba naman yan? Siguro ito na ang huli. Huling bagay na isusulat ko para sa'yo. Huling bagay na gagawin ko para sa'yo.

Cass, alam ko na hindi mo naman mambabasa ang bagay na 'to pero, gusto kong magpasalamat. Gusto kong magpasalamat sa'yo na nakilala kita. Salamat sa apat na taong na kasama kita. Sa apat na taong minahal mo ako, kung totoo man ang ipinakita mo. Kung mabibigyan ulit ng pagkakataon, gusto ulit kitang makasama, kahit masakit.

Sana maging masaya ka, kahit hindi na ako. Kahit iba na yung kasama mo, sana palagi kang ngumiti. Ikaw pa lang ang babaeng minahal ko ng sobra maliban sa pamilya ko, hindi ko hihilingin na masaktan ka. Masokista nga ako di ba?

Alam mo ba, inilabas ko na ang lahat ng gamit na nagpapaalala sa'yo. Pakiramdam ko kasi mas lalo lang akong mahihirapan kapag alam ko na nasa paligid pa 'to. Gusto ko pa ring itabi pero, hindi naman ako ganoong kamasokista. Sabihin na nating sayang pero, mas sayang yung apat na taon natin. Mas sayang yung araw na dumadaan sa buhay ko. Mas sayang yung sarili ko.

Nasabi ko naman na huling sulat na to di ba? Huling paalam sa'yo. Kasabay ng mga alaala nating dalawa, masusunog ang mga sulat na ginawa ko para sa'yo. Kasabay ng mga alaala nating dalawa, magiging abo na lang ang lahat.

Para rin to sa sarili ko. Kailangan kong magpatuloy. Kailangan ko pang bumangon para sa sarili ko.

Just like what you did, kakalimutan na rin kita. Mananatili ka pa rin sa isip ko. You'll stay inside my memory. It's still you, in my fading memory.

Ito na yon. Paalam na.

Niccolo Guanzon

You in my Fading Memory: An Epistolary Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon