8

13 8 4
                                    

December 8, 2021

Minumulto siguro ako ng nakaraan. Isang linggo na rin simula ng matapos ang lahat. Isang linggo na rin akong umiiyak. Kailan ba to matatapos?

Akala ko naitabi ko na lahat ng gamit mo. Akala ko naitabi ko na lahat ng alaala nating dalawa. Hindi pa rin pala. Gusto pa rin akong makita ng langit na umiyak. Kung gusto man nila na makita akong umiyak, natagumpay sila.

Naalala mo ba yung ginawa nating recorder? Yung bagay kung saan natin nilalagay yung mga alaala nating dalawa? Nakita ko ulit. Akala ko naisama ko na 'to sa mga gamit nating dalawa. Hindi pa rin pala. Dahil sa isang recorder, nakita ko na naman ang sarili ko na umiiyak.

Hindi ko alam kung bakit tinignan ko pa ang laman ng recorder na' to. Siguro dahil sa pangungulila. Siguro kaso gusto ko ulit makita ka. Siguro gusto ko ulit tignan yung masasayang alaala nating dalawa. Tanga na ba ako sa lagay na 'to?

Unang bumungad sa mata ko yung isang video na magkasama tayong dalawa. Ang lawak pa ng mga ngiti mo ng mga panahong' yon. Unang beses nating lumabas na magkasama. Unang date nating dalawa. Isang salita mo pa lang, bumuhos na agad yung luha ko.

Sumunod naman yung unang anniversary natin. Puro puso ang nakikita ko sa buong video. Puno ng pagmamahal. Bagay na ibinigay mo na sa iba. Akala ko pangmatagalan na yung bagay na meron tayo. Akala lang pala talaga 'yon.

Habang pinapanood ko lahat ng video nating magkasama, puro iyak lang ang ginawa ko. Kasalanan ko bang masyadong akong napamahal sa'yo? Hindi naman di ba?

Wag kang mag-alala. Ito na ang huling beses na iiyak ako. Huling beses na naiiyak ako para sa babaeng hindi nakita ang halata ko. Huling beses na para sa babaeng hindi ko alam kung totoong minahal ba talaga ako.

Niccolo Guanzon

You in my Fading Memory: An Epistolary Where stories live. Discover now