▪▪▪Chapter V- Group project▪▪▪

2 1 0
                                    

"Sa magiging performance test nyo sa first Quarter ay magkakaroon kayo ng group project. Ano ito? Bawat group ay may topic akong ibibigay at bahala kayo kung anong istilo nyo kung papaano nyo ito ituturo. From this ay malalaman ko kung saang English grammar type kayo mahina. Para mapadali ang groupings. Lahat ng magkakasama sa table sila na ang grupo. (binilang nya lahat ng table) 12 tables kaya 12 groups. Permanent group nyo na iyan hanggang sa 4th quarter. Gusto ko lahat kikilos. Walang tamad sa group. Individual ang pag gegrade ko base sa inyong performance.

Lahat ng representative ng grupo magpunta sa harap at bumunot ng topic.

Magkaka grupo sina Ruper Dino Emman  Jira at Carmen.

"Babanggitin ko ang unang hanggang huli na magpeperform. "

Pang apat sila Carmen.

Agad na nagplano ang ibang grupo habang sa kanila ay tahimik na nagmamasid.

Nag iisip si Carmen ng gagawin. Lumingon siya sa mga kasama "Do you have any idea?" tanong nya

"Wala pa nga eh" ani Emman

"In this crowded area mahihirapan tayo mag isip. Hayaan muna natin sila.." paliwanag ni Carmen.

Chill lang ang grupo nila habang abala ang ilan. May mga nagtatalo na kung anong masusunod na idea.

Nakabusangot ang mukha ni Shiela ng makita siya ni Carmen.

"mawalan ka ba ng 500?" tanong ni Carmen

Umiling si Shiela. Naka palm face pa rin ito

"Ano bang problema mo at ang haba ng nguso mo?" Tanong ulit ni Carmen

"May group project kami sa English, mga kasama ko tatlo sa kanila bobo eh" walang kagatol gatol na sabi ni Shiela at napapadyak pa ito sa inis

Muntik ng matawa si Carmen. "Huh, paano mo nasabi?" tanong nya

"Eh kaklase ko na mga yan mula kinder eh boplaks mga yan eh, wala kang mapipiga kasi tamad na nga hirap pa umintindi ng lesson" pagkukwento ni Shiela

"Ganyan din sa amin. Kakasabi lang kanina. Alam mo may naisip ako" ani Carmen.

Umayos ng upo si Shiela.

"Pwede akong tumulong" pagpepresenta ni Carmen

"Eh may project din kayo eh" ani Shiela

"di sabay nating gawin" ani Carmen

Napaawang ang mga labi ni Shiela at tumayo. "Alam ko na, sige gnun ang gawin natin pero sa bahay namin. " aniya

"Sa bahay nyo?" takang tanong nito

"Kasi wala tayong oras na magkita kita magkakaiba naman tayo ng vacant time eh. " paliwanag ni Shiela

"Tanong ko muna mga kagrupo ko kung gusto nila" ani Carmen

"Ako rin" ani Shiela.

Nagtungo sila sa akni kaniya nilang room

Nagtungo sila sa kanilang favorite spot sa Dekki.

Ikinuwento ni Shiela ang plano. Gusto nila ang idea.

"Walang available sa sabado. Araw ng labada. Nang iminungkahe ni Jes ang Linggo lahat sila ay sumang ayon.

"Linggo naman yun bakit kaya hindi muna tayo magsimba ng sabay bago gumawa ng project" suggestion ni Jira

So may schedule na sila kung kailan nila pagpaplanuhan ang report.

Nakilala ni Carmen ang iba pang member s ng grupo nila Shiela.

Sunburn GirlWhere stories live. Discover now