▪▪▪Chapter VIII - Presentation▪▪▪

3 1 0
                                    

#Note: Nune Woranuch as Luz Lorenzo Lee

Awkward......

Hindi nagpapansinan ang dalawa dahil sa nangyari....

"Ang tahimik naman, naiwan ba ang dila niyo sa mga bahay  ninyo?" tanong ni Shiela

"Hindi ko lang feel ang araw na to, ang daming ganap" ani Jes

"Ang sabihin mo, yung crush mo may kasamag magandang cheeks" sabat ni Dino

Sinamaan ni Jes ng tingin si Dino. "Oooh Paano mo alam, ikaw ba si nyora?" sarkastikong sabi ni Jes at umirap pa ito

Ngumisi si Dino "Sa liit nitong school tyaka makalat ka kung lumandi" aniya

"Maliit nga itong school pero bakit ako yung nakikita mo, siguro stalker kita.. May gustoka ba sa akin?" tanong ni Jes na nagtaaz ng kilay

Napaubo bigla si Dino. "Yuck ka naman, uy hindi kita magugustuhan kahit kailan..." aniya sabay ngisi

"Yuck agad, hindi rin kita magugustuhan. Feeling mo6eh wala ka ngang pandesal tapos mukha kang dwende" ani Jes

"Ikaw kapre" ani Dino

"Dyan talaga nag uumpisa ang lahat" sabat ni Emman

"Manahimik ka" sabay sambit ng dalawa

Napapitlag si Emman na pangiti ngiti lang

Nag irapan ang dalawa.

"An kayang Punishment nung dalawa?" biglang tanong ni Jira

"Baka wala kasi honor students yung dalawa" ani Jes

"Honor students na lumalaki ang ulo.... Hindi ba nila nakikita bossy at feelingera yung Emy." iritang sambit ni Jira

Nagtaas ng kilay si Jes

"Oh bat ng taas ng kilay mo dyan, di maabot?" tanong ni Shiela

"Akala ko ako lang nakakapansin... Di ko talaga feel yang Emy, shy type pero malandi naman" ani Jes na marahas na bumuga ng hangin.

"Sila yun diba?" bulong ng babae nang dumaan  sa harap nila

"Hindi pa rin tumitigil ang tsismis?" ani Shiela

"Wait lang" ani Jes. Tumayo sya at nilapitan ang dalawang babae.

"Huli na kayo sa balita. Alam nyo ba ang salitang fake news? Magtanong kayo sa Principal's office para hindi kayo napag iiwanan or I suggest na tanungin nyo dun sa dalawa, wag na kayo mahiya. Pag tsismisan nga sila di kayo nahihiya, itanong nyo na para sagad sagad na, bongga diba?" sarkastikong sabi ni Jes

"Subukan mo ibuka yang bibig mo tatamaan ka sa akin. Yung nagsumbong, naoverwhelmed yata ang mata sa nakita nila kaya imbes na alamin muna ang totoo, nag report agad. Dapat hindi gnun at dapat hindi maniwala agad agad. " ani Jira na lumapit sa kanila at nag crossed arms

"Oo nga, andun kaya kami, ito ha para malaman ninyo. Isinugod namin sya sa ospital nung oras na yun dahil inaatake sya ng allergy tapos pagbalik pinagtsitsismisan nyo. Muntik ng may mangyari sa kanya. Hindi nyo yun  alam  kasi pinagpipyestahan nyo na ang balitang hindi nyo inalam muna kung totoo or hindi talaga tapos maka react kayo kala nyo mga banal kayo. Jusmiyo marimar kayo! Ani Shiela

Marami ang nakarinig ng sinabi ni Shiela.

Sa di kalayuan ay nandun si Emy, Vasel at iba pa nilang kaibigan.

"Naospital sya?" mahinang tanong ni Sally.

Nagkatingin si Emy at Vasel. Nagigiulty ang mga mukha nila.

Sunburn GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon