▫️▫️▫️Chapter 14 - PAIN▫️▫️▫️

2 0 0
                                    


"May araw ka rin" bulong ni Emy na nakatingin kay Erin.

Tinaasan sya ni Erin ng kilay na parang nanunuya.

Sinamahan sya ng dalawa sa kanyang kwarto.

"Kukuha lang ako ng tubig" ani Emman.

Naiwan ang dalawa.

"Kumusta na ang pakiramdam mo?" mahinang tanong ni Ruper.

"Medyo naninigas pa ang puson ko" ani Carmen

"Si Erin ang may gawa nyan diba?" biglang tanong ni Ruper

Napatingin lang si Carmen dito. Nakita nyang kumuyom ang kamao nito.

"Wala kang gagawin na ikapapahamak mo" ani Carmin na biglang hinawakan niya ang kamay ni Ruper.

Nagulat si Ruper sa ginawa nito.

"Ayaw kong may gawin sya sa inyo, ayokong madamay kayo sa galit nya sa akin." naiiyak nyang sabi

"Pero kaibigan ka namin, hindi mo ako mapipigilan mag alala at makaramdam ng ganito. Hindi na makatao ang ginagawa nya sayo dahil lang sa may gusto siya sa isang lalaki" mahinahong sambit ni Ruper

"Basta mangako ka na hindi ka gagawa na ipag aalala ko" aniya at tuluyan na nga itong naiyak.

"sssssh" biglang lumapit si Ruper ang pinunasan ng kanyang palad ang pisngi nito.

"Nangangako ako basta ipangako mo na mag iingat ka sa kanya" aniya

Tumango si Carmen bilang sagot.

Sinakop ng mga palad nya ang malambot at makinis nitong mukha.

"Hindi ko hahayaan na saktan ka niya ulit" ani Ruper.

Magkalapit ang kanilang mukha at magkatitigan sila.

Papalapit ang kanilang mukha ng biglang dumating si Emman.

"Ito na yung tu-big" nautal nyang sabi ng makita ang dalawa sa ganoong position.

Nag iwas si Carmen. Dumistansya naman si Ruper. Tahimik sila pareho

"Aaah ano may naiwan pala ako sa baba. Balikan ko lang. " ani Emman at mabilis na lumabas.

Naka yuko si Carmen. Nahihiya ito.

"Masyadong malamig dito sa kwarto mo, baka sipunin ka... Bawasan natin ng kunti ha" ani Ruper na mabilis na tumayo. Hindi na niya hinintay ang sagot ni Carmen. Taranta itong lumapit sa may aircon.

Palihim na sinulyapan ni Carmen ang binata at napangiti ito.

Malapit na magdilim ng maka  uwi si Ruper at Emman. Nakatulog naman si Carmen.

"Alam mo ate Alma, ang ganda ng lupa sa bukid. Mabilis tumubo ang mga itinatanim nyo." ani Luz

"Oo nga eh, ang swerte ng may ari ng lupa kasi mabilis ang pag laki ng mga panamin." sagot ni Alma

"Sayang lang kasi kahit kayo ang naghirap at nagpagod. Di lahat ng porsento mapupunta sa inyo." malungkot na sambit ni Luz

"Kung sa amin lang ang lupa. Marami ani marami  binta kaso malaki ang porsento ng may ari. Wala rin kami magagawa kasi nakikigamit lang kami ng lupa nya"

"Ang unfair naman nya. Kayo ang nagtanim iba ang nag ani. Kaloka siya" ani Luz

Nakita nya ang mga bagong pitas na Ampalaya at talong.

"Naku ang gaganda namang mga gulay  ang mga yan." masayang sambit nya

"Papakyawin yan agad kapag nakita sa palengke" ani Debora

Sunburn GirlWhere stories live. Discover now