▪▪▪Chapter 12- Fears back▪▪▪

2 0 0
                                    

"Carmen, please stop avoiding me and talk to me."!!. " inis na sabi ni Trivor

"Wala na kasi tayong pag uusapan Trivor." ani Carmen sabay alis

Hinayaan na lang niya itong makalayo.

"Siya yung bagong tranfer ng grade 9 diba?"

"Oo, ang balita ko galing yan sa mayamang school"

"Halata naman at tyaka ang gwapo niya, ang kinis ng mukha at kissable lips pa!"

"Excuse me, pinag uusapan nyo ba si Trivor. Well,He hates gossip, so stop murmuring. Chu chu chu" pagtataboy ni Vasil sa mga babae

"Sungit naman nito, tara na nga"

"Oo nga feeling sya yung girlfriend eh may lawit naman hehehe"

"mismo yabang yabang pa" aniya ng babae at inirapan si Vasil

"Uy Carmen, sabi ni Jira pinag uusapan ka nila Emy and friends na nakita ka raw ni Kim na bumaba sa kotse ni Trivor" ani Jes

"Ah yun ba, oo nagpunta sya sa bahay kinamusta si mom eh papasok na ako kaya nag alok na ihatid ako. I can't say no to him dahil mom requested it too" pagpapaliwanag ni Carmen

"Teka, bumisita siya sa bahay nyo... Magka kilala kayo?" nagtatakang tanong ni Shiela

Tumango si Carmen. "He's my childhood best friend" mahinang sabi nya

"Pero bakit parang iniiwasan mo siya?" tanong ni Jes

" Because of guilt. Hindi ko alam kung paano ako magpapaliwanag sa kanya" aniya na may lungkot sa tono nito

"eeeem kaya pala...pero anong rason?" pang uusisa ni Jes

Siniko siya ni Shiela at pinandilatan

"a kasi_" hindi niya natapos ang sasabihin.

"Carmen" tawag ni Trivor.

Pag lingon ni Carmen ay nasa tabi na niya ito.

"We need to talk, whether you like it or not"ani Trivor. Hinawakan niya bigla ang kamay ni Carmen.

Inaalis ni Carmen ang kamay ni Trivor pero mas hinigpitan ng binata ang paghawak dito.

"Bitawan mo ako Trivor. Hindi tayo mag uusap, ano ba!" sigaw ni Carmen

"Pare nasasaktan si Carmen" ani Ruper

"Huwag kang makialam" matigas na sambit ni Trivor

Pumagitna si Ruper at sya na ang nag alis ng kamay ni Trivor.

Akmang susugurin siya ni Trivor ng lumapit si Dino at Emman.

"We need to talk, Carmen, and tell them to get out of the way!"" bulway ni Trivor.

"Bakit ba kasi ang kulit mo.... Wala na tayong pag uusapan. We are not best friend anymore" ani Carmen

"You are unfair... Magkaibigan na tayo simula pagkabata. Bakit ang dali sayo na kalimutan yun at sabihin na hindi mo na ako kaibigan. May nagawa ba akong mali ha. Why are you doing this to me!" ani Trivor

Napupukaw na ang atensyon ng mga kapwa nila estudyante.

👏👏👏

May pumalakpak ng malakas sa di kalayuan.

Biglang natigilan sila lalo na si Carmen ng makita si Erin.

Hindi ito makagalaw sa pagkagulat.

"So sinundan mo tong sunog araw na to?" ani Erin na papalapit sa kanila

Sunburn GirlWhere stories live. Discover now