▫️▫️▫️Chapter 15- chase▫️▫️▫️

3 0 0
                                    

They are both dressed in simple white gowns...

While Carmen is praying quietly., nakatingin lang si Luz sa anak.

She knelt and began to pray.

(Hindi ako sigurado sa nararamdaman ko, sana maging negative ang result. Gusto kung gabayan ang anak ko. I want to see her succeed before something bad happens to me.. Kung sakali man na mangyari yun dapat nasa maayos na ang anak ko. Sana magamot na ang allergy nya para maging normal na ang pamumuhay nya) She almost starts crying.. Pinipigilan nyang maluha lalo at nasa tabi nya ang anak.

"Are you all right, Mom?"

Napamulat ito ng marinig ang tinig ng anak.

"Yeah, I'm just grateful to have you as a sweet and kind daughter." aniya at tyaka niyakap ito.

Nakakunot ang noo ni Carmen na nagtataka.

"I, too, am grateful for having a cool mom; you made every day wonderful and full of possibilities." Kaya hindi ko alam ang gagawin ko kapag nawala ka" aniya

Napapikit si Luz sa huling sabi nito. Nakaramdam sya ng kirot sa puso ng marinig iyon mula sa anak.

"Hey, pupunta pa tayo sa birthday ni ate Alma." ani Luz. Inayos nito ang nagulong buhok ni Carmen at tyaka hinalikan sa noo.

Marami ng bisita ang naroon. Mula sa labas ng gate ay itang kita na ang mga tao sa looban.

Sinalubong sila ni Alma at Ruper.

"Happy Birthday ate Alma!" sambit ni Luz na niyakap ito ng mahigpit.

"Thank you" masayang sambit ni Alma

"Hi" bati ni Ruper

"Hi" bati rin ni Carmen.

"I need to change, gusto ko tumulong. I know marami kayong ginagawa and I want to help" ani Luz. Isinampay ang kamay sa braso ni Alma.

"Mauna na kami sa loob" ani Luz.

"Bakit ka nakati-tig sa akin?" mahinang tanong ni Carmen ng mapansin ito.

"huh ano kasi, ngayon lang kita nakitang nakasuot ng dress ng walang hood" diretsyang sabi ni Ruper

"Yeah, effective yung vitamins na nerekomenda ng doctor sa bayan." ani Carmen

"Mabuti naman para hindi ka na mahirapan ng husto."

"Ang daming tao, nakakahiyang pumasok" Nahihiyang sambit ni Carmen

"Nariyan mga kamag anak namin. Halika, ipapakilala kita sa kanila" anyaya ni Ruper

"Sandali" aniya sabay hawak sa braso ni Ruper. Nasa likod siya.

Napailing si Ruper. "Bakit ka nagtatago dyan. Hindi ka nila kakainin" aniya

"Nahihiya ako, hayaan mo ng ganito" ani Carmen na muling nagtago sa likod

Tumango si Ruper ang napangiti. "Sige tayo na" aniya

"Oh Ruper, sino yang nasa likod mo?" paninita ng lalaki na kaedad lang nila kung ang basehan ay ang mukha nito.

Humawak ng mahigpit si Carmen.

"Ah, kaibigan ko."

"Bakit sya nagtatago dyan"

Pinandilatan nya ito para patigilan na sana niyang mag usisa ito

Nakakunot ang noo ng kausap

"Sige pre, doon muna kami" ani Ruper

"Girlfriend mo ata eh, ayaw mo lang ipakilala" hirit pa nito

Hngiti lang ang sagot nya dito

"Ay sus..."

Sunburn GirlWhere stories live. Discover now