▪▪▪Chapter VI- Boodle fight▪▪▪

2 1 0
                                    


Sumakay na sa Shiela at Jira sa loob si Jas naman sa likod sa tabi ni Dino.

Sumakay ang tatlo sa tricycle na dala ni Dino.

Si Emman at Ruper ay may sariling motor na dala.

"Carmen umangkas ka na lang sa motor ni Ruper, di ka kakaya dito sa maliit eh" ani Shiela. Sumilip si Shiela at kumindat kay Ruper.

Ngumusi si Ruper at umiling.

Tumingin si Carmen sa motor ni Ruper.

"Teka, paano sumakay dyan?" nahihiyang tanong nito

"Itapak mo yung paa mo dito ganun din sa isa mong paa." ani Ruper

Nag aalangan itong sumakay.

"heto helmet"ani Ruper

Hawak hawak lang nya ito. Tinitignan siya ni Ruper sa side mirror. Lumingon siya at kunuha yung helmet.

"Ako magsusuot sayo" ani Ruper.

Dahan dahan niya itong sinuot. Malapit at magkatapat ang mga mukha nila habang ikinakabit ang tali nito upang hindi malaglag.

Nagtama ang mga mata nila.

"eeem" may tumikhim sa kanilang likuran.

Nag iwas si Carmen ng tingin. Bumalik naman sa manibela si Ruper.

"Tara na" sigaw ni Dino

"Aay" tili ni Jas ng biglang pinatakbo ni Dino ang tricycle. Napahawak ito sa baywang ni Dino.

"Uy, humawak ka sa hawakan wag sa baywang ko! Nanantsing ka na" sigaw ni Dino

"Tse, Ikaw kasi bigla bigla mo paandarin ang motor. Nagulat lang ako. Di kita type no, wala kang abs!" sigaw ni Jas

"Di rin kita type no!" ani Dino

"Ready ka na?"Tanong ni Ruper

Tumango si Carmen.

"Humawak ka para di ka mahulog" ani Ruper at pinaandar na ang motor

Hindi alam ni Carmen kung saan sya hahawak. Nang pinaandar na ang motor ay biglang napakapit ito sa baywang ni Ruper at pumikit sa takot.

Bumilis ang patakbo ni Ruper. Humikpit din ang pag yakap ni Carmen sa kanya.

Lihim na Napangiti si Ruper ng maramdaman ang paghigpit ng yakap nito sa kanya.

"Don't drive too fast" ani Carmen na abot abot ang kaba.... Unang beses niya sumakay sa motor.

"He he he" tawanan sila Shiela ng makita si Carmen.

"Andito na ba tayo?"tanong ni Carmen na nakapikit pa

"Kanina pa" ani Shiela

Nagmulat ito ng mata. Nakatingin sila sa kanya.

Tumingala ito at nakita ang nakangiting si Ruper. Napansin din nya na nakayakap pa rin ito. Agad siyang bumitaw at bumaba sa motor.

Pulang pula ang pisngi nya sa hiya.

"Ang bilis nya pinatakbo yung motor halos lumipad kami kaya humigpit din yung hawak ko,aaaah Shiela saan yung bahay nyo... Ta-ara na" aniya na lumapit ka kaibigan at nagmamadaling naglakad.

Naiwan ang tatlong lalaki. Umakbay sila kay Ruper.

"Kumusta ang puso, normal beat ba?" tanong ni Dino

"Gags ka, walang ganun" ani Ruper na tinapik ang balikat ni Dino

"Denial pa to eh" ani Dino

"Manahimik ka na lang" sagot ni Ruper

Sunburn GirlWhere stories live. Discover now