CHAPTER 12

48.9K 1.8K 1.8K
                                    

Maureen



"Not qualified, no experience, resumé not valid, not eligible." wika ko habang isa-isang ibinalik ang mga application letters sa gilid ng mesa bago binuklat ang pang huling folder. "A fresh graduate, nope i don't want this." agad ko din yung isinantabi saka napabuntong-hininga.

God i'm so stressed today. Wala akong mahanap na aplikante na qualified sa posisyon bilang assistant/secretary ko. Majority kasi sa mga ito ay wala pang work experience at kinailangan pang isabak sa training. I have no time for that. I want someone who's already familiar in doing administrative tasks para sa ganon ay deretso na. Ang dami kong trabahong kailangang tapusin at gusto ko yung trabahanteng may alam na sa gawaing pang opisina.

It's been a week since my secretary resigned due to sensitive pregnancy and her husband doesn't want her to work anymore which i understand. Kaso nga lang ang dami nitong naiwang paperworks at lahat ng mga sumubok na mag-apply ay hindi kwalipikado sa nasabing posisyon.

Napasandal ako sa swivel chair at napatitig sa ibabaw ng kisame. Then out of nowhere, isang ideya bigla ang pumasok sa isip ko.

I immediately dialed Vaughn on their company landline and waited for her to answer. It took seconds before she picked it up.

"Hello, Tuazon Corporation. How may i help you?" pormal na tanong niya sa kabilang linya.

"Tanggalan mo ng trabaho si Gail ngayon din." agad na sagot ko.

"Maui?" may halong pagtataka ang kanyang boses.

"Yes it's me. Fire, Gail now."

"Huh, bakit ko naman gagawin 'yon?" she sound confused.

"Basta sundin mo lang yung utos ko. Tanggalin mo na siya bilang assistant mo ngayon mismo."

Matagal bago si Vaughn nakasagot. "Maui look, kung may nagawa mang kasalanan si Gail sayo, in behalf of her, ako na mismo ang mag-so sorry."

"Wala siyang kasalanan sa 'kin. I just want you to fire her. Kukunin ko siya sayo."

Saglit natahimik si Vaughn na para bang nagulat. "Kukunin mo siya para saan?"

"Let's just say I couldn't find a qualified assistant and it's stressing me out. At since may alam naman si Gail sa mga gawaing pang opisina, kukunin ko na lang siya sayo."

"Ayuko. Aagawan mo pa 'ko ng empleyado eh."

"Sige na huwag ka ng magreklamo. Gawin mo yan bilang pambawi mo sa mga pagkukulang mo sa'kin."

Natawa si Vaughn pero agad ding sumeryoso. "Seriously, Maui, I can't. I need her. Sa kanya lang ako may tiwala. Isasama ko pa siya this week sa Tagaytay para i-meet up yung kliyente namin galing London."

"I don't care. Maghanap ka ng iba dyan. Fire her now."

"I can't, i'm sorry."

"Vaughn, isa. Ngayon lang ulit ako hihiling ng pabor sayo, pati ba naman yan ayaw mo pang ibigay sa'kin?"

"I'll help you find one instead. Huwag lang si Gail."

"But i want her. And you know my reason, don't let me repeat it twice."

"Fine, pero huwag muna sa ngayon. Next month na."

"No. I want it today, pronto."

"Maui naman eh. Ang hirap kayang maghanap ng mapagkakatiwalaang assistant. Can't you get your own?"

I rolled my eyes. "Do it or else, i-wiwidraw ko yung investment ko sa kompanya mo. Mamili ka, Ibigay mo sakin si Gail o aalis ako bilang support investor mo?"

A Taste of Bliss (ɢxɢ) ✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon