𝄄𝄄✧ᴄʜᴀᴘᴛᴇʀ 5✧𝄄𝄄

298 26 20
                                    

Busying-busy ako sa pagtitipa ko sa celphone habang naglalakad. Patungo ako sa library para kumuha ng rereviewhin namin ni wendy sa math.

Medyo nahihirap ako sa math na pinag aaralan namin ni wendy. Noong isang araw kasi ay may dumating na guro samin, siya lang ang nagturo samin buong araw, pero isang beses lang 'yon nangyari dahil makalipas ang ilang araw. Hindi na rin siya bumalik. Nalaman namin na sit in lang siyang teacher. Kumbaga, ginawa lang niya kaming tester para makapasa sa pagiging teacher niya.

Nalaman naming hindi pa siya regular na teacher. Nakakainis talaga! Hindi ko na talaga alam ang gagawin ko sa systemang 'to. Gustong-gusto ko ng magreklamo at sugurin si mr. Jack sa mga nangyayari. Pinipigilan ko lang talaga ang sarili ko.

" hey!! Watch out!" natigilan ako sa paglalakad at nagulat ng may kung sinong humawak sa braso ko at hilahin ako nito.

Tila panandaliang bumagal ang pangyayari. Dahan-dahan akong napalapit at napasubsub sa taong natangka saking humila. Ramdam ko ang pagyakap niya sakin. Naamoy ko rin ang amoy panlalaki niyang pabango na siyang nakapagpagaan sa pakiramdam ko.

Nakaramdam din ako ng kapanatagan sa mainit na yakap niya. Sakop na sakop niya ang buong katawan ko sa laki at malapad nitong dibdib. Ramdam at rinig ko na rin ang mabilis na kabog ng dibdib nito.

Ilang sandali pa, hinawakan niya ako sa magkabilang balikat ko at bahagya akong inilayo sa kaniya. Tiningnan niya ako.

Doon lang ako natauhan ng makita ko ang mukha niya at magtama ang mga mata namin.

"ayos ka lang ba?" may pagaalalang tanong niya. Siya 'yong lalaking nagpaiyak sa babae noong isa sa may hallway.

'yong nakitaan ko ng eksena. hindi agad ako nakapag react at nakakilos. Nakadikit ang mga kamay ko sa dibdib ko habang mahigpit kung hawak ang phone ko.

ngumisi siya. " kelly? Are you oky?" kumunot ang noo ko at mabilis na lumayo sa kaniya.

Nakita ko ang pagngiti niya sa naging reaksyon ko. " p-paano." tiningnan ko ang matikas niyang pagtindig sa harap ko. Inilagay niya ang dalawa niyang kamay sa bulsa ng pantalon niya.

" paano mo ako nakilala?" natawa siya. " hindi mo ba alam? Sikat ka na sa school na 'to" Oo nga naman. Kilala na nga pala ako sa XU na laging kasama sa gulo.

Nahagip ng mata ko ang isang flower vase na siyang basag na at mukhang nanggaling iyon mula sa taas. Napatingala ako at nakita kung may mga flower vase sa pang limang palapag sa katapat ko lang na building. May isang vase doon na nakaawang at malapit na rin na malaglag.

Mukhang ito ang dahilan kung bakit niya ako hinila at niyakap. Tiningnan ko siya. Nagulat ako ng lumapit siya sakin, bahagyang lumayo ang katawan ko ng ilapit niya ang mukha niya sakin.

Tinitigan niya at ginala ang mga mata niya sa kabuoan ng mukha ko. Hinawakan niya ang ulo ko at tinapik ito ng mahina na para bang aso niya ako. " sa susunod kasi sa daan ka tumingin huwag sa phone mo. " paalala niya sakin habang kitang-kita ko ang mga pantay niyang ngipin dahil sa pagngiti nito.

Hindi ko na rin makita ang mga mata niya. Kinindatan niya ako bago ito umalis sa harap ko. Iniwan niya ako doon na prinoprocess pa ang mga pangyayari.

Naging matagal din ang pagrereview namin sa math ni wendy. Busy pa rin kami dito sa room namin sa pagsasagot at pagaaral ng math. Ilang beses na akong binatukan ni wendy, dahil kahapon pa ako hindi makaalis sa isang formula na itinuturo niya sakin. Naikwento ko sa kaniya ang nangyari sakin kanina, bumakas ang inis sa mukha niya at halos hindi na maipinta ang mukha niya ng malaman niyang tungkol iyon kay daniel.

Four Gangster Fall Inlove With MeWhere stories live. Discover now