𝄄𝄄☆ᴄʜᴀᴘᴛᴇʀ 7☆𝄄𝄄

341 31 10
                                    

" Hindi ba talaga kayo magsasalita? Hah?!"

" uno, ang puso mo."

" f*ck! Kanina pa tayo nagtatanong sa kanila wala na naman tayong nakukuha"

"dinadaan mo kasi sa galit mo e'. Matuto ka kayang huminahon at makipag usap ng ayos"

"bakit kaya hindi ikaw ang gumawa?."

" pwede ba manahimik na kayo"

" ilang ulit ba namin kayo tatanungin para mapakatanta kayo?"

" ilang ulit din ba naming―"

Mabilis akong napamulat at naalimpungatan ng makarinig ako ng malakas na putok sa kung saan. Kunot noo akong napabaling sa paligid at bahagyang napadaing ng maramdaman ko ang mga pasa at sakit sa katawan na ginawa sakin nung mga taong 'yon.

" asan ako?" tanong ko sa 'aking sarili at bahagya ko pang kinurap-kurap ang mga mata ko upang palinawin ang paningin kong medyo malabo pa.

napakadilim ng paligid, base sa mga nakikita ko sa loob ng silid na nilalagian ko. Puno ito ng mga sirang kagabitan. Amoy gabok din ang paligid at mga nasunog na gamit. Nakita ko na lang din ang sarili ko na nakasandal sa isang sulok ng silid na ito; katabi ng mga lumang kahon na mukhang may laman.

Sinubukan kung tumayo, ngunit napaupo akong muli dahil sa panghihina ng tuhod ko at pagkirot nito. Napamura pa ako dahil sa inis at halos mangiyak-ngiyak sa sakit. Napabaling ako sa sira ng pintuan. Nakasara ito, butas-butas at ang kalahati nito ay tila sunog na.

Mula sa likod ng pintuan, rinig ko ang ingay sa labas. Mukhang may tao pa kanina sa labas. Iyon 'yong mga naririnig ko. Bigla akong kinabahan, bigla akong nakaramdam ng takot habang naririnig ko ang ilan na nakikiusap sa kaniyang kausap. May isa namang pilit na pinaglalaban ang sarili.

Hindi ko sila mabilang sa kanilang mga boses. Napaiktad ang katawan ko sa gulat ng makarinig ako ng ilang putok ng baril. Maslalong nanginig ang buong kalamnan ko sa narinig.

" nasaan na ba ako? Ano bang nangyari at bigla na lang akong napunta rito?"

naghanap ako ng pwede kung gawing tungkod sa pagtayo ko. Hindi naman ako na bigo. May na kita akong isang kahoy na malapit lang sakin at ginawa iyong tungkod.

Sinikap kong makatayo. Paika-ika akong naglakad papalapit sa pintuan, rinig ko ang bawat mabibigat na paghinga ko kasabay ng pagkabog ng malakas ng dibdib ko. Pilit kung pinapakalma ang sarili ko.

Sumilip ako sa isang siwang sa pintuan at hinanap ang mga taong nagmamay-ari ng boses na 'yon. Nalalaki ang mga mata ko ng matanaw ko sa hindi kalayuan ang limang lalaking may mga hawak na baril at kaharap ang isang lalaking nakaputing uniform ng pang guwardiya.

Nakaluhod ito sa harap ng limang lalaki habang nakagapos ang mga kamay. Nakita ko rin ang mga kasamahan nitong guwardiya na nakahandusay na sa lupa at sa tingin ko'y wala ng buhay.

" maaawa kayo! Wala akong kinalaman sa mga sinasabi niyo."

" walang kinalaman? Hindi ba't kinausap na kita noong isang araw na magispiya ka sa kanila"

" Wala naman po akong nakuhang ibidensiya. Nakikiusap ako, nagmamakaawa! May pamilya akong tao."

"wala akong pake sa pamilya mo. Hayaan mo isusunod namin siya sayo ng hindi mo sila maiwan. Hahaha."

Hindi ko maiwasang mainis habang pinapakinggan ko ang paguusap nila. Ano bang kailangan nila? At ispiya? Sino bang binabanggit nila? Sino ba sila?.

" hindi ba't may pinagusapan na tayo na kapag wala kang maibigay na impormasyon samin. Buhay mo ang magiging kapalit o ang pamilya mo"

" huwag! Pakiusap! Maawa ka. Ako na lang, ako na lang ang patayin niyo. Huwag niyo ng idamay pa ang pamilya ko"

Kitang-kita ko ang pagmamakaawa ng guwardiya sa kanila. Ano bang nangyayari? Bakit nasasaksihan ko ang ganitong eksena? ano bang lugar 'to? Nananaginip ba ako?.

Mariin na napakuyom ang kamao ko. Hindi ko alam ang mararamdaman, Itinutok na ng isang lalaki ang hawak nitong baril sa noo ng guwardiya. Halo-halo na ang imosyon na siyang lumalamon sakin.

Kaba,takot, inis at galit. Mas-pu-ma-paibabaw ang inis ko dahil sa mga naririnig ko. Anong dahilan nila para pumatay ng taong wala naman kinalaman sa nais nila?. Sino sila para gawin ang mga 'to?.

Gusto kung lumabas at tulungan ang guwardiyang 'yon. Pero paano? Paano kung ganito ang kalagayan ko. Ano pati ang maitutulong ko na kahit ang sarili ko hindi ko naman nagawang tulungan kanina.

Napakurap ang mga mata ko sa gulat ng iputok na ng taong 'yon ang baril sa noo ng guwardiya. Napahawak ako sa bibig ko sa nasaksihan. Tulala akong nakatitig sa guwardiyang dahan-dahang bumagsak sa lupa at ang pagdanag ng dugo nito.

Napalunok ako. Ramdam ko na ang pag-init ng mata ko; ang marahan na pagagos ng mainit na tubig sa pisnge ko. Hindi ko na rin namalayan ang pagbitaw ko sa tungkod na nagsisilbi kong gabay sa pagtayo.

Nakita ko na lang din ang sarili ko na dahan-dahang umaatras palayo sa pintuan na 'yon ng hindi kumukurap at nakatulala lamang doon. Sino ba sila? Bakit kailangan nilang patayin ang mga taong 'yon?.

Punong-puno na ng katanungan ang isip ko. Pagkalito at takot ang siyang bumabalot rito. Nawalan ako ng balanse sa pagatras ko. Hindi ko na naging alintana ang sakit ng katawan at ang panghihina ng mga tuhod ko dahil sa mga nangyayari.

May mga ilan akong nadanggil na gamit sa likoran ko sa pagupo sa saheg na siyang nakalikha ng ingay. Maslalong dumagdag ang kaba sa dibdib ko.

Nanlalamig ang mga pawis kong bumaling sa pintuan at nanalangin na sana ay hindi nila ako narinig. Rinig ko ang bawat yapak ng kung sino na siyang papalapit rito.

Hindi ako makakilos sa kinauupuan ko. Nanatili akong nakatulala sa pintuan na iyon at naghihintay kung magbubukas ba ito. Maslalo pang naging intense ang paligid ng pumihit na ng dahan-dahan ang lumang doornap ng pinto. Hindi ito mabuksan, Rinig ko na ang bawat pagkalabog ng puso ko sa kaba.

Wala na rin tigil sa pagagos ang malamig na pawis sa mukha ko. Ilang beses nila itong sinubukan bukasan ngunit hindi ito mabuksan. Napasigaw na lang ako sa takot at napayapos sa sarili ko ng paulanan nila ito ng bala.

May kung sino ang sumipa sa pintuan upang tuluyan itong masira at tumumba sa harapan ko. " sino ka?" dahan-dahan kong binitawan ang sarili ko at marahan silang binalingan.

Doon ko napagtanto na nakapalibot na silang lima sakin. Nakatutok ang mga baril sa mukha ko. Sa puntong 'yon, akala ko makikita at mamumukhaan ko na ang kanilang mukha.

hindi pala. Nakatakip ng itim na mask ang kanilang mga labi na tanging mga mata lamang ang makikita. Wala na akong choice kung hindi ang magpabihag sa kanila. Dinakip nila ako at dinala sa labas ng silid kung saan nila binawian ng buhay ang mga walang laban na guwardiya.

" ano ba! Pwede ba bitawan niyo ako!" pagpupumiglas ko habang hawak ako ng dalawang lalaking sobrang tangkad sakin. Ang lalaki' ng pangangatawan nila, halatang makikisig at hindi pinababayaan ang katawan.

May gana pa akong mag memorize ng katawan ng mga ito gayong nasa kalagitnaan ako ng kapahamakan. Bakit kaya kelly isipin mo kung papaano ka tatakas sa mga ugok na 'to at hindi 'yang kalandian mo ang inuuna mo.

May isang lalaki ang lumapit sakin at tiningnan ang kabuoan ko. Naniningkit ang mga mata nitong nililibot ng tingin ang katawan ko; habang hawak pa rin ako ng dalawang lalaki. Tumigil ang paningin nito sa mukha ko at tinitigan ako. Hindi naman ako nagpatalo at kinalaban din ang pagtitig nito sakin.

" anong ginagawa mo dito?" suya akong natawa. " pag ba hindi ko sinagot 'yan pati ako papatayin niyo?" pabalang na tanong ko.

" haha. Ibang klase rin pala 'tong isang 'to e. Ano? Tudanis na rin ba natin 'yan?" singit naman nung isa.

" pwede ba uno, kahit ngayon lang itikom mo ang bibig mo" suway naman sa kaniya nung isa na kulay pula ang buhok.

"nakakapika na e'. Kanina pa nainit ulo ko sa mga 'to"

" kailan ka ba hindi uminit ang ulo?" wika naman nung isa na itim na itim ang buhok.

" manahimik kayo" sita naman sa kanila ng taong nasa harapan ko. Muli niya akong binalingan. Hawak ang kaniyang baril, iginala niya ang dulo ng nguso nito sa katawan ko.

" nakauniform ka ng XU. Mukhang isa ka rin sa kanila." tumigil ang paningin niya at ang nguso ng baril sa mukha ko. " mukhang kilala mo ang hinahanap namin." kumunot ang noo ko.

Sa totoo lang kanina pa ako nangangatal sa takot at hindi na alam ang gagawin, pero pinipigilan ko 'yon. Sinisikap kung maging matatag at itago ang mga imosyon na masmagpapahina sakin. Pilit kong ipinapakita na hindi ako natatakot sa kanila, na kaya kong lumaban kahit na lima sila at may mga armas.

" ano bang pinagsasabi mo?"

" alam kong kilala mo ang sinasabi ko"

" paano ko malalaman 'yang sinasabi mo kung di' mo sakin sinasabi..."

" ang dean ng XU kilala mo siya hindi ba?"

Si sir jack?. Anong kinalaman niya dito?. " anong meron sa kaniya?." malamig na tanong ko. Nagkatinginan ang mga ito na tila ba may pinaguusapan sila gamit ang ganoong tingin.

" Gusto mong mabuhay hindi ba?" sino bang hinde?.

" ikaw ang magsisilbing ispiya namin at alamin mo ang mga transaction niya. Ganoon din ang apat niyang bata. Gusto kung alamin mo ang lahat. "

Hindi ako nagsalita, tinitigan ko ng maige ang mata ng lalaking kaharap ko at prinoproseso pa ng utak ko ang mga sinabi niya. Transuction? Apat na bata? Alamin ang lahat?.

" kung hindi mo gagawin 'yon. Buhay mo ang magiging kapalit." pinaningkitan ko siya ng mata. " bakit parang napakadali lang para sa inyo kumitil ng buhay?" malamin na saad ko.

Sandaling natigilan ang lalaki. Siya naman ngayon ang nakatitig sakin, tila hinahanap at iniintindi ang sinabi ko. " dahil 'yon kami." malamig na saad niya.

" Hindi niyo ba alam? Dugo rin ang kapalit ng buhay na kinikitil niyo"

" alam namin 'yon at handa na kami para doon" mas-maige ko pa siyang pinagmasdan. Pilit kung binabasa ang mga mata niya.

" bakit? Bakit kailangan niyong gawin 'yan?"

" maraming dahilan...at labas ka na doon. Gawin mo na lang kung ano ang pinapagawa namin sayo kung gusto mo pang mabuhay.."

" paano kung hindi ako pumayag." lumalim ang paningin sakin ng lalaki. " paano kung masgusto ko na lang mamatay kesa sundin ang gusto mo" may riin at nagmamatigas na saad ko. Hindi ako t*nga para maging sunod-sunoran nila. Takot man akong mamatay; hindi ako magiging sunod-sunoran ng mamamatay tao.

Nanatiling nakatingin ang paningin ko sa kaniya ng itutok niya sa ulo ko ang nguso ng baril na hawak niya.

" kung ganun ngayon pa lang magpaalam ka na.." Walang takot kong itinuon ang noo ko sa labi ng baril niya. Bakas sa mukha ko ang paghahamon.

" sige. Subukan mo. Siguraduhin mong mamatay ako dahil kung hindi, sisiguraduhin kong pagsisisihan niyong binuhay niyo pa ako."

" haha! Ibang klase rin talaga ang tapang ng babaeng 'to." wika ng isa at inis itong lumapit sa tabi ng lalaking kaharap ko. Tinutukan niya rin ako ng baril. " ako na papatay sayo!"

" subukan mong iputok 'yan! Buhay mo rin ang magiging kapalit ng buhay ng babaeng 'yan"

Sabay-sabay kaming napalingon sa nagsalita. Nakita namin ang apat na lalaki na siyang nakatayo sa hindi kalayuan. Nakatutok ang kanilang mga baril sa direksyon namin. Natigilan ako at hindi inaasahan na ang apat na lalaking 'yon ang siyang makikita ko ngayon.

anong ginagawa nila rito?.

Mabilis na kumilos ang limang taong ito at ginawa nila akong bihag sa apat na lalaking dumating. Itinutok rin ng lima ang kanilang mga baril sa mga ito. Naging intense ang pagitan ng grupo. Ang kanilang mga tingin ay tila may pagpaghahamon sa isa't-isa.

" pakawalan niyo siya." malamig na saad ni jarred. Seryoso ang mukha nitong nakatingin sa limang 'yon. Lalo na sa dalawang lalaking may hawak sakin.

Napakadilim din ng mukha nito. " sino ba kayo? Bakit kailangan niyo pang magtago sa palda ng babaeng 'yan?" inis naman na wika ni daniel na animo'y naiinip.

" hoy! Pandak! Ano na naman ba 'tong pinasok mo? Ha? Bakit lagi ka na lang lapitin ng gulo?" wika naman nung maniyak na 'yon na si reiko. Tiningnan ko siya ng masama.

" Hindi tayo close kaya huwag mo akong tawaging pandak!"

ano bang ginagawa nila rito? Paano nila nalaman na nandito ako?.

" Paano niyo nalaman na nandito kami?" may inis na wika ng isa sa kanila.

" well, may nakapagsabi kasi samin na may ipis daw na umaaligid dito sa XU kaya nandito kami." may pagkamayabang naman na saad ni daniel.

" Pakawalan niyo ang babae. Wala siyang kinalaman dito." wikang muli ni jarred.

Malamyang natawa ang lalaking kaninang kumausap samin. " Bakit naman namin gagawin 'yon? Nakita na niya ang lahat kaya bakit kailangan pa naming buhayin ang taong makakapagpahamak samin?"

Lumapit sakin ang taong 'yon. Kinuha niya ako sa dalawang lalaking may hawak sakin. Ipinulupot niya ang isa niyang kamay sa bewang ko. Nagdikit ang katawan namin sa isa't- isa at iniharap niya ako sa apat.

Itinutok niya ang baril sakin. " panoorin niyo kung papaano ako pumatay ng tao"

Sa tagpung 'yon. Akala ko katapusan ko na, pakiramdam ko. Nasa isa akong aksyon movie. Hindi ko alam na may ganito rin pala sa totoong buhay. Mariin na lamang akong pumikit at hinintay ang kamatayan ko. Panay ang paghingi ko ng tawad sa tita ko dahil binigo ko siya na hinding-hindi ko siya iiwan.

Ito pala ang pakiramdam na nasa bingit ka na ng kamatayan. Bumabalik ang lahat ng ala-ala na kasama ang mga taong mahal ko. Kung papaano ako nabuhay sa mundong 'to, kung papaano ko nalagpasan lahat ng pagsubok na kasama ang tita ko. lahat ng 'yon nag flash sa isip ko.

" huwag!" ang mga boses sa paligid ko ay tila bumabagal sa pandinig ko. Ulti'mo ang pagkasa ng baril na nakatutok sakin ay marahan ko rin naririnig.

Ito na ba talaga ang katapusan ko?...

Bahagya kung iminulat ang mga mata ko at unang sumilay sa paningin ko ay ang lalaking 'yon. Ang lalaking kinakatakutan ng lahat sa XU. 'yong lalaking napakaitim ang aura. Blanko ang mukha nitong nakatingin sa taong may hawak sakin. Nakatutok ang baril nito sa direksyon namin.

Bago paman kalabitin ng taong may hawak sakin ang baril niya. Nauna ng kumalabit ng gatilyo ang lalaking 'yon. Mabilis man ang pangyayari, Bumagal naman 'yon sa paningin ko. Kitang-kita ko ang mabagal na paglabas ng bala sa nguso ng baril na 'yon patungo sa direksyon namin.

Hanggang sa tumama ito sa kamay ng lalaking may hawak na baril na siyang nakatutok sakin. Tulala ako sa mga nangyari. Nabitawan ng lalaki ang baril niya at malakas itong napamura. Nagawa na rin ako nitong bitawan dahil sa labis na sakit ng kaniyang kamay.

Agad siyang nilapitan ng ilan sa mga kasamahan niya at tiningnan ang kamay nito. Halos hindi ako makakilos sa kinatatayuan ko ng makita ko ang daliri nitong putol na.

" Jc!" hindi rin makapaniwala ang tatlo sa ginawa ni jc sa taong 'yon. " bakit ka bumaril? Paano kung tinamaan mo si Kelly?" wika ni reiko ng lapitan niya ito.

Malamig niya itong binalingan. " may choice pa ba ako?" Hindi naman nakaligtas sa masamang tingin si jc kay jarred na mukhang hindi niya rin nagustohan ang ginawa nito.

Hindi na naman nakapagpigil pa ang isang lalaki na kanina pa mainit ang ulo. 'yong tinatawag nilang uno, nagpaulan na ito ng bala sa apat na siyang sinimulan ng gulo. Napahawak ako sa tenga ko at napaupo sa kinatatayuan ko.

Hindi ko na maintindihan ang labis na takot na bumabalot sakin. Ramdam ko ang panginginig ng buong katawan ko. Tila unti-unting lumagong sa pandinig ko ang bawat putok ng baril. May kung ano na lang din na siyang bumalik sa ala-ala ko.

Mga putok ng baril at ang malakas na pagsabog na hindi ko alam kung saan ng galing, mga boses na siyang tumatawag sa pangalan ko. Mga boses na tumatangis, lahat ng 'yon naririnig ko.

Naririndi na ako. Naninikip na rin ang dibdib ko. Hindi na ako makahinga ng ayos. Nagiinit na ang mga mata ko at ramdam ko na rin ang mainit na pagagos ng luha ko. Anong nangyayari sakin?..

ano 'to?. Napukaw lang ang lahat ng may kung sinong humawak sakin. Gulat akong nagpupumiglas at pinagpapalo ang taong 'yon habang patuloy pa rin akong nakapikit at lumuluha.

" wahh! Bitawan mo ako! Maawa ka! Ayoko pang mamatay!"

" sh*t! Hey! Stop it!"

" ayoko! Ayokong sumama sa inyo! Ayoko!" umiiyak na pagpupumiglas ko. Naramdaman kung may humawak sa magkabilang balikat ko para pigilan ako sa pagwawala ko.

" hey! Look at me! Ako 'to." malamig na saad niya. Doon lang ako natigilan, marahan kung binuksan ang mga mata ko na humihikbi.

Bumungad sa harap ko ang taong hindi ko inaasahan. " J-jihoon.." wala sa sariling sambit ko.

malamig itong nakatingin sakin. " Huwag kang matakot. Ligtas ka na" sa tagpong 'yon. Natigilan ako at natulala sa kaniya.

Salita lamang 'yon, ngunit naging dahilan iyon para kumalma ang puso kung labis ang takot. Ang mga salitang 'yon ang naging kalma ko sa mga imosyon na halos bumalot na sa buong sistema ko. Mabilis niya akong hinila at niyakap ng may kung sinong pumuntirya samin.

rinig ko ang pagputok ng baril niya. Mabilis niya akong hinila at dinala sa kung saan habang yakap-yakap ako. Bumitaw siya sa pagyakap sakin ng may mataguan na kami mula sa mga kalaban. Sumandal siya sa pinagtataguan namin at sinilip ang ilang mga kalaban na pinupuntirya kami.

Nakita ko naman sa hindi kalayuan si jarred na siyang nakatago rin at tinitira ang mga kalaban. Bumaling ito samin. Tulad ni jihoon ay nasandal din ito sa pinagtataguan niya. Tanaw niya kami mula doon. Sandaling nagsalubong ang paningin naming dalawa; bago nito balingan si Jihoon na busy rin sa pakikipagbarilan sa mga kalaban.

" Jc!" natigilan si jihoon at binalingan si jarred. Nakita ko rin sila reiko at daniel na nasa kani-kanilang pinagtataguan at nakikipagbuno sa mga kalaban. Medyo malayo sila samin.

" kami nang bahala dito, ilabas mo na dito si kelly." muli akong binalingan ni jarred. Hindi ko mawari ang paraan ng mga tingin na 'yon. Nakatitig siya sakin, tila may gustong ipahiwatig. Napabaling ako kay jihoon ng hawakan nito ang kamay ko.

Nagtagpo ang paningin namin ng balingan ko siya. Ang lamig ng paraan ng pagtitig nito sakin. wala akong kahit na anong masumpungan sa mga matang 'yon kung hindi kadiliman. " tara na." malamig na saad niya.

Hindi na niya ako hinintay pang magsalita. Hinila niya ang kamay ko at sumulong sa mga balang lumilipad sa paligid. Panay ang pagyuko at pagilag ko sa mga lumilipad sa paligid namin. Mahigpit kung hinawakan ang kamay niya sa takot na baka mabitawan niya ako.

Agad namang lumabas sila reiko at daniel sa kanilang pinagtataguan at sinalubong kami. Nagsilbi silang panangga namin sa mga kalabang pumupuntirya samin, hanggang sa makalabas kami sa lugar na 'yon. Tulala akong nakasunod sa taong 'to habang hila-hila niya pa rin ang kamay ko.

Tinatahak namin ngayon ang matataas na talahib sa labas ng gusaling pinanggalingan namin. Puro puno at mga talahib ang siyang sumalubong samin sa paglabas ng gusali. Tanging maliwanag na buwan lamang ang siyang nagsisilbi naming ilaw sa daan. Ang bawat paligid ay napakadilim kung titingnan.

Marahan ang pag-ihip ng hangin na siyang nagpapagalaw sa talahiban at mga puno. Nasa kalagitnaan pa lamang kami ng paglalakad ng huminto ako sa paglalakad. Napahinto rin siya sa kaniyang paglalakad at kunot-noo akong binalingan.

Lumuluha ko siyang tiningnan. " kailangan ba talaga nating iwan 'yong tatlo?" Tinitigan niya ako. " Huwag mo na silang intindihin." malamig na saad niya at balak niya muli akong hilahin ng bawiin ko sa kaniya ang kamay ko.

" anong klase kang kaibigan? Tatlo lang sila doon at lima ang kalaban nila!" lumuluhang saad ko. Inis na bumaling siya sakin.

Kunot-noo ko siyang tiningnan. Bakas ang pagtatanong at pagdududa ang mukha ko. " sino ba talaga kayo? Anong kinalaman niyo sa limang taong 'yon? Anong hinahanap nila sa inyo? Hah?! sabihin mo nga sakin. Bakit kailangan pa nilang pumatay ng inosenteng tao para lang mangalap ng impormasyon tungkol sa inyo!" may inis at galit na saad ko sa kaniya.

Natigilan ako. Mabilis niyang hinawakan ang pamulsuhan ko at hinila ako nito papalapit sa kaniya. Nagdikit ang 'aming mga katawan, tumingala ako sa kaniya. Napahawak ako sa dibdib niya upang magkaroon ng ispasyo ang katawan namin na tila magkadikit na.

Napakalapit na ng mukha nito sakin na siyang ikinakaba ko. Napakalim ng paningin nitong nakatingin sakin, ang blanko nitong mukha ay napaltan ng malamig at seryosong mukha. Bahagya ring nakakunot ang noo nito, halatang naiinis na sakin.

" Huwag mo ng subukan pang alamin ang bagay na 'yon. Huwag mo ng subukan pang pumasok sa mundo namin dahil sa oras na malaman mo ang katotohanan, buhay mo ang magiging kapalit." babala niya, malalim at seryoso ang boses nito.

Umihip muli ang marahan na hangin na siyang dumampi sa 'aming balat. Marahan na isinayaw nito ang aming buhok na siyang dahilan upang maslalo kung masaksihan ang kagwapuhan ng kaniyang mukha.

𝗙𝗼𝘂𝗿 𝗚𝗮𝗻𝗴𝘀𝘁𝗲𝗿 𝗙𝗮𝗹𝗹 𝗜𝗻𝗹𝗼𝘃𝗲 𝗪𝗶𝘁𝗵 𝗠𝗲 (𝗌𝖾𝖺𝗌𝗈𝗇 1)Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang