ᴄʜᴀᴘᴛᴇʀ 48

207 20 6
                                    

Even if he said he never met that person. I still can't help being scared and nervous, because I don't know that person yet and I'm not sure what his reason is for doing all this to us.
   
    What if because of me he will be destroyed again? What if he kills everyone around me like he did to aunt. Hindi ko na talaga alam ang iisipin ko.
   
    Pakiramdam ko mamabiliw na ako.
   
    “ Pwede ba akong magtanong?”
   
    Nakasandal ako sa mahabang sofa at ganun din siya, parehas naming pinapanood ang malapit ng maapulang apoy. Mahina na rin ang pagbuhos ng ulan. Hindi na namin alintana ang oras. Parehas kaming hindi makatulog, lalo na ako.
   
    Hindi siya umimik sa naging tanong ko.
   
    Tumikhim ako. “ May alam ka ba tungkol kay mr. Jack? Or kahit sa nakaraan nila noon ng mga kaibigan niya?.”.
   
    Naghintay ako sa sagot niya. Tumingin ako sa kaniya, Hindi ko napigilan ang sarili na pagmasdan ang maganda niyang mukha. Ang matangos niyang ilong, mapupungay na may pagkalamlam na mga mata, panipis na labi, mahabang pilikmata, at ang paggalaw ng adam’s apple niya.
   
    “ Wala.” Napanguso ako. May lungkot akong bumaling sa apoy. “ Maniwala ako sayo. Matagal mo ng kasama si mr. Jack, kaya―”
   
    “ do you really want to find that man?.” tumingin ako sa kaniya. Nagtagpo ang mga mata namin ng tingnan niya rin ako.
   
    Hindi ko mabasa ang mga mata niya. Ang dilim, sobrang dilim. Ang bigat sa pakiramdam.
   
    Tumango ako. Umayos siya ng pagkakasandal sa sofa. Dahan-dahan siyang tumagilid paharap sakin. Napainda siya ng bahagya sa pagkilos niya. “ ohh, dahan-dahan.” hindi niya ‘yon pinansin. diretso niya akong tiningnan sa mga mata.
   
    Kahit na naiilang at nadidistract ako sa kagwapuhan nito. Matapang kong sinalubong ang malamlam niyang mga mata.
   
    “ Kahit pa buhay mo ang maging kapalit? You really want to see him?”
   
    “ Oo.”
   
    “ why?.”
   
    “ Gusto kung malaman kung bakit ginagawa niya ‘to sakin. Gusto kung malaman ang dahilan niya kung bakit kailangan niyang sirain ang buhay ng pamilya ko.”
   
    “ Anong gagawin mo sa oras na makilala at makaharap mo siya?.”
   
    Natigilan ako at mapaisip. “ hindi ko alam.”.
   
    “ Handa ka ba kapag nakaharap mo siya?.”
   
    Handa nga ba ako? Kaya ko nga ba siyang harapin? Iniisip ko pa nga lang na makaharap siya, bumibigat na ang pakiramdam ko. Nilalamon na agad ako ng galit at pakapuot. Paano pa kaya kung makaharap ko na siya.
   
    “ Paano kung sa unang pagkikita niyo, tangka―in ka  niyang patayin?.”
   
    Sinalubong ko ang mga mata niya. “ Makikipagtuos ako” napatitig siya sakin.
   
    Parehas naming ninamnam ang bawat sandaling ‘yon na magkatitigan sa isa’t-isa na animo’y walang kahit isa sa ‘amin ang may balak na sumuko.
   
    Rinig ko ang bawat pagkabog ng aming mga dibdib, ang pagsasagutan nito na siyang ang dalawang puso lamang na ‘yon ang nagkakaintindihan.
   
    “ Mabuti’t pumasok ka na!”
   
    “ sorry po talaga”
   
    “ sorry? Alam mo bang ang baba na ng grades mo sakin? Tapos sorry? Tapos kanina habang nagtuturo ako nakatulala ka lang at parang wala sa katinuon. Ano na bang nangyayari sayo ms. Cyton? Ilang araw ka ring nawala. Saan ka ba galing?”
   
    Puro sermon ang napura ko ng makauwi ako rito sa manila, It's been a few days and I'm still not myself. I can't help but worry about mom because we are now far from each other.
   
    I made so many excuses to Jina when I got home with them, I even had a hard time making excuses for them. Fortunately, I was able to find a way, I said that I was on vacation in our province. Jina asked me many more questions that I immediately answered.
   
    Hindi rin ako nakaligtas sa mga kaklase ko at sa mga teacher ko. Ang dami ko tuloy hahabulin ngayon. Ilang araw na rin na di’ kami nagkikita ni jihoon matapos naming manggaling doon. Hindi sa hinahanap ko siya ahh, ang weird na naman kasi na nagaalala ako sa kaniya.
   
    Ewan ko ba, simula ng manggaling ako sa lugar na ‘yon. May nagbago na sakin. Hindi ko na maintindihan ang sarili ko. Kinukumbinsi ko na lang talaga ang sarili ko, huwag ko lang siya maalala at mag isip ng kung ano tungkol sa kaniya.
   
    Matapos kung masermonan, nagpaliwanag na lang ako ng maayos at sinabing hahabol sa mga kulang ko. Wala na rin naman siyang nagawa kung hindi ang pagbigyan ako.
   
    Marami siyang conciquence na binigay sakin na siyang tinanggap ko na lang. Matapos akong sermonan ni mrs. Andayo, may dumating na isang studiyante na mukhang may mataas na katungkolan dito sa XU.
   
    Inanunsiyo niya na sa isang linggo na daw gaganapin ang event ng school. Dahil sa ilang araw akong nawala; wala akong ideya sa mga nangyayari. Naipaliwanag naman sakin nila wendy kung anong event ‘yon.
   
    Anniversary daw ng XU, kaya’t idadaos daw nila ito this coming week. Marami daw activities na gaganapin at ang bawat section ay gagawa ng kanilang mga Activities. Magkakaroon din daw ng mga copetities. Ang bawat section ay maglalaban sa mga activities na kanilang ginawa.
   
    “ dali na kelly, tulungan mo na kami para matalo natin ang gold section!”
   
    “ hindi nga ako pwede! Marami pa akong hahabutin. Hindi pati ako mahilig sumali sa mga ganiyan.”
   
    Matapos na innounce ang gaganaping event na ‘yon. Hindi na nila ako tinatantanan, panay ang pagpupumilit nila sakin na sumali sa event na ‘yan.
   
    “ dali na kasi kelly! Ang daya-daya mo kaya! Ilang araw ka rin namin hindi nakita! Tapos ngayon magiging ganyan ka samin!” pageemote sakin ni mica.
   
    “ Bakit ba kasi nawala ka ng ilang araw? Alam mo bang ang daming naghahanap sayo.” Napatingin ako ng nakakunot ang noo kay annika.
   
    “ ano?” Nasa likod ko siya.
   
    “ Kaya nga! Ilang beses nila kaming kinulit kung na saan ka daw at bakit di’ ka na daw na pasok.” Wika naman ni anne na nasa tabj lang ni annika.
   
    “ Sino?”
   
    Nagkatinginan ang dalawa at biglang nagbago ang expresyon ng kanilang mukha. May pang eechoes nila akong tiningnan, na animo’y mga kinikilig.
   
    “ sino pa ba? Edi si Jarred at Reiko.” Wika ni Annika.
   
    “ Oo nga. Hinanap ka rin sakin ni daniel.” wika naman ni wendy na siyang katabi ko naman.
   
    May paguusisa nila akong tiningnan.
   
    “ Sabihin mo nga...kailangan mo pa naging close ang tatlong ‘yon? Hah?” tanong ni wendy sakin.
   
    Umiwas ako sa kanila ng tingin. Kainis! Nakakatakot ‘yong mga tingin nila, parang bigla akong napunta sa hotseat. Tumikhim ako at umayos ng upo. Humarap na ulit sa unahan at naghanap ng pwedeng gawin upang iwasan sila.
   
    “ Ano? Iwasan na tayo ngayon?” wika ni annika at dumungaw ito sa gilid ng balikat ko. Napakalawak ng pagngiti nito. “ don’t tell me, nililigawan ka ng mga ‘yon.” Bigla akong natigilan at kusang pumasok sa isipan ko ang ala-ala noong gabing ‘yon.
   
    Kung papaano ko pinahiya ang sarili ko sa kanila. Napakagat ako sa ibabang labi ko. “ Tama na nga! Hindi no! Hindi nila ako nililigawan. ” kinuha ko ang ballpen na nasa lamesa na siyang nakapatong sa note book ko.
   
    Nagumpisa na muli akong magsulat. “ kung ganun bakit grabe sila kung mag alala sayo. Alam mo bang di’ ako tinantanan ni Reiko kakatangon sakin kung pumasok ka na daw ba” wika ni anne.
   
    “ M-malay ko ba sa mga ‘yon kung bakit nila ako hinahanap.”
   
    “ Baka naman may utang ka sa kanila bii..” bigla namang singit ni mica na nasa kabilang upuan.
   
    m(_ _) m.
   
    Blanko namin siyang tiningnan. Nagtaka naman siya sa naging reaksyon namin.
   
    “ Bakit? May mali ba sa sinabi ko?” Napakamot siya sa ulo niya.
   
    “ Tama ka na Mica, huwag kang marites.” awat naman sa kaniya ni angelica na nasa likoran niya.
   
    Napanguso siya. “ bakit ba? Ano bang mali sa sinabi ko?”.
   
    Natawa na lang ako sa kakulitan ni mica. Namiss ko sila, namiss ko ‘yong ganitong kulitan nila.
   
    Napabaling ako kay wendy ng pumulupot siya sa braso ko. Pinaningkitan niya ako ng mata.
   
    “ May hindi ka ba sinasabi samin ahh?”
   
    “ Ano ba pinagsasabi mo?”
   
    “ Huwag kang idenayal! Naku! Alam naming type ka ng tatlong lalaking ‘yon. ” Wika naman ni annika at panay ang pageechoes at pangingiliti sa likoran ko.
   
    “ Ano ba! Annika! Nakikiliti ako.”
   
    “ Hindi ka namin titigilan hanggat, hindi mo kami sinasabihan ng mainit-init na balita sayo.” wika naman ni annika.
   
    “ hhahaha. Hindi ko nga alam. Ano ba talaga na nga! Marami pa akong gagawin.”
   
    “ Ang hindi ko lang talaga mapaniwalaan na nagawa mong mabihag ang puso ni Jarred.” Wika naman ni angel na katabi ni Mica.
   
    Natigilan ‘yong tatlo sa pangingiliti sakin at napabaling kay Angel.
   
    “ Seryoso? Pati si Jarred may gusto sa kaniya?” hindi naman makapaniwala si mica.
   
    “ ay? Ano? Saan ka ba talaga galing mica? Bakit lagi kang late update? Asan ka ba sa tuwing nagchichikahan kami?” Pelosopo sa kaniya ni angel―_―.
   
    “ hahahaha. Tulog ata.” sabat naman ni clyster na nasa likoran nila angelica.
   
    “ Pero diba? Ikakasal na siya?” wika naman joana  na katabi ni angelica.
   
    Nawala ang ngiti sa labi ko. May kung anong akward at katahimikan na bumalot sa pagitan naming lahat.
   
    “ ano naman kung ikakasal na sila?” tutol ni wendy.
   
    Mapait akong natawa. Muling bumaling sa notebook na nasa harapan ko at nangangalahati na ang naisusulat kong reviewer dito.
   
    “ Totoo naman ang sinasabi ni Joana. Ikakasal na si Jarred, kaya Imposibleng―”
   
    “ Bulag ka ba beh? Paanong impusible? Hindi mo ba alam? Late blummer ka rin ba kagaya ni mica? Arrange married lang ‘yon. ” Putol sakin ni Annika.
   
    Nanatiling nakatitig ang mga mata ko sa ballpen na hawak ko na siyang nakapatong sa lamesa. Kahit naman anong sabihin nila, Wala pa rin akong laban doon. Wala na akong magagawa, natakda na siyang ikasal at bukod doon, kahit naman na hindi siya i―arrange married kung kanino man.
   
    Hindi pa rin naman mangyayari ang dinidikta ng puso ko. Sige aaminin kong may nararamdaman ako sa kaniya. Kahit na sa maiksing oras na nakasama at nakausap ko siya, may ibang pakiramdam siyang ibinigay sakin.
   
    Alam kung una pa lang, kaibigan lang talaga ang turing niya sakin. Ako lang talaga ‘yong t*ngang nagbigay ng malalim na dahilan sa mga ginagawa  niya sakin.
   
    Muli na akong bumalik sa pagsusulat at hinayaan sila sa mga sinasabi nila.
   
    “ Alam mo beh, i’m sure na hindi ‘yon ginusto ni Jarred. Hindi mo ba nakita ‘yong mukha noong ipakilala sila ng mother niya sa mga kaklase natin na ikakasal na pala siya?” wika naman ni annika.
   
    “ Ito pa..” Wika naman ni angel. “ Kitang-kita ko kung papaano tumingin si Jarred kay Kelly noong araw na ‘yon. Noong mga oras na nasa isang sulok si Kelly umiinom ng Juice sa isang sulok.” malakas na tinapik niya ang balikat ko. Hindi ko ‘yon pinansin. “ Nakahabol siya ng tingin sayo that time, hindi mo ‘yon alam noh? Inom ka kasi ng inom ng juice..” asar niya.
   
    “ Ayy! True! Pansin ko nga rin ‘yan.” sang ayon naman ni anne.
   
    Napabuntong hininga ako.
   
    “ I think beh, ikaw talaga ang―”
   
    “ Tama na.” Suway ko sa kanila.
   
    Isa-isa ko silang tiningnan. Sinubukang ngumiti sa kanila ng normal. “ Kahit anong sabihin niyo, hindi na ako aasa. Hindi na ako magbibigay ng malisya o ano pang malalim na dahilan sa mga pinapakita niya sakin. Ang hirap kasing umasa sa mga bagay na wala naman kasiguraduhan. Ang sakit...” May malalim na wika ko sa kanila.
   
    Natigilan sila at natulala sakin.
   
    Sinamaan ko ng tingin si Angelica ng batuhin niya ako ng note book. Tumama ‘yon sa ulo ko. “ aray, hah! Kailangan talaga mambato?!” inis na wika ko sa kaniya ng makuha ko ang notebook na ibinato niya sakin.
   
    Blanko ang mukha niyang nakatingin sakin. “ Baka lang kasi magising ka, kapag binato kita. Over kasi ‘yang hugot mo. Ang lalim masyado, akala mo naman may kayo.” sinimangotan ko siya.
   
    Aray!―_―.
   
    Hindi talaga mawawala sa kaibigan mo ang mga masasakit magsalita. Nirerealtalk ka masyado. Ang sarap nilang isako at sunogin, promise―.―.
   
    “ aray, hah?! Masmasakit pa ‘yang sinasabi mo kesa sa pagpaltok mo sakin.”
   
    Plastik niya akong nginitian.
   
    “ nagpapakatotoo lang..”
   
    Ibinato ko sa kaniya pabalik ang notebook niya. Nasambot lamang nya ito na maslalo kung ikinainis.
   
   
   
    ★☆★JIHOON★☆★
   
   
   
    Naglalakad ako sa hallway ng makasalubong ko si Jarred. Parehas kaming napahinto sa paglalakad, ilang dipa ang layo. Sandali kaming nagkatitigan ng may malalamig na tingin.
   
    May kung anong init at tila kidlat sa pagitan ng mga pagtitigan naming dalawa. Hindi ko alam kung ilang minuto ang itinagal noon, walang kahit na sino ang siyang may gustong bumitaw sa pagtitigan na ‘yon. Parehas kaming nagsimulang maglakad papalapit sa isa’t-isa ng walang kumakawala sa pagtitigan.
   
    Huminto kami ng Isang dipa na lamang ang lapit namin sa isa’t-isa. Napangisi ako. Napakaseryoso ng mukha niya, Halatang sinusuka ang pagsasalubong naming dalawa. Nakapamulsa ang isa kung kamay, habang siya naman ay parehas na nakapamulsa ang mga kamay nito.
   
    Ako na mismo ang tumapos sa walang hanggang pagtitigan na ‘yon at nilagpasan siya. Napahinto ako sa paglalakad ko ng makalagpas na ako sa kaniya, nang magsalita siya.
   
    “ Ikaw ba ang kasama niya?” Napangisi ako.
   
    Humarap ako sa kaniya. Sakto rin ang pagharap nito sakin. “ Ano naman ang dahilan at gusto mong malaman?” bakas ang inis sa mukha  niya.
   
    Napakalalim ng mga matang ipinupukol niya sakin.
   
    “ Ano ba talagang pakay mo sa kaniya? Hah?”
   
    “ wala ka na dun.”
   
    “ Sa tingin mo ba hahayaan kong mapahamak siya ng dahil sayo?”
   
    pumungay ang mga mata ko at tningnan siya ng may paguusisa. “ haha, napakaprotective mo naman sa kaniya masyado, baka nakakalimutan mong ikakasal ka na.”
   
    Nakita ko ang pagalaw ng panga nito. “ i don’t care.”.
   
    “ Paano mo naman siya magagawang protektahan, kung ikaw mismo ang dahilan para masaktan siya..” malamig na saad ko.
   
    Kumunot ang noo niya. “ Anong ibig mong sabihin?..”.
   
    “ See? Wala kang pakealam kung ikakasal ka na, pero ‘yong nararamdaman niya may pakealam ka ba? ” nakita ko ang mariin na pagkuyom ng kamao niya. Sinyales ng kaniyang pagpipigil.
   
   
    Lumapit pa ako ng bahagya sa kaniya at diretso itong tinitigan sa mga mata niya. “ Wala kang kaparatan na palayuan ako sa taong, hindi mo naman magawang pasayahin.” sinalubong niya ng mainit na tingin ang mga mata ko.
   
    “ ano bang alam mo sa nararamdaman ng ibang tao? Kailan ka pa nagkaroon ng interest sa kaniya?.”
   
    Walang isa sa ‘amin ang siyang nagbibitaw ng matatalim na tingin sa isa’t-isa. animo’y nagaapoy ang mga mata sa init ng pagtitinginan.
   
    “  Noong araw kung kailan pumasok siya sa mundo ko, and you know what is the consequence of people entering my world.” malamig na saad ko.
   
    Hinawakan niya ang kuwelyo ko. Kitang-kita ko ang galit niya sa mga mata. “ Huwag na huwag mong subukan jihoon! I won't hesitate to fight you.” pagbabanta niya na ikinangisi ko.
   
    “ Don't mind what I do, because I don't mind what you do. Protect him if you want and I will do what I want. ”
 
   
   
   ✷✵✷ KELLY ✷✵✷
   
   
   
    𝐍𝐀𝐒𝐀 library ako ngayon. Ginagawa ang mga naiwan kong lession nitong mga nakaraang araw. Kanina pa sumasakit ang ulo ko kakabasa dito sa Physical Science. Wala talagang pumapasok sa isip ko, kahit anong basa ko. Wala akong maintindihan.
   
    Ilang oras na akong nandito, hindi ko pa rin maintindihan ang 3rd lession namin dito tungkol sa   pasosolve ng formula. Ang akala ko kasi math lang ang may sinosolve, takte! Pati pala  science need din ng math.
   
    Inis akong napasabunot sa ulo ko at napasubsub sa librong binabasa ko.
   
    “ ayoko na!” pagsuko ko.
   
    Gusto kung magtatadiyak sa inis  at sa sakit na rin ng ulo ko, dahil sa wala na nga akong tamang tulog kakareview at kakagawa ng mga lession at activity na ibinigay sakin ni mrs. Andayo.
   
    “ Ang bilis mo naman sumuko.” Natigilan ako. Pamilyar sakin ang boses na ‘yon. Agad akong bumangon sa pagkakasubsub ko at tiningnan ang taong nagsalita sa harap ko.
   
    Namilog ang mga mata ko kung sino ang taong nakatayo ngayon sa harap ko.
   
    “ J-Jarred..” Napatitig ako sa kaniya at hindi makapaniwalang kaharap ko siya ngayon.
   
    Hindi ko alam kung bakit bigla akong kinabahan at nataranta.
   
    Ngumiti siya. Nakapamulsa ang isa nitong kamay. “ Hi.” bati niya.
   
    Agad akong umiwas sa kaniya ng tingin. Kainis! Bakit bigla akong binanas?(,,•﹏•,,).
   
    “a-anong ginagawa mo dito?”
   
    Ayos ko ang sarili ko at sinikap na kumilos ng ayos sa harap niya. Ngumiti rin ako sa kaniya pabalik.
   
    May ipinakita siyang mga librong hawak  niya. “ Pwede ba akong makiupo?” tiningnan ko ang palagid, Ang dami namang bakanteng upuan pero bakit dito pa niya naisipan maupo sa table ko?.
   
    Dapat tatanggi ako. Dapat hindi ko siya papayagan, pero hindi ko alam sa puntong ‘yon..wala akong magawa. Tumango ako sa kaniya ng hindi magawang makatingin sa kaniya ng diretso.
   
    Inayos ko ang sarili ko; Kinumbinsi ko ang sarili ko na umayos ng pag-asta sa harap niya. Pilit na itinago ang labis na pagkailang naidinudulot niya. Umupo siya sa tapat ko at ipinatong sa lamesa ang mga hawak niyang libro.
   
    Nagtanong siya sakin kung ano ang ginagawa ko. Tipid ko naman siyang sinagot  na naghahabol ako ng mga lession na naiwan ko nitong mga nakaraang araw.
   
    “ gusto mo tulungan kita?”
   
    “huh? Naku! Hindi nah! Hahaha kaya ko na ‘to, baka maistorbo pa kita...mukhang―”
   
    “ Tapos na talaga akong magreview. ” diretso siyang nakatingin sakin. Hindi mawala ang ngiti sa labi niya.
   
    Bakit? Bakit ganiyan ka makatingin sakin? Bakit pinaparamdam ng mga tingin na ‘yon sakin na may malalim ‘yon na dahilan.
   
    “ h―huh?”
   
    “ Nakita lang talaga kita dito at mukhang nahihirapan ka diyan sa ginagawa mo. Kaya gusto sana kitang tulungan.”
   
    Napatitig ako sa kaniya. Bakit? Anong dahilan? Para saan? Ang dami na namang katanungan sa isipan ko dahil sa mga ginagawa niya sakin. Tumawa ako. Sinikap kong tumanggi sa alok  niya.
   
    Pero hindi ko alam kung bakit sa mga salita pa lang niya at sa mga tinig niya, hindi ko na magawang tumanggi. Bakit ang hirap?.
   
    Ang hirap mong iwasan...
   
    Kailangan ko ba talagang gawin ‘to?..
   
    Kailangan ko ba talagang maramdaman ‘to?..
   
    O ako lang talaga ‘yong may problema...
   
    Kinuha niya ang  libro na nasa harap ko at binasa  ito, saka niya kinuha ang notebook na sinusulatan ko at ang ballpen na hawak ko. Ginawan niya ako ng reviewer, tapos ipinaliwanag niya sakin ‘yong basic formula para makuha ko agad kung papaano ko ito masosolve ng tama.
   
    Natuwa naman ako ng magets ko agad ang turo niya. Matapos kami sa PS ay tinuruan  niya naman ako sa PR namin. Pinagsolo na ako ni Mrs. Andayo dahil kakatapos lang daw nila ito ireport. Tumayo siya sa kinauupuan niya at naupo siya sa tabi ko, para maexplain niya sakin ng ayos ‘yong mga hindi ko maintindihan sa PR. Sa tagpong ‘yon, nawala ang pagkailang ko sa kaniya.
   
    Naging komportable ako sa kaniya ng makipag biruan siya sakin. Sinasamahan niya kasi ng biro ang pagtuturo niya, hindi ko maitatangging masaya ako sa tuwing kasama ko siya at sa mga ganitong sitwasyon.
   
    Hindi ko maipaliwanag ang pakiramdam ko, kapag kasama ko siya. Magkaiba sila ni Jihoon. Simula ng magkausap kami, simula ng marinig ko ang tinig niya. Unti-unting nawala ang what if, ang mga ‘bakit’ at pangamba. Lahat ng ‘yon nawala, lalo ng makita ko ang pagngiti niya.
   
    Pero sa tagpong ‘yon, hindi ko alam may isa pa lang  taong nakatanaw sa malayo at pinapanood kami, ako kung gaano kami kasaya dalawa.
   
    Isang taong palihim akong pinagmamasdan, isang taong pinipilit na itinatago ang kaniyang nararamdaman...
   
    Isang taong maspipiliin ang masaktan, kesa mapahamak ang taong mahal niya...

―――

#VOTE
#COMENT
#FOLLOW

Four Gangster Fall Inlove With MeWhere stories live. Discover now