𝄄𝄄ᴄʜᴀᴘᴛᴇʀ 46𝄄𝄄

160 17 1
                                    

Maslalo pa akong kinabahan ng lumikot na ang mga mata niya at palipat-lipat na ito ng tingin sa mga mata at labi ko. Hindi ako makakilos, hindi ko magawang igalaw ang bawat parte ng katawan ko.
   
    Para akong nastroke sa sitwasyon ko ngayon.
   
    𝄒𝄒 galit ka pa rin ba?..𝄒𝄒doon lang ako nagkaroon ng lakas para bumalik sa sarili ko.
   
    Oo tama! dapat hindi ako nagpapaapekto sa taong ‘to. Galit ako sa kaniya at hindi ako dapat magpapabihag sa mga ganitong galawan niya. Tiningnan ko siya ng masama. Balak ko sanang lumayo sa kaniya. Mabilis na gumalaw ang kamay niya at hinapit nito ang bewang ko. Hinila niya ako papalapit sa kaniya.
   
    Biglang bumagal ang lahat ng pangyayari na ‘yon. Hinawakan ng isa pa niyang kamay ang kaliwang pisnge ko, at nakita ko na dahan-dahan na niyang inilalapit ang mukha niya sakin.
   
    Sa tagpong ‘yon, muli kung naramdaman ang malambot na labing ‘yon...
   
    Ang labing hinahanap ko...
   
    Marahan niyang iginalaw ang labi niya na maslalong nagpalambot sa buo kung katawan. Ganitong-ganito ang halik na ‘yon..
   
    Hindi ako makahinga...
   
    Nalulunod ako sa nararamdaman ko ngayon..
   
    Gulat ang mga mata kong nakatingin sa kaniya habang marahan niyang ginagalaw ang labi niya sa labi ko na para bang nagawa na niya ito sakin dati..
   
    Hanggang sa lumalim na ng lumalim ang paghalik niya at tuluyan na akong nilamon ng mala-gayuma niyang halik. Unti-unting pumikit ang mga mata ko at dahan-dahan sinabayan ang paghalik niya.
   
    Sa puntong ‘yon, Bumalik lahat. Bumalik ang pangyayari noong gabing ‘yon.
   
    Itinulak ko siya palayo sakin at sinampal ito. Tinawag ko pa siya ng bastos at iniwan siya doon na wala man lang siyang binibitawan na salita. Lasing na lasing ako noong mga sandaling ‘yon. Nasa korindor ako at wala sa sariling naglalakad.
   
    May ilan akong nakakasalubong na mga tao na di ko kilala. May ilan naman na kalalakihan na nagbalak akong bastusin, ngunit sa hindi ko inaasahan. Naglaban ako. Napagbintangan ko pa sila na sila ang humalik sakin kanina, hindi ko alam kung bakit noong mga sandaling ‘yon.
   
    Nasasabik akong hanapin at malasahan muli ang halik na ‘yon, para akong tangang hayok sa halik na ‘niya. Pinagsisigawan ko sila at isa-isa silang tinuro, kahit na hilong-hilo na ako at wala na sa sarili.  May isa sa kanila  na humapit sa bewang ko at inilapit nito ang mukha sakin. Napangiti ako at hinawakan ang magkabilang pisnge nito ng mapunta ang paningin ko sa labi niya.
   
    “ ikaw ba ‘yon?..” tanong ko sa kaniya at balak sana itong halikan, unti-unti ko ng inilalapit ang mukha ko sa kaniya at ganoon din siya. Malapit ng magdikit ang mga labi namin ng may humigit sakin palayo sa lalaking ‘yon.
   
    Nabitawan ako ng lalaking may hawak sakin at may isang lalaking humarang sa harap ko. Nakatalikod ito sakin at hawak ang kamay ko. Kaharap niya ang lalaking may hawak lang sakin kanina.
   
    “ sino ka ba?!”
   
    “ papatay sayo..” pamilyar ang boses niya. Kaboses niya si Reiko.
   
    sa isang iglap nakita ko na lang silang nagpapambuno na. Para naman akong tangang pumapalakpak at tuwang-tuwa sa gulong binuo ko. Doon ko lang din na kilala ang lalaking dumating at pumigil sa paghalik sakin ng lalaking may hawak sakin kanina.
   
     tama nga ang hula ko, si reiko nga ang taong ‘yon. Pinatumba niya ang mga lalaking ‘yon sa ilang galawan lang. Nang magawa niyang makatama sa mga ito, agad siyang lumapit sakin at hinawakan ang kamay ko. Hinila niya ako paalis doon.
   
    Tumakbo kami at naghanap ng mapagtataguan. Pumasok kami sa isang silid na mukhang tambakan ng mga gamit. Hindi ko na kasi nabasa pa ang nakalagay sa harap ng pintuan at nagmamadali na kaming pumasok doon.
   
    Agad niyang isinara ang pintuan at isinandal ako sa tabi nito. Masyadong masikip ang silid na ‘yon, maraming gamit ang naroroon kaya’t napakalapit ng katawan namin sa isa’t-isa. Nakatayo siya sa harap ko, at nakatuon ang dalawa niyang kamay sa magkabilang gilid ko na siyang pinagsasandalan ko, para magsilbi itong puwang saming dalawa.
   
    Pinatahimik niya ako ng magbalak ako na  magsalita. Napakalapit ng mukha niya sakin. Nakakaramdam na rin ako ng labis na init sa katawan ko, hindi lang dahil sa masikip sa kinatatayuan namin. Dumagdagdag din ang alak na ininum ko kanina.
   
    “ ang init!” reklamo ko.
   
    “ hayssst! Bakit ba kasi uminom ka ng marami?”
   
    Hindi ko siya pinansin. Hindi maibsan ang init sa katawan ko. Ang nakabalot na checurd sa katawan ko ay agad kong inalis dahil sa labis na init. Nanlaki ang mga mata ni reiko ng tumambad sa harap niya ang dibdib ko. Napalunok siya, base sa pangyayari na ‘yon. Mukhang nakainom na rin siya. Agad siyang umiwas ng tingin sakin at agad na hinawakan ang checurd na malapit ko na sanang hubarin. Ibinalik niya muli ito sakin at ibinalot sa katawan ko.
   
    “ itigil mo yan.”
   
    “ bakit ba?!!” pilit kong inaalis ang checurd na ‘yon sa katawan ko, ngunit pilit naman  ito na  itinatakip ni reiko sa katawan ko.
   
    “ Kelly!” natigilan ako ng banggitin niya ang pangalan ko ng ganoon kariin. Nagtagpo ang mga mata namin.
   
    Rinig ko na ang mabibigat na paghinga niya at ang mabilis na pagkabog ng dibdib nito.
   
    “ Huwag..” mahinang saad niya na sakto lamang sa pandinig ko. “ baka...” maslalo pang bumigat ang paghinga niya. Hindi na rin mapigilan nito na mapatingin sa mga labi ko.
   
    Hanggang sa napansin ko na lang ang unti-unti nitong paglapit sa mukha ko. Gagahibla na lamang ng buhok ang lapit ng mukha namin sa isa’t-isa.
   
    “ Baka hindi ko mapigilan na.... halikan ka..” bulong niya at tuluyan ng nagtagpo ang mga labi namin. Hindi ko na nagawa pang makagalaw at kusa na lamang ang sarili ko na sumabay sa mga halik niya. Dahan-dahan na gumapang ang mga kamay niya patungo sa bewang ko at hapitin niya ito. Maslalo pang lumalim ang paghalik niya sakin na siyang ikinalulunod ko.
   
    Gumapang ang isa niya pang kamay patungo sa pisnge ko at masnilaliman pa niya ang paghalik sakin. Wala sa sarili din akong napakapit sa batok niya at sa bayan ito sa paghalik niya. Ilang sandali pa, naramdaman ko na ang kamay niya sa likoran ko. Ang dahan-dahan nitong pagbukas sa zipper ng Gown ko.
   
    Doon ako nagising. Mabilis ko siyang itinulak palayo sakin. Nagulat din siya sa ginawa ko. Napasandal siya sa shelve na nasa likoran niya na lagayan ng mga tuwalya. Masyadong napalakas ang tulak ko, kaya’t ang ilang mga nakatiklop na tuwalyang na roon ay nagsilaglagan.
   
     Napamura siya at umalis sa pagkakasandal doon. Haharapin pa lamang niya ako ay malakas na sampal na agad ang sumalubong sa kaniya.
   
    Bumakat ang kamay ko sa pisnge niya. Nagtataka at gulat niya akong binalingan.
   
    “ ke―”
   
    “ bastos!” malakas na wika ko at iniwan siya sa silid na ‘yon.
   
     Iminulat ko ang mga mata ko ng maramdaman ko ang pagbitaw niya sa paghalik s’kin. dahan-dahan nitong inilayo ng bahagya ang mukha niya sakin. Tulala ko siyang tinitigan, pumupungay  ang mga mata niyang pinagmasdan ako. Kakaiba ang pinapakawalan niyang mga tingin sakin.
   
    Iba ang naidudulot niyon sa puso ko.
   
    Maslalo itong bumibilis...
   
    Maslalo itong nagwawala...
   
    “ Galit ka pa rin ba?”
   
    “ I-ikaw...” maslalo siyang napangisi. “ I―ikaw ang...”.
   
    “ Naalala mo na ba?..” hindi ako nakasagot.
   
    Hindi ako makapaniwala..
   
    Siya nga⚆_⚆.
   
    “Mukhang nahanap mo na ang taong hinahanap mo..”
   
    Matapos ang pangyayari na ‘yon. Agad akong umalis sa lugar na ‘yon at iniwan siya doon. Hindi ako nakatulog ng ayos noong gabing ‘yon. Hindi ako mapakali sa higaan at paulit-ulit sa isipan ko ang mga sinabi niya at ang pangyayari noong kaarawan ni jarred.
   
    Hindi ako makapaniwala na dalawang tao ang hinalikan ko. Hindi talaga ako makapaniwala(,,•﹏•,,). Gusto kung sumigaw at pagmumurahin ang  sarili ko dahil sa mga pinaggagawa ko noong gabing ‘yon.
   
    Ayokong maniwala! Imposibleng nagawa ko ‘yon!!!wahhhhhhh! Kellyyyyyyy! Ano na naman bang kahihiyaan ang ginawa mo?!!!. Halos magpagulong-gulong ako sa higaan hanggang sa malaglag ako dito at magpasa ang puwetan.
   
    urghhh! Kainis! Paano ko sila ngayon haharapin nito? Pwede bang lamunin na lang ako ng lupa?! Please lang  oh! Ayoko na!!!へ(._')ノ .
   
     “ Kung pagmamasdan..napakaganda hindi ba? Alam mo ba? Lagi niya akong dinadala sa ganitong lugar  at sabay naming pinapanood ang paglubog ng araw. ” mahina siyang tumawa. “ Hindi ko nga alam sa lalaki na ‘yon at ako ang napili niyang mahalin gayong hindi naman kami magkatugma sa lahat..” Nagsisimula na naman siyang ikwento ang nakaraan niya kasama ang una at huli niyang minahal.
   
   
    Si papa..
   
   
    Ganito ang lagi niyang ginagawa sa tuwing  dinadala ko siya rito sa likod ng  bahay ni aling rita. Nakaupo sa isang makaluma at antik na upuan sa ilalim ng malaking puno. Tinatanaw ang papalubog na araw. Nasa tabi ko lamang siya at tahimik siyang pinapakinggan sa mga kwento niya...
   
    Sari-saring mga bagay ang siyang pumapasok sa isipan ko sa tuwing magkwekwento siya, mga katanungan at kaisipan na pilit kung inililihim.
   
    Wala pa kasi akong lakas ng loob, hindi ko pa kayang magtanong. Pinangungunahan ako ng takot sa tuwing nagtatangka akong magsalita at kausapin siya. Humahanap pa ako ng tiyempo at pagkakataon....Pagkakataon na kausapin siya at alamin ang lahat...
   
    Ikinukuwento niya sakin kung papaano sila unang nagkakilala. Nalaman kung hindi pala talaga sila magkasundo noon ni papa, lagi silang magkaaway sa tuwing magtatagpo ang kanilang landas. Sino ba naman kasi ang magkakasundo sa dalawang ugaling magkasalungan?.
   
    Kilala daw kasi si papa sa XU na barumbado at laging lapitin ng gulo. Laging may sugat at laging mainitin ang ulo. Samantala, si mama naman ay laging tahimik at mahilig mag-aral. Lagi daw siyang binubully noon ni papa, ginugulo ang tahimik niyang buhay. Walang mga araw na lagi silang nagbabangayan at naggagantihan sa school, si papa lagi ang nagsisimula. Hanggang sa hindi nila inaasahan ang mga panahon na nakita na lamang nila ang kanilang mga sarili na unti-unti ng nahuhulog sa isa't-isa sa hindi nila maipaliwanag na dahilan.
   
    Yung mga bagay na kinaayawan nila sa isa't-isa  ay lagi nilang hinahanap na para bang nauhaw sila sa mga ito.
   
    Hanggang sa dumating na nga sa punto na parehas na nilang inamin sa isa't isa ang kanilang mga nararamdaman at doon na nga nabuo ang bunga ng kanilang pagmamahalan, maraming nagbago sa kanila ng maging sila. Nagbago si papa at ninais nito na maging tahimik na ang kaniyang buhay, habang si mama naman... Ninais niya manatili sa magulo at hindi maayos na buhay ni papa. Naghangad siya na bigyang liwanag ni mama ang buhay ni papa...
   
    Napangiti ako. Habang nakatanaw siya sa malayo, hindi ko naman inaalis ang paningin ko sa kaniya at buong oras ko lamang itong  pinagmamasdan na para bang minememorize ko ang bawat sulok ng mukha nito sa takot na baka makalimutan kung muli ito.
   
    Siguro ito na ang tamang panahon, tamang oras para kausapin siya.
   
    “ Ma―” balak ko sana siyang tawagin sa matagal ko ng nais itawag sa kaniya, pero natigilan ako. Nagdadalawang isip. “ Mrs. Montefalco..” Natigilan siya at bumaling sakin.
   
    Sandali niya akong tinitigan, malawak siya na ngumiti na siyang nagpagaan sa pakiramdam ko.
   
    Hinintay ko pa muna ang lagi niyang sinasabi sa tuwing tinatawag ko siya sa ganoong pormal na salita.
   
    ‘Sino ka’. (ᵕ̣̣̣̣̣̣﹏ᵕ̣̣̣̣̣̣).
   
    Ang sakit sa totoo lang, sa tuwing naririnig ko ang mga salitang ‘yon mula sa kaniya. Parang binibiak ng paunti-unti ang puso ko.
   
    Pero sa tagpong ‘to. Nakangiti lang siya sakin na para bang natatandaan niya ako. Gumaan bigla ang pakiramdam ko. Kahit papaano, nawala ang kaba sa dibdib ko. Sinyales na ata ito na kailangan ko na siyang kausapin at tanungin.
   
    “ Pwede po ba akong magtanong?” simulang tanong ko.
   
    Tinitigan niya muna ako bago siya sumagot. “ Oo naman. Ano ba ‘yon iha?.” magsasalita na sana ako upang magtanong sa kaniya ng muli siyang magsalita.
   
    Nakakunot ang noo niya. “ teka sandali, pamilyar ka sakin. Parang nakita na kita dati..” wika niya. Kinabahan ako.
   
    Natigilan. Nawala ang pagkakakunot ng noo niya at napaltan ito ng ngiti na animo’y naalala na niya ako. “ Tama! Ikaw ‘yong nakausap ko kahapon..” tuwang-tuwang saad niya.
   
    Medyo na disapoint ako sa parteng ‘yon. Umasa rin kasi ako na naaalala na niya ako. Pilit na lang akong tumawa para sabayan siya.
   
    “ mabuti’t nandito ka ulit. May hinihintay ka rin ba?” tumango ako.
   
    “ Opo..” bumakas ang excitement at pagkamangha sa mga mata niya. Humarap siya sakin at masayang hinawakan ang mga kamay ko.
   
    Sa tingin ko gumagaling na siya. Madalang na lang kasi siyang maging  malungkot at matulala, lagi na siyang nakangiti lalo na kapag ikinukwento niya ang masaya niyang buhay noon kasama ang taong minamahal niya.
   
    “ Sino??!”
   
    Matagal bago ako sumagot. Tinitigan ko pa muna niya. May lungkot sa mga mata ko at kasiyahan.
   
    “ Ang mama ko...”
   
    “ mama mo?.. Bakit? Nasaan ba ang mama mo?”
   
    “ nagkahiwalay din kasi kami noon ng mama ko at hanggang ngayon hinihintay ko siya...”
   
    Hinihintay ko siya na maalala ako.
   
    “ Nakakalungkot naman, parehas pala tayo...” naging malungkot ang beses niya. Hinimas-himas niya ang palad ko.
   
    Tumingin siya sa mga mata ko. “ hayaan mo, habang hinihintay pa natin sila. Ako muna ang magsisilbing nanay mo habang wala pa ang mama mo..” wika niya na maslalong nagpakirot sa puso ko.
   
    Ngumiti ako at tumango. “ kung ganoon, ako naman po ang magsisilbi munang anak niyo habang hinihintay mo siya...” Naging malawak ang pagngiti niya.
   
    “ talaga?! Naku! Kapag dumating siya ipapakilala kta sa kaniya. Alam mo bang magkasingedad lang kayo noon?!, napakabait pa na bata noon at napakalambing...paniguradong matutuwa siya kapag nakilala niya..” tuwang-tuwang kwento niya.
   
    “ kayo po ba? Asan po ang hinihintay niyo? Ano pong nangyari sa kanila?”
   
    Napatitig siya sakin. Maslalo pang naging malungkot ang mga mata niya. Yumuko ko siya at napabuntong hininga, tiningnan niya ang kamay ko na hawak niya.
   
    “ Iniligtas ako ni Leo noong gabing ‘yon...” Natigilan ako at natulala sa kaniya.
   
    Bumilis ang kabog ng dibdib ko at unti-unti itong bumibigat.
   
    “ p-po?...”
   
    Iniligtas? Noong gabi? Nang ano? Nang masunog ang bahay namin?...sandali, Tama ba ang narinig ko? Naaalala niya na ang nangyaring trahediyang ‘yon?.
   
    Bumaling siya sakin. Napakalungkot ng mga mata niya. Bakas ang labis na pangungulila sa mukha niya.
   
    “ Inilabas niya ako sa nasusunog naming bahay. Gumawa siya ng paraan para mailabas ako roon, ngunit sa paglabas namin muli siyang bumalik sa loob kahit pa napakalaki na ng apoy at halos matupok na ang bahay na ‘yon bumalik pa rin siya doon para lamang mailigtas ang anak namin...” Namumuo na ang kaniyang mga luha sa mata nito.
   
    Ramdam ko ang labis na kalungkotan sa kaniya.
   
    “ Napakabata pa ng anak ko na ‘yon at  mahal na mahal ko siya...kaya alam kung magagawa niyang iligtas ang anak namin. Alam kong hindi niya hahayaang may mangyaring masama sa Kelly ko..” lumuluhang kwento niya.
   
    Hindi ko na napigilan pa at naramdaman ko na lamang ang mga ma-iinit na luha na dumaloy sa pisnge ko. Nakatitig lamang ako sa kaniya.
   
    Maslalo pang bumibigat ang dibdib ko. Ang hirap huminga, ang hirap pigilan ang halo-halong imosyon sa dibdib ko.
   
    Paanong Nailigtas pala siya ni papa, gayong ang sabi sakin ni aling rita ay siya mismo ang nagligtas dito. Hindi ko maintindihan, ang daming mga haka-haka ang siyang pumapasok sa isipan ko.
   
    Bakit? Bakit kailangan magsinungaling ni aling rita sakin? Ano ba talaga ang totoo? Dapat ko ba talagang paniwalaan ang mga sinasabi ni mama ngayon? May parte sakin na nagsasabi na baka sanhi lamang ito ng karamdaman niya kaya’t kung ano-ano na ang pumapasok sa isipan niya.
   
    Pero may parte pa rin sakin na inuusig ako at naghihinala sa mga sinasabi ni aling rita sakin.
   
    “ sigurado akong magkasama sila ngayon...nakakasiguro ako doon..” patuloy sa pagpatak ang mga luha niya habang ito ay nakatulala. Muli na namang bumalik ang sakit niya.
   
    Inakabayan ko ito at inihilig sa dibdib ko. Niyakap ko siya ng mahigpit, ipinaramdam ko sa kaniya na hindi na siya nagiisa ngayon. Kasama na niya ang kaniyang anak.
   
    Nandito na ako mama, Nasa tabi mo na ako. Bumalik na ako...
   
    Pilit kong pinipigilan ang paghikbi ko habang parang rumaragasang ilog ang mga luha ko.
   
    “ S-sigurado akong...hinahanap na nila ako, kaya hihintayin ko sila rito. Babalik sila...” wika niya at paulit-ulit na niyang binabanggit ang salitang babalik sila at babalikan nila ako.
   
    Natagpuan na kita at sisisguraduhin ko na...Hinding-hindi ko na ulit kayo iiwan pa. Aayosin ko lang ‘to, tataposin ko lang ang gulong nangyari sa inyo noon.
   
    Sisiguraduhin kong Magbabayad ang taong ‘yon sa pagsira niya sa pamilya natin..
   
    𝙳𝙰𝙿𝙸𝚃𝙷𝙰𝙿𝙾𝙽 na, Nasa bakuran si aling rita nagwawalis habang sina bella naman at fergus ay nasa kanilang paaralan pa. Lagi kaming naiiwan tatlo dito sa bahay. Ako ang nagaasikaso kay mama at si aling rita naman sa gawaing bahay, kung minsan naman naiiwan kami ni jihoon dito dahil sa trabaho ni aling rita sa baranggay.
   
    Kaniya-kaniya naman kami ng ginagawa. Si Jihoon at fergus ang nakakota sa Pagiigib at pangangahoy sa umaga tanghali at hapon. Habang kami naman nila aling rita ang gumagawa sa gawaing bahay, hindi na naman namin inaasahan pa si bella sa mga ganito dahil lagi siyang wala dito. Kung minsan ay kapag nandito siya, si Jihoon lang ang lagi niyang ginugulo.
   
    Tapos na akong maglinis ng loob ng bahay, kaya’t lumabas muna ako. Napakunot ang noo ko ng mapansin kanina ko pa hindi nakikita si Jihoon. Pumunta ako sa bakuran at kinausap si aling Rita.
   
    “ aling rita, napansin niyo po ba si Jihoon?”
   
    Natigil sa pagwawalis si aling rita at tumayo ng ayos sa pagkakakuba niya sa pagwawalis. “ ang pagkakaalam ko kanina ko pa siya pinakuha ng kahoy..”
   
    “ mga anong oras po kaya?” napaisip siya.
   
    “ ang alam ko mga 3 na..”
   
    “ po? E’ kanina pa pong 3..”
   
    “ Oo nga ano. Asan na kaya ang batang ‘yon.”
   
    Hindi ko alam pero bigla akong nakaramdam ng kaba.
   
    “ hindi pa rin po ba siya nakakabalik?”
   
    “ Hindi ko pa napapansin e’. ”
   
    Lumipas ang ilang oras. Gabi na, nakauwi na rin si fergus at nakapamalengke na rin si aling rita para sa gabihan namin, wala pa rin siya. Hindi na ako mapakali.
   
    Kanina pa ako pauli-uli ng tingin sa labas, dito sa sala. Hinanap din sakin ni fergus si jihoon ng makarating siya galing eskuwelahan, pero sinabi ko dito na kanina pa siyang wala.
   
    “ ate kelly, kalma ka lang...baka naman may pinuntahan siya sandali kaya wala pa siya hanggang ngayon.”
   
    “ May pinuntahan? Kanina pa siya wala, saka nangahoy lang ‘yon saan naman siya pupunta?..” may kaba na saad ko.
   
    Lumapit siya sakin at may inilapag sa maliit na lamesa dito sa sala. Tubig.
   
    “ uminom ka  muna. Malaki na ‘yon, kaya bakit nagaalala ka pa? Uuwi rin ‘yon...” kinuha ko ang tubig na nasa harapan ko at ininom ito ng hindi inaalis ang tingin sa pintuan.
   
    Umupo siya sa tabi ko. “ saka lagi naman kayong nagaaway kaya bakit parang umaasta ka ngayon na girl freind niya?..” nabilaukan ako sa sinabi niya.
   
    Nasamid ako sa iniinum kong tubig. Nagulat naman siya at nagaalala niyang hinagod ang likod ko.
   
    “ uyy! Ate dahan-dahan lang..” may pagaalala na wika niya habang umuubo ako.
   
    Inilapag ko ang hawak kong baso sa lamesa at tiningnan ito ng masama. Natigilan naman siya at nagtataka akong tiningnan. Pinalo ko siya sa balikat. “ aray!! Para saan naman ‘yon?” reklamo niya at hinawakan ang balikat niya na pinalo ko.
   
    “ hindi ako nagaalala sa kaniya!” pagtanggi ko.
   
    “ hindi? Talaga? Hindi halata ate” (´ω').
   
    “ hindi nga sinabi!”
   
    “ eh anong tawag sa ginagawa mo?”
   
    Balak ko sana siyang hampasin ng agad siyang lumayo sakin at niyakap ang sarili niya.
   
    “ tama na kasi ate! Ang bigat ng kamay mo!”
   
    “ hindi nga kasi ako nag aalala sa kaniya...ano lang..” kainis! Ano nga bang ipinangangamba ko? Bakit nga ba ako kinakabahan ng ganito? Iba kasi ang kutob ko. Hindi ko alam, pero...
   
    “ ano? Concern ka lang ganun?!”
   
    “ Hindi kasi...ano..bukas na kasi ang uwi namin! Baka lang kasi di’ matuloy kasi anong oras na wala pa rin siya...” pagdadahilan ko.
   
    “ ay! Sus!! Dahilan mo bulok!” sinamaan ko siya ng tingin at balak siya muling paluin ng tumayo na siya at lumayo sakin.“ Oo nga pala may assignment pa akong gagawin. Sige na ate! Hintayin mo na si kuya jihoon diyan. Tutal, hindi ka naman CONCERN sa kaniya..” talagang diniin niya pa ang salitang concern para asarin ako.
   
    Kinuha ko ‘yong unan na nasa tabi ko at ibinato ito sa kaniya. Mabilis naman siyang umilag at nagtatakbo papunta sa kwarto niya. “ kainis ka! Gawin mo na assignment mo.” iritang wika ko sa kaniya.
   
    “ CONCERN!” huli pa niyang sinabi bago ito tuluyang makapasok sa loob ng kwarto niya.

―――

#Vote
#Coment
#Follow

𝐌𝐘 𝐋𝐈𝐍𝐊:

YOUTUBE: https://youtu.be/qCTsUYRjt-U?si=U1QiYlPQm8J9njQP

YUGTO|DREAME: https://m.yugtofiction.com/novel/3684981504?auto_jump=false&link_type=1&utm_campaign=app_share_copyLink&utm_source=sns_tl_apppromo&directedId=3684981504


NOTE: Please! Sa mga di pa po nakafollow sa account you, feel free to follow me po😘 and don’t be shy to coment your opinion in the coment area🤭👎

Four Gangster Fall Inlove With MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon