𝄄𝄄ᴄʜᴀᴘᴛᴇʀ 54𝄄𝄄

132 16 1
                                    

Mas nagulat pa ako ng imulat niya ang mga mata niya at tingnan ako. ´´ Pakiusap―Huwag mo akong iwan.´´ wika niya.
   
    Kita ko ang pakikiusap sa mga mata niya. Namumungay ang mga mata nito, hindi ko rin maiwasang makaramdam ng lungkot ng makita ko sa mga mata niya kung gaano siya nasasaktan.
   
    Tama, lasing lang siya at hindi rin ikaw ang sinasabi niya. Hindi ikaw ang gusto niyang kasama. Si kelly, ang kaibigan mo ang binabanggit niya. Ang tingin niya sayo ngayon ay si kelly at hindi ikaw...
   
    Sinubukan kong alisin ang kamay niyang nakahawak sakin, pero nagulat na lang ako ng hilahin niya ang pamulsuhan ko papalapit sa kaniya. Naglapit ang mga dibdib namin; ganoon din ang mga mukha namin, sobrang lapit na halos maramdaman ko na ang hanging lumalabas sa kaniyang ilong at bibig.
   
    Rinig na rinig ko ang malakas na pagkabog ng dibdib namin. Sinubukan kong bumangon sa pagkakadagan ko sa kaniya. Hinawakan niya ang bewang ko at maslalo pang naglapit ang mga mukha namin.
   
    ´´ a-ano ba Daniel, Hindi ako――´´
   
    Natigilan ako ng  hawakan niya ang kaliwang pisnge ko. ´´ i-i´m s-sorry..´´ hindi ako nakakilos. Nanatiling nakatitig ang mga mata ko sa kaniya. Humahapdi na ang mga mata ko, unti-unting nanlalabo ang paningin ko, dahil sa pangigilid ng mga luha ko.
   
  Dahan-dahan niyang inilalapit ang mukha niya sakin, kita ko ang paggalaw ng mga mata niya at paglipat ng tingin nito sa labi ko. Amoy na amoy ko na ang mainit na hininga niya na siyang kumikiliti sa balat ko.
   
    ´´D-daniel..´´ mahinang sambit ko sa pangalan niya.
   
    Walang humpay sa pagkabog ang dibdib ko. Labis ang takot, hindi ko na alam ang gagawin ko noong mga sandaling ‘yon. Tila bigla na lamang na blanko ang isip ko at lumipad ang sarili. Gusto ko siyang itulak palayo, gusto kung umalis sa sitwasyon na ‘yon, pero masyadong umiibaw ang paghahangad ng puso ko... na magdampi ang mga labi namin.
   
    Bukod doon,  kakaiba ang init na nararamdaman ko. Hindi ko alam kung sanhi ba ‘yon ng alak na ininum namin kanina o dahil sa sensasiyon na pinaparamdaman niya sakin ngayon.
   
    Hindi ko na alam...
   
    Nawawala na ako sa sarili ko...
   
    Pakiramdam ko ay may kung anong kumokontrol sakin, para manatili lang sa ganoong sitwasyon. Kusang bumaba ang mga talukap ko at hinintay ang pagdampi ng  labi nito.
   
    Napakalambot, napakainit ng halik na ipinaramdam niya sakin. Nakakahibang, Nakakabaliw, at para akong idinuduyan ng bawat paghaplos ng maiinit at malambot niyang kamay.
   
    Inihiga niya ako sa kama at pumaibabaw siya sakin. Sandali niya akong pinagmasdan. Unti-unti niyang inilapit ang labi niya sakin at muling inangkit ang labi ko. Wala akong magawa noong mga sandaling ‘yon kung hindi ang sabayan ang malalalim at mainit nitong halik.
   
    Wala na ako sa sarili ko. Hindi ko na alam ang ginagawa ko, masyado na akong nilalamon ng kakaibang init na idinudulot niya sakin. Para akong napunta sa napakalalim na mahika upang mawala ako sa katinuan ko...
   
    Oo, may nangyari samin at pinagsisihan ko ‘yon. Nagising akong parehas kaming walang saplot. Tulog siya ng binalak kong tumakas sa lugar na ‘yon at umiiyak na sumakay ng taxi. Hindi ko alam kung dapat ba akong mandiri sa sarili ko  o matuwa  dahil may nangyari samin. Ang hirap maging masaya, Oo ako ‘yong taong kasama niya noong gabing ‘yon. Pero kahit anong gawin ko. Dinidikta ng isip ko na hindi pa rin ako ang babaeng nasa isip niya noong mga sandaling ginagalaw  niya ako.
   
    Pinag-mumura ko ang sarili ko  habang inaalala ko ang nangyari samin noong gabing ‘yon. Nakakadiri ka Jina! Nandidiri ako sa sarili ko. Hindi ko na maintindihan ang nararamdaman ko. sobrang bigat, ang daming mga katanungan ang siyang pumapasok sa isipan ko habang nasa biyahe ko.
   
    Kung bakit nagawa kung hayaan na may mangyari samin?.  Bakit hinayaan kong lamunin ako ng feelings ko para sa kaniya. Mariin akong pumikit kasabay ng sunod-sunod na pagpatak ng luha ko. Nakatanaw ako sa labas ng bintana habang nakasandal sa kinauupuan ko at inis kong hinagod ang malambot kong buhok. Kinagat ko ang ibaba kung labi.
   
    Tumawag sakin si Mama, agad ko namang sinagot ang tawag niya ng makita ko ang call name niya sa screen ng phone ko. Nagulat ako at natigilan ng sabihin sakin ni mama ang nangyari kay tita zyril. Agad kong sinabi sa taxi driver ang lokasyon ng hospital na pinagdalhan ni mama dito. Agad kong tinawagan si Kelly ng maibaba ko ang tawag ni mama.
   
    Napamura ako at ilang beses siyang tinawagan, dahil hindi ako nito sinasagot. Matapos ang pangyayari na ‘yon at nang mawala si tita zyril, wala pa rin nagbago kay Daniel. Maslalo lang niya akong kinukulit, lalo ng magluksa si kelly sa pagkawala ng tita niya.
   
    Hindi ko mapigilan mainis, dahil parang wala lang sa kaniya ‘yong nangyari noong gabing ‘yon. Maslalo pa akong nasaktan, dahil wala na siyang ibang bukang bibig kung hindi si Kelly. Panay ang pagtatanong niya sakin kung ayos lang daw ba ang kaibigan ko.
   
    Naging malamig ako sa kaniya. Nag iba ang pakikitungo ko rito, simula ng mangyari ‘yon. Hindi ko na rin naisip na kausapin siya tungkol doon, halata naman kasi sa kaniya na   wala siyang pake sa nangyari samin. Alam ko na rin naman ang sasabihin niya, alam ko na ang magiging reaksyon niya kapag sinabi ko pa at pinaalala sa kaniya ang gabing ‘yon.
   
    “ano ba Jina! Kausapin mo naman ako  ohh! Ano ba nangyari sayo?”
   
    “ Wala.”
   
    “ haha. wala? Talaga ba? Di’ ka naman ganiyan, last time ahh. May―”
   
    “ Please! daniel! Wala ako sa mood ngayon!”
   
    “ ano ba kasing problema? Kahit ‘yong kalagayan na lang ni kelly sabihin mo sakin.”
   
    “ Hindi ko rin alam,oky? Ilang araw na siyang nakakulong sa kwarto niya at di’ ako kinakausap. Wala rin akong alam sa kalagayan niya! Masaya ka na?”
   
    “ Pwede ko ba siyang makausap?”
   
    Inis akong natawa. “ Gusto mo siyang makausap? Wish you luck na lang kung makakausap mo siya.”.
   
    Bakas sa mukha niya ang pagaalala. “ Jina, please. Tu―”.
   
    “ Yun na lang ba talaga?..” kumunot ang noo niya. Diretso ko siyang tiningnan sa mga mata niya.
   
    “ Huh?”.
   
    “ Kailangan mo ako, dahil kay kelly? ‘yon lang ba talaga?”
   
    “ J-jina, hindi kita―” mapait akong natawa.
   
    “ I know. Alam kong hindi mo ako maiintindihan, Iba kasi ‘yong nakikita mo e, at hindi ako.” malalim na saad ko sa kaniya at tinalikoran na siya.
   
    Ilang araw ang nakalipas, nang magawa ko ng makausap si kelly at medyo oky-oky na siya. Hindi ko na rin naisip pa na ikwento sa kaniya ang nangyari noong gabing ‘yon. Ayoko na rin kasing madagdagan pa ang problema niya. Parehas kaming naging busy ng kaibigan ko, minsan na lang kami kung magkwentohan, dahil busy sa school at sa pagsasaliksik niya, tungkol sa kaniyang sarili at sa pagkamatay ng kaniyang Tita.
   
    Gumawa na rin ako ng paraan para iwasan siya, hindi ko alam pero bigla na lang akong nakaramdam ng ilang sa kaibigan ko. Makalipas pa ang ilang araw, may mga kakaiba na akong pakiramdam na nararamdaman. ‘yong mga dating paburito kung pagkain, hindi ko na magustohan at lagi akong nasusuka.
   
    Nakakaramdam na rin ako ng hilo at pakiramdam ko parang lagi akong napapagod. Binaliwala ko ang lahat ng pakiramdam na ‘yon at maslalo pa akong nagtuon sa trabaho at pagaaral ko. Ginawa kung busy ang sarili ko, hanggang sa bumigay na lang ang katawan ko at nawalan ng malay sa trabaho ko. Nagising ako sa hospital at nalaman kung ang isa sa mga katrabaho ko ang siyang nagdala s’kin doon ng mawalan ako ng malay.
   
    “thank goodness at gising ka..ano? Kamusta pakiramdam mo?”
   
    Naabutan ko siyang nakaupo sa gilid ng kama ko at bakas ang pagaalala niya sakin.
   
    “ anong nangyari?”
   
    “ nawalan ka ng malay habang nagtratrabaho at beh, huwag ka mabibigla sa sasabihin ko.”
   
    kumunot ang noo ko na tiningnan siya. Bakas ang pagkadismaya sa mukha niya. “ Bakit? Ano ‘yon?”.
   
    Bumuntong hininga siya. “buntis ka.” natigilan ako at para akong binuhusan ng malamig na tubig.
   
    “ a-ano?”
   
    “ ano bang nangyari? Sino ang ama ng dinadala mo? ‘yung ex mo ba?” tanong niya.
   
    Hindi ako nakapagsalita at natulala na lang, punong-puno ng katanungan ang isip ko. Nag bunga..
   
    Nagbunga ang pagtatalik namin noong gabing ‘yon. Mariin kong hinawakan ang kumot na nakabalot sakin. Naramdaman ko ang pagtulo ng mainit na luha sa mata ko.
   
    “Jina.” may lungkot na tawag ng katrabaho ko.
   
   
    Tumingin ako sa kaniya. Seryoso ang mukha ko. “ Sinabi mo na ba ‘to kina mama?” umiling siya. “ hindi pa.” hinawakan ko ang kamay niya na nakapatong sa hita niya.
   
    “ Pakiusap, pwede bang satin na muna ‘to? Ayokong malaman nila ang tungkol dito, lalo na sa kaibigan ko.”pakiusap ko sa kaniya.
   
    “ pero..”
   
    “ pakiusap...” wala na siyang nagawa kung hindi ang sumang-ayon s’kin. Ngumiti ako. “ salamat..”.
   
    “ anong gagawin mo ngayon sa bata? Hindi mo maitatago ng matagal ang bata na ‘yan.”
   
    Napahawak ako sa tiyan ko. Tulala. “ hindi ko pa alam, pero isisilang ko ang bata na ‘to at mamahalin siya, tulad ng pagmamahal ko sa kaniyang ama.”
   
    “ sino ba kasi ang ama niyan?”
   
    Tiningnan ko siya. “ Si daniel...si daniel van delson ang ama ng dinadala ko.”
   
    Makalipas ang ilang linggo, maslalo pa akong naging stress at naging busy sa trabaho at pagaaral ko. Hindi sinabi sa kaniya ang tungkol sa dinadala ko at wala rin akong balak na sabihin kay daniel na may na buo samin.
   
    Alam ko naman na itatagi niya na siya ang ama ng bata, alam kung hindi niya kami tatanggapin, kaya’t masmabuti pang itago na lang ‘to. Maspipiliin kong palakihin na lang ang bata, kahit na wala siyang ama.
   
    7:30 na ng gabi at naglalakad na ako pauwi, di’ na ako nagtaxi dahil sa nagiipon ako ng pera para sa panganganak ko. Ilang milya lang naman ang layo ng bahay namin sa tinatrabahuhan ko. Kapag lang talaga papuntang school at papuntang trabaho ako namamasahe, dahil medyo malayo ang school ang school na pinapasukan ko.
   
    Natigil ako sa paglalakad ng may isang itim na van ang siyang huminto sa tapat ko. Kumunot ang noo ko, nagbukas ito at iniluwal nito ang ilang kalalakihan na nakasuot ng itim na maskara. Hindi na naging maganda ang kutob ko noong mga sandaling ‘yon. Balak ko sanang tumakbo paalis doon ng may isang lalaki ang siyang humawak sakin.
   
    Tinakpan nito ang bibig at ilong gamit ang paniyo na hawak  nito. Sinubukan kong magpumiglas, ngunit habang tumatagal na naamoy ko ang chemical na inilagay nila sa paniyo.
   
    Unti-unti akong nanghihina, hanggang sa dahan-dahan ng sumara ang talukap ng mata ko. Nagising na lang ako na nakatali sa isang kahoy na upuan. Nakatali ang dalawang kamay ko sa kamay ng upuan at ang dalawa ko naman paa ay nakatali sa paahan nito.
   
    Ilang beses akong napakurap. Nilibot ng tingin ang paligid. Wala akong makitang kahit na ano, kung hindi kadiliman.
   
    Sobrang dilim, wala akong makita. Tanging isang nakasabit na ilaw lamang sa ibabaw ko ang makikita rito at nagsisilbing liwanag sa napakadilim na lugar na ‘yon. Sinubukan kong magpumiglas sa pagkakatali ko sa upuan na ‘yon, ngunit nakakaramdam ng sakit ang katawan ko.
   
    Napatingin ako sa may bandang tiyan ko. Nakagapos din ito ng isang matibay na bakal. Muli akong nagpalinga-linga sa paligid,  asan na ba ako? At anong ginagawa ko rito?.
   
    Mariin akong napapikit ng magliwanag ang paligid. Dahan-dahan kung iminulat ang mga mata ko at inaninag ang paligid.
   
    Ilang beses akong napakurap. Nagpalinga-linga sa paligid. Ang kanilang madilim na silid na ‘to ay nababalot na ngayon ng puti. Asan ba ako? Ano bang lugar ‘to? Hindi ko maiwasang mapatanong sa sarili ko.
   
    Wala akong kaide-ideya sa mga nangyayari. Napabaling ako sa unahan ko ng magbukas ang pintuan na halos hindi ko na makita kanina dahil sa kaputian nito at kakulay ng paligid.
   
    Iniluwal ng pintuan na ‘yon ang ilang kalalakihan na nakasuot din ng puting damit. Kumunot ang noo ko, ano bang meron? Kung ano-ano na ang masasamang ideya ang siyang pumapasok sa isipan ko.
   
    Hindi ko na rin maiwasang kabahan at matakot, hindi kasi maganda ang kutob ko dito. Lalo na’t nababalot na ako ng mga isiping pwedeng mangyari sakin sa lugar na ‘to.
   
    Ang mas ikinakabahala ko pa...Ang anak ko. Kailangan kong makailis dito, hindi ko hahayaan na may mangyari sa magiging anak namin ni daniel. Ipinangako ko sa sarili ko na ilalabas ko ang anak ko sa mundong ‘to ng maayos at masaya..
   
    Limang lalaki ang siyang pumasok sa loob ng silid na ‘to. Nakuha  ng atensyon ko ang huling pumasok. Natigilan ako at natulala ng makilala ko kung sino ang taong ‘yon. Nakasuot ito ng itim na kasuotan, nakapusod ang buhok at nakasuot ng mataas na takong.
   
    Nagtagpo ang mga mata namin, nginitian niya ako. 𝄒𝄒 Hi...Jina, how are you?𝄒𝄒 ang unang pagbati nya na maslalong ikinatulala ko sa kaniya.
   
    𝄒𝄒I-ikaw?..𝄒𝄒
   
   
   
   
   ◆◇◆ 𝙅𝙊𝘼𝙉𝘼◆◇◆
   
   
   
     𝐀𝐑𝐀𝐖 𝐍𝐆 𝐄𝐕𝐄𝐍𝐓 𝐍𝐆 𝐗𝐔. Napangiti ako ng malawak ng makita ko si Jihoon na nakahalo sa maraming tao dito sa Gymnasium. Nagbuga ako ng hangin at sandaling pinakalma ang puso kong wala ng tigil sa pagkabog. Ilang araw ko ‘tong pinaghandaan.
   
    Napagisip-isip ko kasing gumawa ng paraan para mapalapit sa kaniya. Wala naman sigurong magagalit kung kakausapin ko siya, di’ba?. Wala rin akong dapat ikatakot. Hindi naman siya mangangain at hindi rin siya masamang tao.
   
    Naisip ko na...Walang mangyayari kung papairalin ko ang pagiging mahiyain ko at ang takot ko na lapitan siya. Baka kasi sa huli, magsisisi ako. Atleast, kahit papaano...sa ganitong paraan...Magagawa ko siyang lapitan at kausapin.
   
    Tumigil ako sa harap niya. Tumigil siya sa paglalakad at malamig akong tiningnan. Bakas sa kaniyang mukha ang pagtatanong. Nagsalubong ang mga mata namin, nginitian ko siya.
   
    Tanging malamig at blankong mukha lamang ang isinukli niya sakin. Doon pa lang, nakaramdam na ako agad ng akward. Napahiya na agad ako, pero sinubukan ko pa rin palakasin ang loob ko.
   
    𝄒𝄒H-hi..𝄒𝄒 Bati ko sa kaniya. Sinikap kong huwag mangatal at pilit na pinakalma ang puso kong ano mang oras ay maaari ng lumabas.
   
    Natatakot rin ako na baka marinig niya ang dinidikta ng puso ko.
   
    Nakapamulsa ang dalawa niyang kamay. Nakatingala akong nakatingin sa kaniya, dahil sa katangkaran nito. Hindi nya ako binati pabalik, nawala ang ngiti sa labi ko ng lagpasan niya ako.
   
    Humarap ako sa kaniya. 𝄒𝄒 sandali!𝄒𝄒 bigil ko sa kaniya at hinawakan ang braso nito. Tumigil siya, napatingin sa kamay kong nakahawak sa braso niya. Tumingin siya sakin ng may malamig na tingin. 𝄒𝄒 a-ahh..𝄒𝄒 agad kong binitawan ang braso niya. 𝄒𝄒 s-sorry..𝄒𝄒 umiwas ako ng tingin.
   
    Napakagat ako sa ibabang labi ko at napakamot sa ulo. Nagisip at hinihikayat ang sarili na maghanap ng paraan kung papaano ko siya kakausapin.
   
    Wala akong maisip.
   
    Biglang nablanko ang isip ko dahil sa prisensiya niya...
   
    𝄒𝄒 Kung wala kang―𝄒𝄒 tiningnan ko siya.
   
    𝄒𝄒  Salamat..𝄒𝄒 kumunot ang noo niya.
   
    𝄒𝄒 for what?𝄒𝄒
   
    𝄒𝄒ahh...ano..𝄒𝄒 kainis! Joana! Umayos ka!(,,•﹏•,,).
   
    Tumaas ang isang kilay niya. 𝄒𝄒 Nauubos ang oras ko.𝄒𝄒 malamig na saad niya. Tumingala ako sa kaniya. 𝄒𝄒 a-ahh..pasensiya na...𝄒𝄒 may lungkot na saad ko.
   
    𝄒𝄒 Yan lang ba sasabihin mo?𝄒𝄒
   
    Umiling ako.
   
    𝄒𝄒 then what?..𝄒𝄒
   
    Sa tagpong ‘yon. Panandaliang huminto ang mundo, tila biglang bumilis ang pagkilos ng bawat taong nakapaligid samin na para bang kaming dalawa lamang ang nakahinto sa isa’t-isa.
   
    𝄒𝄒 Gusto...Gusto ko lang sana..𝄒𝄒
   
    Humarap siya sakin at bahagyang lumapit. Natigilan ako. Napalunok. Maslalo pang naginit ang mukha ko.
   
    𝄒𝄒  Pwede bang ayosin mo ang pananalita mo.𝄒𝄒 malamig na saad niya.
   
    Unang beses ko pa lamang na maranasan ang ganito, ang makaharap siya at matitigan sa malapitan. Hindi ko alam na mas―maganda pala siyang pagmasdan sa malapitan...
   
    Ganito pala ang pakiramdam...Kapag malapit sa kaniya...
   
    Para akong nawawala sa sarili...
   
    Tila naging isang blankong papel ang utak ko at maslalo lamang nabulag ang mga mata ko at tanging siya lang nakikita...
   
    𝄒𝄒  Titigan mo na lang ba ako?𝄒𝄒 muling tanong niya. Natauhan ako.
   
    𝄒𝄒 a-ahh...Ano... salamat sa pagtulong mo sakin noon..Sorry at...at ngayon lang ako nakapag pasalamat sayo..𝄒𝄒 Wika ko.
   
    Kumunot ang noo niya. Tila, inaalala ang tinutukoy ko sa kaniya.
   
    𝄒𝄒 Yon lang ba?𝄒𝄒 Tumango ako.
   
    Hindi ako makapaniwala na kinakausap na niya ako ngayon(つ˘◡˘)づ♥. Ang sarap... Ang sarap sa pakiramdam.
   
    𝄒𝄒 Oky.𝄒𝄒 malamig na saad niya at akma na sana itong aalis sa harap ko ng hawakan ko ang pamulsuhan niya.
   
    𝄒𝄒 sandali.𝄒𝄒  Napatingin ulit siya sa kamay kong nakahawak sa pamulsuhan niya. Agad ko ‘yong binitawan.
   
    Sa takot na baka magalit siya. 𝄒𝄒 What?𝄒𝄒 malamig na tanong niya. Bakas sa boses ang kaniyang pagkairita.
   
    Huwag kang umalis. Pwede bang pahabain pa natin ang paguusap? Gusto pa kitang makausap. Ganiyan ang mga nais na lubas sa bibig ko, pero wala akong lakas ng loob.
   
  
    𝄒𝄒  K-kilala mo ba ako?𝄒𝄒 Tumaas ang isa niyang kilay. Tiningnan ako mula ulo hanggang paa. 𝄒𝄒  for what?..𝄒𝄒 baritonong tanong niya. Napakalamig at napakalalim ng boses niya.
   
    Ngumiti ako. 𝄒𝄒 A-ano...Gusto ko lang sana magpakilala. Ako nga pala si―𝄒𝄒 He cut me off.
   
    𝄒𝄒 I know you. Your joana... Kelly’s classmate. Hindi mo na kailangan magpakilala.𝄒𝄒 lumawak ang ngiti ko.
   
    𝄒𝄒T-talaga?..𝄒𝄒
   
    𝄒𝄒 Look. Kung wala ka ng sasabihin pa, aalis na ako. Wala akong panahon para  sayangin ang oras ko sa mga ganitong bagay.𝄒𝄒 malamig na saad nya. Unti-unting nawala ang ngiti sa labi ko.
   
    Tumalikod na siya at naglakad. Nag Echo sa isipan ko ang mga huling sinabi niyang ‘yon. Unti-unting nanikip ang dibdib ko.
   
    Ang kaninang labis na kaba ay nilamon ng labis na hapdi sa mga salitang binitawan niya...
   
    𝄒𝄒  S-sayangin ang oras?..𝄒𝄒 may hapdi na wika ko. Humapdi ang mga mata ko. Unti-unting namuo ang mga luha ko sa gilid nito.
   
    Huminto siya sa paglalakad. Ilang dipa na lamang ang layo sakin. 𝄒𝄒  bakit...bakit pag ako sinasayang ko ang oras mo, pero bakit kapag si kelly ang kausap mo...𝄒𝄒 Tiningnan ko siya. Tiningnan ko ang likoran niya na nakaharap sakin.
   
    𝄒𝄒  ayos lang sa oras mo...na para bang worth it sayo na makausap siya..𝄒𝄒 
   
    Unti-unti siyang humarap sakin. Blanko pa rin ang mukha niya. Walang nagbago doon, diretso niyang sinalubong ang malungkot kung mga mata.
   
    𝄒𝄒  dahil hindi ikaw si kelly...𝄒𝄒 natulala ako.
   
    Natigilan at parang bigla na lang huminto ang pagkabog ng puso ko noong mga sandaling ‘yon...
   
    Hindi ako makahinga. Para akong binuhusan ng malamig na tubig sa mga sinabi niya. Simpleng salita lang ‘yon, pero para itong matalim na ispadang siyang unti-unting humihiwa sa dibdib ko....Sa puso ko.
   
   
   
   ✺✹✺ DENNISE✺✹✺
   
   
   
   𝄒𝄒 Denden!!!!𝄒𝄒 tawag ni angelica sa pangalan ko.
   
    𝄒𝄒 Teka! Sandali!𝄒𝄒 wika ko at sandali muna akong nagpunas ng kamay sa mini towel na nasa ref. dito sa kusina.
   
    Nagluluto ako ngayon ng tanghalian. Araw ng linggo ngayon, kaya’t wala kaming pasok ngayon. Nagtungo ako sa sala at nagtungo sa pintuan ng apartment ko.
   
    Maliit na apartment lang ‘to. dito na ako nangupahan, simula ng pumasok ako sa XU, para mapaniwala sila na nagmula ako sa mahirap na angkan. Kinareer ko ang pagiging mahirap at pamumuhay ng simple.
   
    Pagbukas ko ng pinto, iniluwal nito si angelica na may dalang mga pagkain. Sumandal ako sa pintuan at humalukipkip. Tinaasan ko siya ng kilay.
   
    Lagi siyang dumadalaw sa apartment ko sa tuwing wala itong ginagawa at may free time kami. 𝄒𝄒 ano na namang meron?𝄒𝄒 wika ko.
   
    𝄒𝄒 pwede ba? Sahalip na magtanong ka diyan, tulungan mo na ako dito sa mga dala ko.𝄒𝄒
   
    𝄒𝄒 haha sorry na..𝄒𝄒 lumapit ako sa kaniya at tinulungan siya sa mga dala-dala niya.
   
    𝄒𝄒 na balitaan mo na ‘yong tungkol sa nangyari kay kelly?𝄒𝄒  may pagaalalang tanong sakin ni Angelica. Inaayos na namin ang hapag kainan at hinahanda ko na rin ‘yong mga niluto ko.
   
    𝄒𝄒  Hindi pa, ano bang nangyari? Simula ng matapos ang event namin sa XU, di’ na naman siya nagpapasok.𝄒𝄒 wika ko.
   
    𝄒𝄒 Haha. Ano ba yan! Nakapababa naman ng radar mo.𝄒𝄒 biro niya. Napangiti ako.
   
    𝄒𝄒 Haha di’ mo naman ako katulad, chismosa.𝄒𝄒
   
    Tiningnan niya ako ng masama. Nag-piece sign naman ako sa kaniya at nginitian ito ng malawak. 𝄒𝄒 Tss. Grabe ka sakin ahh.𝄒𝄒 dinilaan ko siya.
  
    𝄒𝄒 sige! subukan mo..mamatay ka na naman kakatawa diyan kapag nakalapit ako sayo.𝄒𝄒
   
    𝄒𝄒 ito hindi naman mabiro.𝄒𝄒 natatawang saad ko. Parehas na kaming naupo. Magkatapat kaming naupo sa hapagkainan.
   
    𝄒𝄒 so ano nga? Asan na naman ba daw ang babaeng ‘yon?𝄒𝄒Tanong ko sa kaniya.
   
    magsasandok na sana ako ng kanin ng pagsandunan niya ako. 𝄒𝄒 ako na baka magkalat ka naman.𝄒𝄒 wika niya. Bumusangot ang mukha ko. 𝄒𝄒 grabe ka naman sakin.𝄒𝄒 wika ko.
   
    Parehas kaming natawa. 𝄒𝄒 so ‘yon na nga...May kumuha daw kay kelly..𝄒𝄒 kumunot ang noo ko.
   
    𝄒𝄒 Kumuha? Sino?𝄒𝄒 nalilitong tanong ko.
   
    Nagkibitbalikat siya.
   
    𝄒𝄒 ang sabi may kumidnap daw sa kaniya...at hanggang ngayon hindi pa rin nila mahanap at makita kung sino ang kumuha sa kaniya at kung saan siya dinala.𝄒𝄒
   
    𝄒𝄒 hanla..totoo ba? Saan mo naman nakuha ang impormasyon na ‘yan?𝄒𝄒
   
    𝄒𝄒 Narinig ko lang din sa ibang section..𝄒𝄒
   
    bigla kaming nakaramdam ng pagaalala kay Kelly.
   
    𝄒𝄒 kamusta na kaya siya ngayon?𝄒𝄒 wika ko.
   
    𝄒𝄒Hindi ko alam pero sana ayos lang siya..𝄒𝄒
   

―――

#Vote
#Coment
#share
   

Four Gangster Fall Inlove With MeWhere stories live. Discover now