𝄄𝄄ᴄʜᴀᴘᴛᴇʀ 51𝄄𝄄

191 14 4
                                    

𝙉𝙖𝙩𝙞𝙜𝙞𝙡𝙖𝙣 𝙖𝙠𝙤 ng magvibrate ang phone ko sa ‘aking bulsa. Agad ko ‘yong kinuha at nakitang may unknown number ang siyang tumatawag sakin. Napakunot ang noo ko at nagdadalawang isip na sagotin ito.
   
    Sa huli ay sinagot ko rin ito.
   
    𝄒𝄒hello?𝄒𝄒 wika ko sa kabilang linya.
   
    may naririnig akong umiiyak. Boses ‘yon ng babae.
   
    Maslalo pang napakunot ang noo ko.
   
    𝄒𝄒 Sino ‘to?𝄒𝄒.
   
    𝄒𝄒K-kelly..𝄒𝄒 mabibigat ang paghinga niya. Natigilan ako at parang binuhasan ng malamig na tubig ng makilala ko ang boses na ‘yon.
   
    Umiiyak ito at mabibigat ang paghinga.  𝄒𝄒 J-jina?𝄒𝄒 pagkukumpira ko.
   
    𝄒𝄒t-..𝄒𝄒 Hirap siyang magsalita. 𝄒𝄒T-tulungan mo ako.𝄒𝄒 mahinang paghikbing saad niya.
   
    Tuluyang nanigas ang buong katawan ko sa narinig, hindi ako makagalaw at natulala. Tama nga ang hinala ko, si Jina ang nasa kabilang linya.
   
    𝄒𝄒J-jina..asan ka?𝄒𝄒 Ilang ulit ko siyang tinanong kung na saan ito, ngunit wala ng nasagot sa kabilang linya. May pumatay sa tawag. Agad kong tiningnan ang call at wala na nga ito. Sinubukan ko muling tawagan ang numiro na ‘yon, ngunit an attended na ito.
   
    Hanggang sa napatigil ako sa muli ko sanang pagtype sa numiro na ‘yon para tawagan itong muli ng may mag notif sa phone ko. Bago muli itong numiro, sandali ko iyong tinitigan. Nangangatal ang mga daliri kong iniangat ito at dahan-dahan itong pinindot.
   
    Parang sinemento ang buo kung katawan ng makita ko ang isang letratong ipinadala ng unknown number. Nanginig ang buong kalamnan ko. Nag init ang mga mata ko at nagtipon ang mga butil ng luha ko sa labis na takot at kaba  ng makilala at malaman ko kung sino ang nakapaloob sa litratong ‘yon.
   
    Muling tumunog ang notif ng phone ko at isa na namang minsahe ang siyang nagpadala mula sa numiro na ‘yon.
   
    “ Gusto mo pa bang makita ng buhay ang kaibigan mo? Lumabas ka ngayon sa XU at magkita tayo roon.”
   
    Naramdaman ko ang marahan na pagbagsak ng mainit na butil na luha sa kaliwang pisnge ko. Namanhid ang kamay ko ng sunod-sunod ang pagpapadala niya ng letrato na ‘yon. Dahan-dahan kong nabitawan ang hawak kong celphone dahil sa panginginig ng kamay ko. Kusang gumalaw ang mga paa ko at nakita ko na lang ang sarili ko na nagmamadali ng lumabas ng silid.
   
    Sa kalagitnaan ng pagmamadali kong maglakad, aksidente ko pang nakabangga  si Jihoon. Napahawak siya sa magkabilang balikat ko at parehas kaming nagkatinginan sa isa’t-isa. Kumunot ang noo niya ng makita niya ang itsura ko. May pagtatanong sa kaniyang  mukha.
   
    Hindi ko na hintay pa nagmasalita ito at magtanong sakin. Agad akong lumayo sa kaniya. Nabitawan niya ang balikat ko, nanatili siyang nakatingin sakin ng may panunuri. Umiwas ako sa kaniya ng tingin at walang salitang binitawan dito. Nilagpasan ko na lang siya at hindi pinansin ang pagtatagpo ng ‘aming mga mata.
   
    Sinabi rin sa text’ na ako lamang ang maaaring magpakita sa kanila, dahil sa oras na magsama ako ng ibang tao ay mapapahamak ang taong hawak nila. Ramdam ko ang pagsunod ng paningin niya sakin. Hindi ko ‘yon `alintana, patuloy lang ako sa pagtakbo habang sunod-sunod ang pagtulo ng mga luha ko.
   
    Paglabas ko ng gate ng XU, agad kong hinanap ang taong gustong magpakita sakin. Ngunit wala akong nasumpungan doon. Balak ko sana itong itext na nasa labas na ako ng XU ng maalala kong  naiwan ko nga pala ang phone ko sa room. Nagpalinga-linga pa ako sa paligid. Natigilan ako at napatingin sa isang itim na Van na huminto sa harap ko.
   
    Bumukas iyon at iniluwal ang mga armadong lalaking nakatakip ang bibig. Ang lahat ay nakasuot ng itim na damit, hindi na ako nakapag react noon dahil agad nila akong dinakip at ipinasok sa loob ng Van. May nagtakip ng panyo sa bibig ko at may kung ano akong naamoy doon, dahil upang makaramdam ako ng hilo at unti-unting nanghina hanggang sa mawalan ako ng malay.
   
   
   ◦•◦ 𝙇𝙔𝙓𝙄𝘼𝙉(Lyx)◦•◦
   
   
    “ Ano ba ‘yan asan na ba si Kelly?” inis na tanong ni clyster sakin.
   
    Kami ang nakatoka ngayon sa Photo booth. Kakainti lang ang nagsisipunta dito samin, maspatok ang kissing, wedding at confession booth kesa dito. Puro mga couple lang din ang nagpapapicture samin.
   
    Nakakaboring at kanina pa kami walang ginagawa rito. “ malay ko ba kung na saan ‘yon.” inis naman na tugon ko sa kaniya habang nakahalumbaba ako dito sa desk na kinatatayuan namin.
   
    “ Iilan pa lang ang nagpapakuha satin, tapos puro pa couple. Kainis! Bigla ako nainggit.” reklamo niya.
   
    Tamad ko siyang tiningnan(=.= ) .
   
    “ Edi, magjowa ka.” walang kagana-gana kong saad. Humalumbaba rin siya sa tabi ko at pinagmasdan ang mga taong dinadaan-daanan lang ang booth namin.
   
    “ Tss. Kung pwede nga lang e’.”
   
    ´´walang napigil sayo teh´´ Umirap ako sa kaniya.
   
    ´´ Tss. Alam mo naman magulang ko strikto.´´ nakangusong reklamo niya. Napairap ako.
   
    ´´haha. Magtiis ka..´´ umirap siya. ´´ ewan ko sayo..asan na ba sila?´´ muling reklamo niya.
   
    ´´ tanungin mo ako  di’ ko rin alam.´´ pilosopong saad ko.
   
    Sinamaan niya ako ng tingin. ´´ nice talk beh´´ inis na wika niya sakin.
   
    ´´ Ano bang problema mo at parang ang init-init ng ulo mo?´´
   
    ´´ Hindi ko rin alam´´ Walang kagana-ganang saad ko.
   
    ´´ Dahil na naman ba ‘yan sa boyfreind mo?´´
    tanong niya. Maslalo pang nag-init ang dugo ko.
   
    ´´ Huwag mong  mabanggit-banggit ang pangalan ng batugan na ‘yon´´ iritang wika ko sa kaniya.
   
    Napabuntong hininga si clyster. ´´ Bakit ba kasi nagtitiis ka pa sa lalaking ‘yon?´´ Kahit siya ay naiirita na rin dahil sa boyfreind ko.
   
    Alam niya kasi  ang tungkol samin ng boyfreind ko. Napabuntong hininga ako at tinitgan ang kamerang hawak ko. ´´ Mahal ko e’.´´ inis siyang natawa.
   
    Napairap siya. ´´ ewan ko sayo beh, hindi mahal tawag diyan. T*nga-t*ngahan na ‘yan. ´´ tiningnan ko siya ng masama. ´´ huwag kang magalit, totoo lang sinasabi ko. Ilang beses na kitang sinasabihan na hiwalayan mo na ‘yang walang kwanta mong jowa. ´´ sermon niya.
   
    Mapait akong natawa. Hindi na niya ako pinagsalita. ´´ huwag ka na magsalita, alam ko na sasabihin mo...kasi mahal mo, magbabago pa siya. Kailangan kaya ‘yon beh? Kapag nalaman namin na patay ka na?´´ Inis na wika niya.
   
    Umukit ang lungkot sa mukha ko. Napabuntong hininga ako at binuksan ang kamera na hawak ko. Hindi ko na lang sinagot ang mga sinasabi ni clyster. May point din naman siya, hindi ko rin alam sa sarili ko kung bakit, hindi ko magawang sumuko sa kaniya.
   
    Minsan napapagod na ako. Minsan naisip ko na rin na iwan siya, pero sa tuwing makikiusap siyang huwag ko siyang iwan. Lumalambot agad ang puso ko. Hindi naman kasi siya ganiyan, mabait at mapagmahal naman ang boyfreind ko dati...Noong hindi pa siya nawawalan ng trabaho.
   
    Siya na ata ang tipo ng lalaki na papangarapin niyo noong una ko siyang nakilala, nagbago lang naman ang lahat ng mawalan siya ng trabaho at ng maagasan ako. Yes, we’re live in. Wala na akong pamilya since highschool ako at siya na lang ang nagiisa kong pamilya. Matapos naming grumaduate ng junior highschool at malaman naming buntis ako, na isip naming mag live in. Noong una na hirapan tanggapin ng magulang niya ang lahat, pero sa huli nagawa rin nilang tanggapin ang sitwasyon namin. Tanggap naman kasi ako ng magulang niya, Hindi pa man nagsisimula ang relasyon namin. Close na ako sa magulang niya. Tinuring din nila akong parang isang tunay na anak, para ngang mas-anak pa nila ako.
   
       Matapos  nilang malaman ang nangyari samin. Pinahinto na muna nila si Ace para maghanap ng maayos na trabaho at nakiusap naman ako sa magulang niya na ipagpapatuloy ko ang pagaaral ko dahil gusto kung matupad ang pangako ko sa mga magulang ko.
   
    Naintindihan naman nila ‘yon. Naging maayos naman ang pamumuhay namin sa mga buwan na lumipas, nakita ko ang pagsusumikap ni Ace para maging mabuting asawa at ama samin ng anak niya. Ilang beses niya akong pinagsabihan na huminto na muna sa pagpasok dahil sa baka may mangyaring masama samin ng anak namin.
   
    Natatakot siya na baka mapagod ako ng sobra dahil sa maselan masyado ang pinagbubuntis ko, pero masyado akong matigas ang ulo. Hindi ako nakinig sa kaniya at pinagpatuloy ko ang pagaaral ko sa XU, Hanggang sa dumating na nga ang kinakatakutan nya. Kunan ako ng mapagtripan ako ng  grupo nila Janice, kaya’t grabe din ang galit ko sa babaeng ‘yon.
   
    Hindi ko sinabi ang nangyari sakin. Hindi ko nagawang makapagsalita dahil sa takot. Nagawa akong pagbantaan ng pamilya ni Janice na kapag inilabas ko ang tungkol dito, gagawin nila ang lahat para mabaliktad ako. Hindi ko rin nagawang maipaliwanag kay ace ang nangyari sakin noon, dahil pinangunahan siya ng galit at ako ang sinisi niya sa mga nangyari. Nalango rin siya sa alak at nawalan ng trabaho, dahil sa mga nangyari. Lalo na ng malaman namin na hindi na ulit ako mabubuntis pa, dahil sa nangyari.
   
    Hindi niya matanggap ang pagkawala ng anak namin, dahil sa pangyayari na ‘yon kaya humantong sa ganito ang lahat. Ang inakala kong masayang pamilya at pinapangarap ko noon, ay parang nawala na parang bula.
   
    Ang saya at kaligayahan na naramdaman ko noon ay panandalian lang pala..
   
    Doon ko napagtanto na hindi talaga araw-araw mararanasan mo ang magiging masaya, dahil kung gaano ka kasaya―masdoble ang lungkot na ibibigay sayo nito sa huli..
   
    Pero umaasa pa rin ako hanggang ngayon, umaasa ako na babalik ang ace na nakilala ko. Ang taong minahal ko...
   
    Agad kong winaksi ang biglaang pagpasok ng nakaraan namin at ang mapait na pangyayari na ‘yon ng mapagtanto ko na puro letrato na pala namin ni ace ang tinitingnan ko sa screen ng kamera ko. Kumurap ako ng ilang beses, upang pigilan ang luhang nagbabadiyang lumabas sa mga mata ko.
   
    ´´ Lyx?´´ Yumuko ako at nagpahid agad ng luhang papatulo pa lang. ´´ mm?´´ Tugon ko. ´´ M-may customer..´´ Kunot-noo akong napabaling kay Clyster. ´´ ano?´´ nakataas ang kilay na tanong ko. Nakita ko itong nakatulala sa harap namin.
   
    Kita sa mukha nito ang pagkamangha. Nakahawak siya sa balikat ko at bahagya itong tinatapik-tapik. Nagtataka man, tiningnan ko ang tinitingnan niya. Isang matangkad na lalaki at matipuno ang pangangatawan ang siyang nakatayo sa harap namin.
   
    Nakangiti ito samin, halos hindi na makita ang mata dahil sa sobrang kasingkitan nito. Pantay ang mga ngipin na siyang nagpaganda sa kaniyang pagngiti. Napakabata pa ng itsura nito, ngunit nagtaka kami kung bakit nakauniform siya ng pang Teacher.
   
    Nagkatinginan kami ni Clyster at may napagtanto. Parehas kami ng naiisip, hindi kami nagkakamali na siya ang pinaguusapan ngayon dito sa XU na bagong Teacher na papalit sa guro namin. Siya ang pinakabatang teacher dito na pinaguusap-usapan.
   
    Hindi namin alam ang dahilan ng pagaalis ng dating nagtuturo samin. Isang linggo na lang ang teacher namin at siya na ang papalit dito.
   
    ´´ Hi.´´ unang pagbati niya.
   
    Bubuka ko pa lang ang bibig ko ng agad na akong inunahan ni Clyster. Nagpakilala agad ang loka, hindi ko rin alam kung maiinis ba ako dito o matatawa. Ang arte kung magsalita(こ こ). Ang sakit niya sa ears. Promise(=.= ) .
   
    ´´ Hi sir! Ikaw si sir Clark tama ba? Nice to meet you po――ako nga po pala si Clyster. Magiging student niyo po ako.´´ pagpapakilala niya at agad na kinuha ang kamay ni sir. Napairap ako sa hangin at bahagya din napangiti dahil sa kaharutan ng kaibigan ko.
   
    Tumikhim ako. Sinuway ko siya at hinila papalapit sakin. ´´ Umayos ka. Teacher natin ‘yan.´´ bulong ko. Binitawan niya ang kamay ni sir at inakbayan ako. ´´ ay! Sir siya nga po pala si――´´ pinutol siya ni sir.
   
    ´´ Lyx. ´´ Napatitig ako sa kaniya. Nagtaka sa pagbanggit niya sa pangalan ko. Paano niya nalaman ang pangalan ko?, napakunot ang noo ko ng titigan ko siya ng maige.
   
    Bakit parang pamilyar siya sakin. Tulad ko, nagulat din si clyster at palipat-lipat ito ng tingin saming dalawa. Nalilito.  ´´ Kilala mo siya sir?..´´ Walang pagaalinlangan na tumango si Sir Clark. ´´ Yes..´´ Maslalo akong nagulat at nagtaka sa pagsagot niyang ‘yon.
   
    Nagkatinginan muli kami ni clyster na mababakas ang katanungan sa ‘aming mukha. ´´ K-kilala mo siya?´´ tanong ng mga mata niya na agad kong naintindihan. Agad akong umiling. Napatingin kami sa kaniya ng tumawa ito.
   
    Akward kaming natawa ni Clyster. ´´ a-ahh, sir bakit ka na tawa? saka paano mo?...´´ tumingin siya sakin.
   
    Isang kakaibang tingin na sandaling nagpatigil sakin. ´´ kilala kita, pero ako hindi mo kilala..´´
   
    ´´ Huh?´´ sabay na wika namin.
   
    ´´ Hahaha..´´ tawa na naman niya.
   
    ´´ sir, baliw ba kayo?´´ diretsong tanong ni clyster na maslalo niyang ikinatawa. Sinuway at pinanlakihan ko ng mata si clyster dahil sa sinabi niya.
   
    ´´ bakit? Anong mali sa tanong ko?´´ tanong ng mga mata niya sakin. Kinunotan ko lang siya ng noo at pinatigil ito sa kabaliwan niya.
   
    ´´ Haha, ang cute niyo.´´ Natatawang wika niya.
   
    ´´ haha, ayy! Matagal ko ng alam ‘yon sir..´´ pagmamayabang naman ni clyster dito. Napailing na lang ako. Ang harot na nga, ang hangin pa―_―.
   
    Napailing din si sir Clark habang nakangiti. ´´ anyway, i’m sorry.. ´´ tumikhim siya at tumingin sakin. Bakas pa rin sa mukha ko ang kalituhan. ´´ Magpapakilala na lang ako sayo Lyx. ´´ inilahad niya sa harap ko ang kamay niya. ´´ Ako nga pala si Clark Bisente. Anak ng kaibigan ng papa mo...Nice meeting ‘yon ms. Lyx Atinayo.´´ Wika niya.
   
    Hindi ko alam pero bigla akong natigilan at natulala sa kaniya. May kung anong kumiliti sa buong katawan ko ng banggitin niya ang buo kung pangalan. ´´ unang beses mo pa lang na pagkikita at i think that is the last bago mamatay ang magulang mo. Your just 15 or 16 years old that time. And i’m already 20 that time, i think´´ kwento pa niya ng hindi inaalis ang kamay niya sa harap ko.
   
    Natauhan ako ng kulbitin ako ng clyster at bulungan ako nito, bilang paalala na kanina pa hinihintay ni clark ang kamay ko. Pilit akong ngumiti at tinanggap ang kamay niya at nakipag kamay dito.
   
    ´´a-ahh, ikaw ba ‘yon? Haha sorry pero di’ ko na masyadong maalala ‘yon eh.´´ bahagya siyang tumawa. ´´ yeah, i know...matagal-tagal na rin..´´ wika niya at mastinitigan pa niya ako.
   
    Hindi ko agad nagawang alisin ang paningin ko sa kaniya. Napakalalim ng paraan ng pagtitig niya sakin na para bang may gustong sabihin ang mga tingin nito, may nais siyang ipahiwatig sakin. Hindi ko lamang maitugmo.
   
    May kung ano rin idinudulot sakin ang mga tingin na ‘yon. Hindi ko maintindihan, pero ganun pa man. Pumapaibabaw pa rin sakin ang pagkailang. Hindi na ako nakatagal na titigan siya, akward akong ngumiti at binawi ang kamay ko.
   
    ´´ N-nice meeting you too sir..´´ naiilang na wika ko.
   
    May something talaga sa kaniya na di’ ko masabi, kakaiba ang bawat pagngiti at paraan ng pagtitig niya sakin. Hindi naman mapakali ang tingin saming dalawa ni clyster na kahit siya may napapansin rin na kakaiba.
   
    ´´ a-ahh, ano po palang sadiya niyo?´´ pagbibigay ko ng bagong topic.
   
    ´´ ahh, Gusto ko lang sana magpakuha ng picture..´´
   
    ´´ picture?´´ parehas na tanong namin. Tumango siya. Nakatinginan kami ni clyster. Nagpalinga-linga siya sa paligid at muling bumaling kay sir clark. ´´ asan kasama mo sir? Ikaw lang magisa? Hindi mo kasama jowa mo?´´ natawa siya.
   
    ´´ Wala pa ako nun.´´ nanlaki ang mata ni Clyster. ´´ talaga sir? sa pogi mong ‘yan?´´ bigla siyang nahiya at patawa-tawang napakamot sa ulo. ´´ yeah..´´ sagot niya.
   
    Natawa na lang ako sa kadaldalan ni Clyster at inaayos ko na ang kamera ko para sa photoshoot ni sir. ´´ e’ ex sir? ´´ sinuway ko sa naging tanong ni clyster.
   
    ´´ over ka na bii´´ pinanlalakihan ko siya ng mata habang binubulungan ito.
   
    Hindi niya ako pinansin at nakatuon lang ang pansin niya kay sir clark. Natawa si sir clark. ´´ Actually..´´ tumingin siya sakin. ´´ Wala rin..´´ nagtagpo muli ang paningin namin, sandali akong napatitig sa kaniya at sa hindi ko malamang dahilan. May kung ano akong kuryenteng naramdaman na nagpataas ng balahibo ko sa katawan  at naging dahilan para umiwas agad ako sa kaniya ng tingin.
   
    ´´ Talaga ba sir? wala ka pang nagiging ex? Di’ ka pa naiinlove?´´ sunod sunod na tanong niya. Ramdam ko naman na nakatingin pa rin sakin si sir clark. Lalo akong naiilang. Pakiramdam ko matutunaw na ako sa mga titig niya, napakalalim at parang may pinaparating ang mga tingin niyang ‘yon.
   
    ´´ Na inlove na ako pero hindi naging kami..´´
   
    ´´ ay talaga? Gosh! Sino siya sir? Nakakalung―´´ tumawa ako at pinatigil na sa kadaldalan si clyster. ´´ tama na ‘yan clyster, pakiayos na lang ng booth natin ahh´´ pinanlakihan ko siya ng mata at itinuro sa kaniya ang booth namin.
   
    Hindi na naman siya nakatanggi. Nagtungo na siya sa mini studio na ginawa namin at inayos niya ‘yon. Hindi ko magawang makatingin sa kaniya. Hindi ko alam kung bakit naiilang ako kay sir clark, hindi ako makakilos ng ayos. dahil siguro sa mga titig niya. Nakakailang masyado, para bang tuwang-tuwa siya na panoorin ako.
   
    Sinikap kong pakalmahin ang sarili. Sandali ko siyang sinulyapan at tumawa. ´´ sir, anong meron sakin at kung makatitig ka wagas ahh.´´ may pagbibirong saad ko.
   
    ´´ haha, wala lang natutuwa lang kasi akong titigan ka.´´ natigilan ako at napatitig sa kaniya. ´´ hindi lang ako makapaniwala na...nagkita muli tayo Xian.´´
   
    Hindi ko maintindihan kung bakit kakaiba ang dating sakin ng pagtawag niya sa pangalan ko. Sa kaniya ko lang ‘to naramdaman, kahit minsan kasi noong magkasintahan pa lang kami ni Ace, ay wala akong ganitong naramdaman sa kaniya at hindi rin ako tinatawag ni ace sa ganoong pangalan.
   
    Wala pang natawag sakin na xian kung hindi siya pa lang, kaya’t hindi ko maipaliwanag ang gustong ipahiwatig sakin ng puso ko ngayon.
   
    Lalo na ng ngumiti siya sakin.
   
    Hindi ko rin maintindihan kung bakit bigla na lang bumalik sa ala-ala ko ang pagkabata namin noon―Oo, kababata ko siya. Kasama ko siyang lumaki hanggang sa makagraduate kami ng elementarya, ngunit after that ay nawalan na kami ng komunikasyon dahil pumunta na siya ng ibang bansa para doon magpatuloy sa pagaaral. May kung anong kirot akong naramdaman ng maalala ko ang masalimuot naming paghihiwalay.
   
    Bigla akong nakaramdam ng inis sa sarili ng bumabalik ang ganitong pakiramdam na matagal ko ng binaon...
   
    Bata pa kami noon... At matagal ko ng kinalimutan ‘yon.
   
    Umiwas ako sa kaniya ng tingin at ilang beses na kumurap. ´´ T-tara na..´´ wika ko at nauna na sa kaniyang pumuwesto.
   
    Natapos ang event at masaya kaming umuwi ng makatanggap kami ng first place sa booth compitation. Halos magdiwang ang grupo namin ng makita namin ang itsura nila janice na halos hindi maipinta, nagreklamo pa ito sa Mc at sa mga Judges at hindi matanggap ang pagkatalo niya. Muntikan pa ngang magkagulo, mabuti na lamang at nakaramdam siya ng hiya at napagisip-isip niya na may mga taga-ibang paaralan na naroon. Napansin din namin ang matalim na tingin sa kaniya ng ama niya na isa sa mga judges kanina.
   
    Wala siyang nagawa kung hindi mangiyak-ngiyak na nag walk out. Sinundan naman siya ng mga kasamahan niya, tuwang-tuwa kami at nagkayayaan na kumain sa labas after the event. Hinanap pa namin si kelly kung na saan ito, ngunit wala kaming ideya lahat kung saan na naman ito nagsusuot. After the event ay nagpaalam na agad si Wendy. Hindi na siya sumama samin na kumain sa labas dahil masama na daw ang pakiramdam niya simula kanina pa, kaya’t hindi na rin namin siya pinilit.

――

#Vote
#Coment
#Follow

Four Gangster Fall Inlove With MeWhere stories live. Discover now