𝄄𝄄ᴄʜᴀᴘᴛᴇʀ 52𝄄𝄄

213 13 2
                                    

𝐍𝐀𝐆𝐈𝐍𝐆 masaya naman ang pagkain namin sa labas, puro kwentuhan sa mga nangyari kanina. Nalaman naming may naging secret admirrer si angelica na siyang agad naming kinantiyawan. Hindi namin alam na ang tomboy na tulad niya ay magiging dalaga na, puro naman mura ang natanggap namin sa kaniya. Pikon na pikon.
   
    Hindi daw sila talo ng lalaking ‘yon at halos sakalin na niya si anne sa pagkwento nito sa nangyari sa kanila kanina. Hanggang sa mapunta ang topic  nila sakin ng maikwento ni Jackie ang nangyaring paguusap namin ni clark kanina.
   
    Sinamaan ko siya ng tingin at panay pagbabanta ang ibinigay ko sa kaniya. Napabuntong bininga ako, nagpipigil ng inis ng ako naman ang kinukulit nila tungkol doon. Nagpaliwanag ako na kababata ko at kuya-kuyahan si Clark.
   
    Nagkwento ako sa kanila ng kaunting ditalye tungkol sa ‘akin noong bata pa ako kasama si clark at ang mga g*go, kilig na kilig. Wala silang alam tungkol sa boyfreind ko. Ang alam lang nila, Single ako at isang normal na studiyante tulad nila. Hindi na rin naman nila kailangan malaman ‘yon.
   
     Gumawa ako ng paraan para mabaling sa iba ang naging topic namin kay Clark, ba kasi kung ano pa ang malaman nila tungkol sa nakaraan ko na pilit ko ng binabaon, hanggang sa nakayayaan na kaming umuwi dahil ang ilan sa kanila ay may tama na sa alak.
   
    Hindi ako masyadong uminom, iba kasi akong malasing... Baka umiyak na naman ako sa harap nila at magwala. Ganun pa naman ako, kung ano-ano ang ginagawa at parang baliw na nakawala sa mental. Bumabalik ang pagkabata ko sa tuwing malalasing ako.
   
    Nangyari ‘yon sakin noong maginom kaming dalawa ni Clyster. Umihi pa nga daw ako sa bowl na pinaglagyan ng ramen na kinainan namin. Kaya nadala na ako. Magisa na lang akong naglalakad sa gilid ng kalsada.
   
    Nakatingin sa daan habang lumilipad ang isip. Ang kaninang nakangiting Lyx sa harap ng mga kaibigan ko ay isang malungkot na lyx ngayon na siyang naglalakad sa kawalan. Para akong may dalawang pagkataon, nakangiti sa harap nila at malungkot at parang wala ng lakas kapag mag-isa.
   
    Ang hirap magpanggap sa totoo lang, nakakapagod magpanggap na masaya ka at oky ka’ pero sa likod ng pagpapanggap na ‘yon. Durog na durog na ako at parang gusto ng bumigay. Ilang taon ko na rin dala-dala ang bigat na ito, hindi ko alam kung papaano ko pa nagagawang maglakad ngayon gayong araw-araw akong paunti-unting pinapatay ng matinding kalungkotan at pagsisisi.
   
    Huminto ako sa paglalakad at naupo sa isang bench, napagtanto kung nasa park ako. Dito ako dinala ng mga paa ko. Hindi na ako pumasok sa trabaho, 7 pa kasi na start ang trabaho at dahil nga nagkayayaan ang tropa, hindi muna ako pumasok sa trabaho.
   
    Gusto ko ng umuwi at magpahinga, pero natatakot ako na umuwi at maabutan ang asawa ko sa bahay. Natatakot ako na baka nakainom na naman siya at pagbuhatan ako ng kamay.
   
    Namiss ko na ang dati kung asawa, habang lumilipas ang panahon...Maslalo akong nilalalom ng pangungulila sa dalawang taong pinakamahala at mahal na mahal ko at nagiisa ko na lang pamilya.
   
    Ang asawa at anak ko...
   
    Parehas silang nawala sakin..
   
    Nakaupo ako at nakatulala sa kawalan, wala sa sariling lumuluha at paulit-ulit na binabalikan ang nakaraan, ang masalimuot kong nakaraan na paulit-ulit na sumasaksak at pumapatay sakin sa tuwing mag isa ako.
   
    Minsan gusto ko na lang magpakamatay at mawala sa mundong ‘to..
   
    Pero sa tuwing naiisip ko ang dati naming pinagsamahan ng asawa ko at mga araw na masaya pa kami, nanghihina ako at nagkakaroon ulit ng pag-asa.
   
    Umaasa pa rin ang sarili ko na mababalik ‘yong dati..
   
    Nakaya ko pang maayos ‘to..
   
    Na magiging oky din ang lahat...
   
    Natigilan ako ng may panyong sumulpot sa harap ko.
   
   
   
   
    𝄁○◯○🅹🅾🅰🅽🅰○◯○𝄁
   
   
    Naranasan niyo na bang umibig ng patago? Pagpantasiyahan ang taong labis mong hinahangaan at minamahal...
   
    Naging mahirap para sakin ang ganoong systema, Ako si Joana Marie, Dalawang taon ng nag aaral sa XU. Naging alila ni janice at ilang beses na pinahiya at kinuntiya ng ibang section.
   
    Marami akong naging kasabayan noong bago pa lang ako sa XU, ang akala ko ay hindi rin ako tatagal sa paaralan na ‘yon, dahil sa mga nalalaman at nakikita ko. Hindi nakatagal ang mga kasabayan ko sa paaralan na ‘yon. Lahat sila umalis at iilan lang kaming naiwan, balak ko na rin sanang umalis rito, pero nagbago ang lahat ng makilala ko siya..
   
    Si Jihoon...
   
    Ang sabi nila, masamang tao at lapitin ng gulo si jihoon..marami akong negative judging nanaririnig patulong sa kaniya, at ‘yon din ang pinaniwalaan ko. Wala rin naman talaga akong pakialam kung sino nga ba talaga si Jihoon clymer at bakit usap-usapan na rin siya ng iba dito, simula ng makapasok ako sa XU. Pero nabago ang pananaw ko sa kaniya ng iligtas niya ako sa mga lalaking nagbalak akong gahasain sa utos ni Janice.
   
    Halos mapunit na ang damit ko noon sa pagpupumilit nilang hubaran ako, sa isang Bribadong silid. Doon nila ako dinala at ginawa ang balak nila. Takot na takot ako noon at tila wala ng pagaasa dahil nasaktuhan ‘yon na ang lahat ng studiyante ng XU ay may ginaganap na Event sa gymnasiusm.
   
    Akala ko katapusan ko na at mawawala na ang bagay na pinakainiingat-ingat ko, wala na akong lakas noon na magpumigas lakas. Tanging pagluha at pagmamakaawa sa kanila na tigilan ako ang kaya kung gawin.
   
    Hanggang sa dumating siya...
   
    nagulat na lang ako ng mawala sila sa harap ko at isa-isang hinila paalis sa ibabaw ko. Mabilis kong itinayo ang sarili ko at isiniksik ang sarili sa sulok ng silid. Niyakap ang sarili at takot na takot na pinanood kung papano niya pinatumba ang mga lalaking ‘yon. Napakagaling ng bawat galaw niya, halatang bihasa sa pakikipaglaban. walang naging binatbat ang mga lalakng ‘yon sa ilang pagkilos at galaw lamang niya ay nagawa niya itong mabugbug at patumbahin.
   
    Matapos nyang mapatumba at malumpo ang mga lalaking ‘yon. Isa-isa niyang hinuburan ng kasuotan ang mga lalaking ‘yon at tanging boxer lamang ang natira sa mga ito. Pinasulat niya ang mga ito sa isang karton na isa silang maniyak at huwag silang tularan.
   
    Isa-isa niyang pinasuot ang mga pinasulat niya sa karton sa leeg ng mga ito at pinatakbo nya ito palabas ng silid. Sa labis na takot nila kay Jihoon, wala silang nagawa kung hindi sundin ang pinaguutos nito.
   
    Nang makalabas na sila sa silid, ako naman ang pinagtuonan ng pansin ni jihoon. Nanginginig pa rin noong mga sandaling ‘yon ang katawan ko sa takot..agad akong umiwas sa kaniya ng tingin ng makita ko ang pagbakas sa malamig niyang paningin ang awa. Lumapit siya at pumantay sakin.
   
    ´´ Ayos ka lang ba?´´ tumingin ako sa kaniya. Pinagmasdan ko muna siya. Doon ko lang siya napagmasdan ng ganoon kalapit, ang mga malalamig at maganda niyang mata. Katamtaman ng hugis ng mukha, manipis at hugis puso niyang mga labi. Hindi ‘yon nakakasawang pagmasdan.
   
    Ramdam ko ang kakaibang pagkabog ng dibdib ko ng magtama ang mga mata namin, segundo ang tinagal ng pagtitigan namin na para bang kaming dalawa lang noong mga oras na ‘yon.
   
    Nabalik lang ako sa ulirat ko ng hubarin niya ang suot niyang checurd at ibinalot iyon sa katawan ko. Inalalayan niya akong tumayo at dinala sa clinic. Doon unang beses kong nakita ang kahalagan niya sakin at dahil sa pangyayari na ‘yon, hindi ko na siya magawang makalimutan. Ano mang kaparusahan at pagpapahirap na ginagawa sakin ni Janice ay balewala na sakin, makita at makasama ko lamang sa iisang paaralan si Jihoon.
   
    Sinabi ko sa sarili ko noong mga sandaling ‘yon―na mananatili ako sa paaralan na ‘yon at lihim na pagmamasdan siya sa malayo...
   
    Sapatna ‘yon para magkaroon ako ng dahilan para matili at makipag sapalaran sa paaralan na ‘to..
   
    malayo man ako sa kaniya, hindi man niya ako nararamdaman..
   
    Masaya akong makita siya at mapagmasdan sa malayo..
   
    Walang nakakaalam  ng nararamdaman kung ‘to kung hindi ako lang...
   
    At sinisiguro ko na panatilihin itong sekreto...
   
    maspipiliin kong mahalin na lang siya ng palihim, kesa malaman niya ang katotohanan..
   
    Natatakot kasi ako sa mga pwedeng mangyari...natatakot ako na baka hindi ko na siya makita―alam ko naman kasi na imposibleng magustohan niya rin ako.
   
    Ako na parang hangin lang sa kaniya...
   
    Hindi kilala at hindi maaalala..
   
    kaya sapat na ‘to sakin―ang pagmasdan siya sa malayo..
   
    Pero nagbago ang lahat ng dumating si Kelly dito. Ang kaligayahan at kasiyahan ko na makita at pagmasdan siya, may halo ng pait at sakit. Bigla akong nakaramdam ng inggit sa tuwing nakikita kong nagagawang lapitan at makausap siya ni Kelly. Naiinggit ako dahil wala akong lakas ng loob na gawin ang bagay na ginagawa ni kelly sa kaniya..Naging question din sakin ang salitang ‘sapat’ sa ‘sapat nga ba talaga?’.
   
    lagi na akong nagtatanong sa sarili ko sa tuwing pinagmamasdan ko siya sa malayo, nakakaramdam ng lungkot sa tuwing nakikita ko silang magkausap at magkasama ni Kelly― Hindi ko tuloy alam kung kakayanin ko sa oras na makita ko siyang hindi na nagiisa sa paningin ko.
   
   Paano kung dumating sa punto na tuluyan na talagang hindi niya ako makita..
   
    Paano kung tuluyan na akong maging hangin sa paningin niya at mawalan ng pagkakataon na makita ang nararamdaman ko para sa kaniya...
   
    Kaya ko nga ba?...
   
    Sapat na nga ba talaga ‘to?..
   
    ―Ang pagmasdan siya sa malayo?..
   
   
   
  □■□ 🅓🅔🅝🅝🅘🅢🅔□■□
   
   
   
    ´´ gosh! Totoo ba? Anong itsura ng admirror niya?´´ nagniningning ang mga matang tanong ni mica
   
    ´´ Sobrang gwapo guyss! At ang tangkad pa...´´ kwento ni anne.
   
    ´´ ano ba! Hindi ba talaga kayo titig? Hindi kami talo!´´ inis na suway ni angelica sa kanila.
   
    Inilapit ni anne ang mukha niya dito.
   
    ´´ Pero walang biro? Masarap ba siyang humalik?´´ nakangiting hanggang langit na tanong ni anne dito at makikta ang pagkagat pa nito sa kaniyang labi.
   
    All attention went to Angelica to wait for her answer to Anne's question. Even I didn't take my eyes off her and wanted to know her answer. It took her a long time to answer. Her face shows the thought of what can be answered to that question.
   
    kahit hindi siya magsalita, Kahit hindi niya sabihin..Kita ko sa mga mata niya kung ano ang nararamdaman niya ngayon. Nakaka-t*nga lang kasi ang sakit. Pakiramdam ko may kung anong tumutusok sa dibdib ko habang pinagmamasdan ko siya.
   
    Ang mga mata niya, nalilito.
   
    Alam kong hindi tama pero―Oo... I Love her, i’m secretly inlove with her. Isang malaking pagkakamali, hindi ba? Babae ako at babae rin siya pero hindi ko alam kung bakit nagawa kung magkagusto sa kaniya.
   
    I don’t know why...and i don’t know when...
   
    Basta nakita ko na lang sarili ko na isanh araw, mahal ko na siya at gusto kung ako lang ang lagi niyang nakikita. Gusto kung ako lang ang magiging dahilan ng pagngiti niya at gusto ko ako lang lagi ‘yong nasa tabi niya.
   
    Nagkakilala kaming dalawa dito lang din sa XU. Nakaka-t*ngang aminin, pero mayaman akong tao or just let say...galing ako sa mayaman na pamilya. My dad own a lot if properties, and my mom are a model in paris. Dito ako pinapasok ng parent after ko grumaduate ng junior highschool.
   
    Dapat talaga ay nasa mataas na antas ako dahil sa background ko at sa mga negosyo ng magulang ko. Hindi naman big deal sakin at ayos lang sakin kung saang section nila ako ilagay, wala naman kasi akong pakialam sa paligid ko.
   
    May sarili akong mundo at hindi pala kaibigan, tahimik akong tao at hindi mahilig makihalubilo sa iba. Lumaki kasi akong mag isa lang sa mansiyon namin, tanging mga katulong ang naging kasama ko sa mga panahon na lumipas. Never ko narasan ang pagaaruga ng isang magulang. Wala kasi sila lagi, kahit minsan hindi ko pa nakikita ang mga mukha nila. Simula ng mag kaisip ako. Mga katulong na ang nagalaga sakin, they never visit me here in the philippines. They always in their work. Halos sa trabaho na kumakakain at natutulog ang papa ko.
   
    While my mom, never pang umuwi dito sa pinas dahil sa mga hektic niyang pagmomodel. Pakiramdam ko noon, parang isinilang ako sa mundong ‘to na walang magulang...dinaig ko pa nga ang namatay ng magulang―-―. Pero nasanay ako sa ganoong invironment, hindi na ako naghanap pa ng aruga ng isang magulang o pagmamahal ng ibang tao.
   
    Maspinili ko na lang mag isa at magkaroon ng sariling mundo, para sakin kasi maslalo lang akong mahihirapan kung iisipin ko pa ang mga bagay na pwedeng magpabigat sa dibdib ko. Minsan nga ay sinasabi nila manhid daw ako, kahit minsan kasi ay hindi nila ako nakitang umiyak o masaktan. Lalo na sa tuwing iniitsapuwera at binabaliwala ako ng mga magulang ko.
   
    Siguro dahil na rin sa nasanay na ako. Napagod kakahanap at kakahintay sa kanila...
   
    Pero ang Dennise noon, ay biglang nagbago ng makilala ko si Angelica. Unang pagkikita pa lang naming dalawa, iba na ang dinidikta ng puso ko, kumpara sa sinasabi ng isip ko. That time, hindi ko pinansin ang kakaibang pakiramdam na sinasabi ng puso ko. Magnarinig ko ang sinasabi ng isip ko na gusto ko siyang maging kaibigan.
   
    Dahil kay Janice kaya kami nagkakilala, Unang tapak ko pa lang kasi sa XU ay nakita ko na agad ang pagbubully na ginagawa ni Janice sa kaniya. Pinapahiya niya ito sa harap ng maraming tao, hindi ko alam kung anong pinagmulan  ‘noon pero nakikipag talo siya kay janice that time. Nakita ko kung gaano siya katapang para lang ipagtanggol ang sarili niya. Pero in the second of snap, bumaliktad ang lahat at nagawa ni janice na takutin ito. Nakita kung may  ibinulong si janice sa kaniya na naging dahilan para magbago ang expresiyon ng mukha ni Angelica at gawin ang ipinapagawa sa kaniya nito.
   
    Doon ko lang napagtanto na pinaghuhubad pala niya si angelica sa harap ng maraming tao. Nakuha ng atensyon ko ang pangyayari na ‘yon, dahil sa mga studiyanteng pinagkukumpulan ang mga ito. Nagulat ako at hindi alam ang gagawin, for me that time dapat ay hindi ako makakaramdam ng konsensiya at awa sa babaeng ‘yon.
   
    kakasabi ko pa lang, wala akong pakealam sa mga taong nakapaligid sakin o sa mga bagay na nangyayari sa paligid ko, pero sa tagpong ‘yon. Parang nagkaroon ng sariling isip ang katawan ko at nakita ko na lamang ang sarili ko na naglalakad na papalapit sa kinaroroonan nila.
   
    Huhubarin na sana ni Angelica ang Uniform niya ng agad kung hawakan ang mga kamay niyang nakahawak sa uniform niya at ibinalik ito sa pagkakabalot sa katawan niya. Nagulat siya at napatingin sakin. Nagtagpo ang mga mata namin. Sigundo ang itinagal ng pagtitigan namin, nginitian ko siya. Binalingan si janice.
   
    Unang beses ko lang din namasasangkot sa gulo. Nakita ko ang pagbusangot ng mukha ni janice at ng mga kasamahan niya.
   
    ´´ who the h*ll are you?´´
   
    ´´ Kailangan ba talagang gawin niyo ‘to?´´ inis na tanong ko sa kanila.
   
    ´´ Ano namang pakealam mo? Sino ka ba, hah?´´ inis na tanong ng nasa kaliwa ni janice.
   
    ´´ taong nagmamalasakit sa mga taong binubully niyo. Hindi niyo ba alam na pwede kayong mapatalsik sa ginagawa niyong ‘yan?´´ nakatinginan sila at tumawa.
   
    malalim ang mga mata akong tiningnan ni janice at lumapit siya sakin. Tinitigan ako ng maige. ´´ hindi mo rin ba alam na pwedeng-pwede rin kitang patalsikin sa paaralan na ‘to oramismo.´´ ngumisi ako at walang takot siyang sinalubong ng tingin.
   
    ´´ Gawin mo.´´ may paghahamon na saad ko at iniwan sila doon, akay-akay si Angelica.
   
    That's where our friendship started, we became close when she didn't know where I came from and who my parents we’re. I hid my true personality. I don't tell her that I'm rich because I saw how much she hates rich people like us.
   
    kung gaano niya ito kinamumuhian, palihim din akong nakiusap sa deans ng XU na magpapalipat ako kung saan section siya. Nahirapan pa akong kumbinsihin si sir jack tungkol doon, ngunit nagawan naman ng paraan ng magulang ko. All she knows is that I also come from a simple family like him. Kahit minsan ay natatakot ako na baka balang araw ay malaman niya rin kung sino talaga ako at ano ang buo kung pagkatao, pero may parte na nagsasabi sakin na sapat na ‘to...
   
    Hindi na niya kailangan malaman kung sino talaga ako at saan ako nagmula, ayokong kamuhian niya rin ako tulad ng iba. Ayokong iwan niya ako, nasanay na akong kasama siya, nasanay na akong may kasama, at hindi ko alam kung papaano ulit ako matututo na magkaroon ng sariling mundo kung sinasanay niya ako na gawin siyang mundo ko...
   
    ´´ Pwede ba! Huwag niyo ng ipaalala yon! Nakakadiri! Nandidiri pa rin ako hanggang ngayon sa tuwing inaalala ko ang pangyayari na ‘yon.´´ iritang saad niya.
   
    Kahit papaano naging panatag ang loob ko sa mga sinabi niya.
   
    ´´ sure ka? Di’ mo nagustohan ang mga halik niya?´´ kunwaring pang eechoes na tanong ko sa kaniya. sinamaan niya ako ng tingin.
   
    ´´ pati ba naman ikaw?..´´ iritang wika niya.
   
    ´´ Bakit? Masama bang magtanong?´´
   
    Ngumuso siya. ´´ Tss, selos ka lang ehh..´´ pinanlakihan ko siya ng mata.
   
    ´´ Ako? Magseselos? Mandiri ka nga!´´ pagtanggi ko. Bigla akong nainitan. Umiwas ako sa kaniya ng tingin.
   
    ´´ naku! Huwag ka tumanggi, alam ko kasing crush mo ‘yon e’..´´ natigilan ako at tiningnan siya. ´´ huh?.´´ ano sinasabi nito? Akala ko pa naman nanghihinala na siya na may gusto ako sa kaniya.
   
    Ang sama ng tingin niya sakin. ´´ Diba sabi mo noong nakaraan na crush mo siya?´´ bigla kung naalala nung pilit akong pinapaamin ng mga ‘to kung sino ang crush ko.
   
    Hindi naman pwedeng sabihin kong siya dahil paniguradong mabibigla ang lahat at hindi ko rin alam kung anong magiging reaksyon niya. ´´ Hehe, Oo nga pala..´´ pag amin ko na lang.
   
    Tinuon niya ang pagsalin ng alak sa baso niya. ´´ huwag ka mag alaala, di ko siya gusto. iyong-iyo na ‘yon.´´ malamig na saad niya.
   
    Natahimik ang lahat at nagkatinginan pa ang mga ito sa isa’t-isa. ´´Omayyy! Nangangamoy away ahh..´´ biro ni Clyster. ´´ sino naman may sabing nagseselos ako? Di’ ako ng aagaw ng taong may iba ng gusto..´´ bara ko sa kaniya at nagsalin din ako nga alak sa baso ko at sabay namin ‘yong nilagok.
   
    ´´ Gosh! Freindship over na ba?´´ banat pa ni annika na may tama na.
   
    ´´ Bakit? May sinabi ba akong gusto ko siya..´´ malamig na saad niya.
   
    Tiningnan ko siya ng masama at inirapan ito. ´´ Hindi nga sinabi pero halata namang nagustohan niya ‘yong halik.´´ pagpaparinig ko at nagsalin ulit ako ng alak.
   
    ´´ Masyado kang papadsisyon.´´ wika ko. Inis kong inilapag ang maliit na basong hawak ko. Masama ko siyang tiningnan.
   
    ´´ ako pa talaga,hah?´´
   
   Hinarap niya ako. Halatang may tama na rin siya. ´´ ano bang gusto mong ipoint out? Hah? Bakit ba galit na galit ka?.´´ inis akong natawa. ´´ haha ako? Galit? Ikaw lang nag iisip niyan...´´.
   
    ´´ huwag mo ng itanggi dennise i know that your jealous! Gusto mo siya. You like him!´´ Tumataas na ang tono ng boses niya.
   
    ´´ E ano naman―´´
   
    ´´ hoy! Ano ba! Tama na nga ‘yan! Pagtatalonan niyo pa talaga ‘yong lalaking ‘yon? Parang dinaig niyo pa ang magjowa. ´´ suway samin ni anne. Parehas kaming napairap sa isa’t-isa, bago kami nagiwasan ng tingin.
   
    ´´ Lalaki lang ‘yon.´´ natatawang saad ni anne at diretsong ininum ang alak na nasa baso niya.
   
    ´´haysst! Tama na ‘yan! May baon din akong chika.´´ pagiiba ni jackie sa topic namin. Napairap na lang ako sa hangin at hinayaan silang magkwentuhan.
   
    Bigla akong nawalan ng gana, tinuon ko na lamang ang atensyon ko sa pag inom at pagkain ng mga inorder namin. Doon ko na lang dinaan ang lahat ng inis ko.
   
    Hindi ko alam kung bakit labis ang inis ko lalo na’t paulit-ulit na umeecho sa isip ko ang mga sinabi niya kanina. Alam ko naman na wala akong karapatan na maramdaman ‘to, ano nga bang ikinagagalit ko at ikinaiinis? Sino ba naman ako para magselos, hindi ba?.
   
    Gusto ko na lang matawa. Maling-maling talaga ‘to Dennise. Maling-mali...
   
    Kahit naman kasi isipin ko na dumating sa punto na mag amininan kaming dalawa sa isa’t isa, kahit na imaginin ko ang mga pangyayari na ‘yon at kung mangyari man ‘yon. Hindi pa rin pwede...
   
    Kahit na baliktarin ko man ang mundo...parehas pa rin ang magiging sagot sa lahat... Hindi kami pwede―.
   
    Kaya mamanatili na lang akong tahimik at pipilitin kong itago ang pangahas na feelings na ‘to para sa kaniya.
   
    Dahil kahit anong gawin ko, sa isang akda lang ang magiging pahina namin. ‘Kaibigan’ Hanggang dun lang ‘yon..
   
    9 na natapos ang kasiyahan namin, nagkayayaan na dahil lahat kami may tama na...maliban lamang kay Angelica at lyx. Mukhang silang dalawa lang ang hindi uminom masyado. Medyo nahihilo na ako, nagpaalam na ako sa kanila at nauna. Hindi pa man ako nakakalayo sa kanila, hinarangan ako ni Angelica. Ang lamig ng paraan ng pagtitig niya sakin. sinamaan ko siya ng tingin at hindi ito pinansin. Nilagpasan ko siya. Hinawakan niya ang braso ko para pigilan ako.
   
    ´´Ihahatid na kita.´´ wika niya ng magtagpo ang mga mata namin.
   
    Sabi ko, sisikapin kong alisin at ibaon ang nararamdaman ko para sa kaniya, but its b*llsh*t! How could i do that? Paano ko gagawin ‘yon kung pagmamasdan ko pa lang ang mga mata niya. Bumibigay na agad ‘tong l*ntek na puso ko.
   
    Hinawi ko ang kamay niya. Umiwas ako ng tingin.
   
    ´´ Hindi na kaya―´´ hindi ko natapos ang sasabihin ko ng hilahin na niya ako paalis. ´´ ano ba! Angelica!´´ inis na wika ko sa kaniya.
   
    sinikap kong pigilan siya, pero sa huli pumayag na din ako. Talagang mapilit siya. Napairap na lang ako sa hangin at tahimik kaming magkasabay na naglakad sa gilid ng kalsada.
   
   

―――

#Vote
#Coment
#Follow

Four Gangster Fall Inlove With MeWhere stories live. Discover now