𝄄𝄄ᴄʜᴀᴘᴛᴇʀ 44𝄄𝄄

242 20 3
                                    

MINSAN talaga nakakalito ang pagibig, hindi mo alam kung kailan ito susugod at mararamdaman. Parang isang nagbabadiyang ulan. Hindi mo alam kung kailan bubuhos, pero mararamdaman mo na lang.
   
    Hindi ko magawang alisin ang paningin ko sa kaniya, para siyang nagniningning sa paningin ko. Matapos niyang inumin, ang natitirang tubig sa basong hawak niya ay marahan niyang ibinuhos sa ulo niya na maslalong nagpabasa sa buhok at katawan niya.
   
    Maslalo siyang sumexy sa paningin ko.
   
    Sobrang gwapo’t sexy niya talaga...
   
    Wala akong makitang kahit na anong pamimintas sa katawan niya, maliban na lamang sa ilang peklat sa katawan nito. Halatang malalalim ang mga natamong sugat niya noon, pero kahit na ganoon, hindi pa rin ‘yon nakaapekto sa appearance niya. Maslalo lang siyang sumexy at naging astig.
   
  Napataas ang kilay ko ng mahagip na naman ng mata ko si Bella at marinig ang malinde nitong boses. Lumapit pa siya ng husto kay Jihoon, may kinuha siyang maliit na tuwalya sa kaniyang puwetan na siyang nakasiksik sa bulsa ng maiski nitong short.
   
   Ipinunas niya iyon kay jihoon na siyang basang basa na ng pawis. Hindi ko naman miwasang mainis at mairita sa mga nakikita ko sa hindi ko malamang dahilan. Kainis! Ano bang klaseng bata ‘to? Ang bata-bata pa marunong na lumandi at ang suot! Grabe! Halos makita na ang kasingit-singitan, Kung makapunas  pa siya sa katawan ni jihoon, wagas.
   
  Agang-aga! Sinisira nila ang araw ko( ゚,_・・゚) nakaksira sila ng mood sa totoo lang. Natigilan naman si jihoon sa paginom niya dahil sa ginawa ni bella, ganoon pa rin naman ang reaksyon ni jihoon. Malamig pa rin ang paraan ng pagtitig nito, ngunit mababakas sa mga matang ‘yon ang pagbabanta.
   
    Gusto pa sanang ituloy ni Bella ang ginagawa niya ng mapansin niya ang mainit at nakakatakot na pagtitig ni jihoon sa kaniya.
  
    Tss, buti naman―-―. Akala ko hahayaan niya lang na ganiyanin siya ng batang ‘yon e’.
   
   
    “ ate kelly..”
   
     Napaiktad ako sa gulat ng may magsalita sa harapan ko. Hindi ko na pala namalayan ang pagdating ni fergus at ang paglapit nito sakin. Masyado akong abala sa panglalait sa dalawang taong ‘yon sa hindi kalayuan.
   
    “ ano ba Fergus! Bakit ka nanggugulat?” napataas ang kilay niya at bumakas sa mukha nito ang pagtataka. “ ate kelly, kanina pa talaga kita tinatawag, ikaw lang ‘tong tulala at hindi ako pinapansin. ” bumaling siya sa direksyon nila jihoon. “ ano ba kasing ginagawa mo at napakasama ng tingin mo doon sa...” napabaling din ako sa direksyon nila jihoon.
   
    Bigla akong nakaramdam ng hiya at pagkataranta ng makita kung nakatingin na ang mga ito sa ‘amin. Hindi na ituloy pa ni Fergus ang sasabihin niya ng tawagin ko ang pangalan niya at magsungit ako rito.
   
    “ Ano pa kasing ginawa mo, hah?..”
   
    “ t-teka..ano bang ginawa ko?” nagulat siya at hindi niya alam kung bakit naging ganoon ang reaksyon ko. “ b-bakit ka nagagalit sakin?” tiningnan ko siya ng masama at nginusuan ito.
   
    “ Alam mo bang kanina ka pa hinahanap ni aling rita? Ang tagal-tagal mong bumali!” sermon ko sa kaniya. Napanguso siya at napakamot sa ulo. “ a-ano kasi..”.
   
    “ shhhh!..” pagpapatahimik ko sa kaniya. “ akin na nga ‘yan.” agaw ko sa hawak niyang pandesal. Wala siyang nagawa kung hindi bitawan ‘yon at nagtataka lang akong pinapanood sa inaasta ko. Tiningnan ko ang laman ng supot na kinuha ko sa kaniya. Binalingan ko siyang muli ng may paniningkit ang mga mata.
   
    Bahagya siyang napaatras sa takot. Napayapos din siya sa kaniyang sarili. “ o-ohh! Ano na naman?” walang kaide-ideyang saad niya.
   
    “ Tingnan mo oh! Ang lamig na ng pandesal natin sa tagal mong dumating! Saan ka ba nagsusuot! Hah?!” sermon ko pa. Kumunot ang noo niya, Bakas na bakas na sa mukha nito ang pagtataka at pilit na iniintindi ang pagasta ko ng ganoon.
   
    “ Ate kelly naman! Wala naman ako―”
   
    “ ano?! Magdadahilan ka pa? Tara na nga sa loob! Baka pati yung mga niluto ni aling rita, lamigin din dahil sa tagal mo” pagtataray ko.
   
    “ t-teka...” balak pa sanang magpaliwanag ni fergus ng hindi ko na ito pansinin. Bago pa man ako tumalikod dito, bumaling ako sa dalawa na kanina pa pala kami pinapanood. Matalim ko rin silang tiningnan at tinaasan ko ng kilay si bella ng magtama ang paningin namin.
   
    “ Ano pa tinatayo-tayo niyo diyan? Magaalmusal na!!” mataray na saad ko. Tumalikod  na ako sa kanila at iniwan sila doon, sumunod naman sakin si fergus na bakas pa rin ang pagtataka at animo’y inaping bata.
   
    “ ate kelly! Bakit nagagalit ka sakin? Ang layo pa kasi ng pinagbilhan ko niyan!” wika niya at sumabay sa pagpasok ko sa loob.
   
    “ manahimik ka di’ ko kailangan ng paliwanag mo!”.
   
    “ ate kelly naman! Huwag ka na magalit!”
   
    “ sino ba may sabing galit ako? Hah?!”
   
    “ e’ bakit ka ganiyan?..”
   
    “ wala ka na doon! Manahimik ka na nga!”
   
    𝙉𝘼𝙂𝙄𝙉𝙂 𝙏𝘼𝙃𝙄𝙈𝙄𝙆 naman ang naging umagahan namin. I mean, kami lang pala. Hindi kasi nagpapaawat si bella sa pagtatanong niya kay Jihoon, kung ano-ano ang mga tinatanong niya dito. Wala naman itong makuhang matinong sagot kay jihoon, na palihim kong ikinatatawa.
   
    Tulad ng pakikitungo ni jihoon sa iba ay ganoon din ang ginagawa niya kay Bella, ngunit hindi ko alam kung bakit may parte pa rin sakin na naiinis ako sa tuwing makikita kung gumagawa ng paraan si bella na dumakit at hawakan si Jihoon sa katawan niya. Sumasakit ang mata ko sa kaniya, promise
    ( ´◉‿ゝ◉').
   
     “ Saan ka ba nakatira?. ”
   
    “ sa tabi-tabi..”
   
    walang pakealam si jihoon, patuloy lamang ito sa kaniyang pagkain habang malamig nitong sinasagot ang mga tanong ni Bella. Kahit paglingon o pagbaling man lang dito ay hindi ito nagabala na balingan ang dalaga.
   
    Pilit ko namang pinipigilan ang pagtawa ko at halos nakayuko na ako sa kinauupuan ko, upang hindi lamang nila mapansin ang palihim at tinatago kong pagtawa. Hirap na hirap na akong magpigil sa pagtawa ko sa tuwing makikita ko ang dismaya at lumulukot na mukha ni bella sa mga malalamig at maiksing sagot ni jihoon. Napapatihim pa ito dahil sa hiya.
   
    “ Haha! Grabe ka naman magpatawa!” natigilan si jihoon sa pagsubo niya ng hampasin siya ni bella sa balikat.
   
    Base sa nakita ko sa reaksyon ng mukha niya, mukhang hindi niya nagustohan ang paghampas sa kaniya nito. Mabilis din iyong nawala at binalewala ang ginawa sa kaniya ni bella, nagpatuloy na muli ito sa kaniyang pagkain.
   
    Tumikhim si bella, para kunin ulit ang atensyon ni jihoon nang mapansin niya na di’ siya nito pinapansin. Kahit naman saan tingnan, halatang sinandiya niya ang pagpalo sa balikat ni jihoon para pansinin siya nito.
   
    “ Haha...sige ito na lang, may girlfreind ka na ba?” diretso na tanong niya.
   
    hindi man lang nito magawang galawin ang plato niya na halos wala pang kabawas-bawas. Nasa kalagitnaan ako ng paginom noong tanungin niya si jihoon ng ganoong tanong at halos malunod ako sa iniinom kung tubig sa pagkabigla.
   
    “ ate kelly, ayos ka lang ba?.” may pagaakalang tanong ni Fergus na siyang katabi ko.―Katapat ko si Jihoon sa lamesa habang magakatabi naman sila ni bella at nasa pinakadulong lamesa si aling rita na busy sa kaniyang pagkain. Wala itong imik at nakatutok lamang sa pagkain niya na para bang siya lang magisa ang kumakain.
   
    Tumango ako kay fergus at agad na ibinaba ang baso na hawak ko. Ipinatong ko ito sa lamesa, sandali kung nakuha ang atensyon ni bella. Sandali niya akong tiningnan ng nakataas ang isang kilay. Samantala, wala namang pakealam si jihoon at di’ man lang nagawang balingan ako sa nangyari na para bang siya lang din ang magisa sa hapagkainan.
   
    Umirap sa hangin si bella at muling binalingan si Jihoon na siyang hinihintay na sumagot sa kaniyang katanungan. Napairap na lang ako sa hangin at muling itinuon ang paningin ko sa plato ko na siyang mangangalahati na ang laman. Nakakasira talaga siya ng hapitite. Nakakainis( ´,_ゝ`).
   
    “ uyy! Kuya! Sagutin mo naman ako..”
   
    “ ano ba sa tingin mo?” hindi ko na napigilan pa na sumabat sa kaniya. Nakakarindi na kasi... Tiningnan niya ako ng masama. “ ikaw ba si jihoon?..” pagtataray niya.
   
    Inis akong napabuga ng hangin at binitawan ang kutsarang hawak ko. “ hindi ka ba napapagod na magtanong ng magtanong sa lalaking ‘yan? Ano mang gawin mo, wala kang makukuhang matinong sagot diyan. Hindi ka special para sagutin niya...” inis na wika ko sa kaniya. Natigilan si jihoon at sandaling napasulyap sakin. Talagang diniinan ko ang salitang special’ upang mahalata niya ang gusto kung iparating sa kaniya.
   
    Humarap sakin ng ayos si bella at tiningnan ako mula ulo hanggang paa na animo’y hinuhusgahan ang buo kung pagkatao.
   
    “ Kung makapagsalita ka ahh, bakit? Ikaw ba? Special ka ba para kausapin niya?.”
   
    “ bakit? sinabi ko ba? Pwede ba manahimik ka na lang at kumain diyan! Nakakapurwisyo ka kasi sa iba e’..”
   
    “ ahh! Talaga lang, hah?! Bakit ikaw? di’ ka ba purwisyo sa ginagawa mong pangengealam sakin? Bakit hindi ikaw ang manahimik?!hah?..”
   
    “ hah! Hindi kita pinapakealaman! Pinapatahimik lang kita kasi ang ingay mo!!”
   
    “ sino satin―”
   
    Natigil ang pagtatalo namin ng padabog na ilapag ni aling rita ang basong hawak niya sa lamesa na nakalikha ng malakas na ingay.  Sabay-sabay kaming napabaling sa kaniya. Napakadilim ng mukha niyang nakatingin ng diretso sa pagkain niya na halos maubos na..
   
    “ Hindi ba kayo tatahimik?..” malamig na saad niya at unti-unti nitong iniangat ang mukha niya at parehas niya kaming tiningnan. “ kahit man lang sa hapag ay magbigay kayo ng respeto!” sermon niya samin.
   
    Napayuko ako. Nakita ko naman ang pagirap ni Bella at ang nakakainis nitong pagngisi.
   
    “ respeto? Kailangan mo ba―” hindi na naituloy pa ni bella ang sasabihin niya ng tumayo na si Jihoon sa kinauupuan niya.
   
    Hindi pa ubos ang pagkain nito. Ang lahat ay napunta ang paningin sa kaniya. “ teka. Kuy―” pinigilan ni bella si jihoon na umalis ito ng magbalak na sana nitong tumalikod samin. Hinawakan niya ang kamay nito, ngunit agad naman ‘yong binawi ni jihoon.
   
    “ Tapos na akong kumain..” malamig na saad niya at natigilan ako. May kung anong pakiramdam akong naramdaman ng bumaling sakin si Jihoon at magtagpo ang mga mata namin.
   
    Sa tagpong ‘yon, kahit na mababakas sa malamlam niyang mga mata ang malamig na paningin na ‘yon. Kitang-kita ko naman ang kakaibang tingin na siyang nakatago sa likod ng malamig na mga mata niya.
   
    Siya ang pumutol sa pagtitigan namin. Bumaling siya kay aling rita ng magsalita ito. “ Hindi mo ubos ang pagkain mo” wika ni aling rita.
   
    “ busog na ako..” wika niya at doon na siya umalis at iniwan kami doon, tinawag pa siya ni bella ngunit kahit si bella ay hindi nito pinansin.
   
    Tiningnan kami ng masama ni bella ng tuluyan ng makalabas ng hapag si Jihoon.
   
    “ yan! Kasi ang iingay niyo kasi!” wika niya na ikinainit lalo ng ulo ko. Balak ko sanang sagutin siya ng hawakan ni aling rita ang kamay ko. Napabaling ako sa kaniya, umiling siya, pahiwatig na huwag ko na itong patulan.
   
    “ wala na rin akong ganang kumain..” nakangusong saad ni bella.
   
    “ bella naman!” wika naman sa kaniya fergus at sinubukan niya rin itong pakalmahin, ngunit tinarayan lang siya nito. Padabog siyang tumayo sa kinauupuan niya. “ nakakainis kayo!” mariin kung inikom ang kamao ko sa labis na inis sa babaeng ito.
   
    halos maluha na ang mga mata ko sa labis na pagtitig ng masama sa babaeng ‘to. Nagtagpo ang mga mata namin ni bella. “ isa ka pa! Pakealamera! diyan na nga kayo!” wika niya at tumalikod na siya samin.
   
    Pigil na pigil ang sarili kung sinundan siya ng tingin hanggang sa makalabas ito ng hapag.
   
    𝙉𝙖𝙥𝙖𝙣𝙜𝙪𝙨𝙤 𝙖𝙠𝙤 ng makita kong walang laman ang mga timba ng cr. Gusto ko pa naman sanang maligo, bukod at malayo sa bayan ang lugar nila, kaya’t wala silang gripo o poso dito. Umiigip pa sila sa labasan para lang magkaroon ng tubig.
   
    Napakamot ako sa ulo ko. Wala na si fergus at bella, pumasok na ang mga ito sa kanilang paaralan habang si aling rita naman nasa baranggay nila at may inaayos lang daw siya. Nito ko lang din nalaman na administration pala sa kanilang baranggay si aling rita. ‘yon ang kasalukuyan niyang trabaho ngayon.
   
    Nasa likod naman ng bahay si Jihoon, hindi ko alam kung anong ginagawa niya doon at wala na akong pakealam doon. Gusto ko sanang magpaigib sa kaniya, ang kaso naalala ko na hindi nga pala kami close. No choice na ako.
   
    Kinuha ko ang dalawang timba at lumabas na sa sala. Palabas pa lamang ako ng bahay ay nagkasalubong kami ni Jihoon sa pintuan. Napauntog pa ako sa matigas at malapad nitong dibdib. Napahawak ako sandali sa noo ko na siyang bahagyang kumirot. Tiningnan ko ng masama si jihoon.
   
    Halos patingala na ako sa katangkaran nito. Nakapamulsa ang dalawa nitong kamay sa bulsa niya at malamig na nakatingin sakin. Nakita niya rin ang hawak kong timba. Agad ko ‘yung tinago at kunot noo siyang tiningnan. Nagtagpo ang mata namin.
   
    “ ano ba?! Kailangan talaga mamangga?” hindi niya sinagot ang sinabi ko. “ Anong gagawin mo?” malamig na tanong niya.
   
    “ magiigib.” simpleng sagot ko.
   
    “ magiigib? Alam mo ba kung gaano kalayo ang igiban dito?.” tinaasan ko siya ng kilay.
   
    “ pake ko? At ano bang pakealam mo?..”
   
    “ Wala akong pake...hindi ko lang alam kung makakarating ka pa dito kung ikaw ang iigip..” inis akong natawa. “ nang iinsulto ka ba?” iritang tanong ko sa kaniya.
   
    “ Hindi ‘yon insulto  para sakin...maliit kang tao kaya alam kung hindi mo kakayanin..”
   
    “ hoy!!! Hindi pa ba pangiinsulto yang sinasabi mo?! At saka Pwede ba!!! Kaya kong magigib! At papatunayan ko yon sayo!” inis na bulyaw ko sa kaniya. “ tabi!” gumilid siya at binigyan ako ng daan.
   
    Malayo-layo rin ang nilakad ko. Madadaanan ang kakahuyan bago makarating ng labasan. Bago pa ako makarating sa labasan pagod na ako, Halos hingalin na ako sa layo ng labasan na ‘yan. Pagkarating ko sa poso na iniigiban ng maliit na bayan na ‘to, ilang oras pa ang hinintay ko dahil sa haba ng pila.
   
    Habang  papalapit ako ng papalapit sa poso, hindi ko maiwasang mailang at kabahan. May isang grupo kasi ng kalalakihan na puno ng tatoo sa may tabi ng poso, nakatambay ang mga ito sa isang maliit na kubo at nagiinuman.
   
    Kinabahan ako ng mapansin nila ako. Hindi ko nagugustohan ang mga paraan ng pagtitig nila sakin, sinubukan ko na lang na libangin ang sarili ko at may ilan akong kinausap na kababaihan sa unahan ko upang makipagkaibigan at makaiwas na rin sa mga lalaking ‘yon na siyang kanina pa tingin ng tingin sakin.
   
    Agad na akong nagmamadaling punuin ang dala kung dalawa timba ng ako na ang susunod na iigib. Bistida ni aling rita ang suot kung damit, napakahaba nito na hanggang talampakan ko. Kulay itim ito, kaya’t umiibabaw ang kaputian ng balat ko at sleeveless din ito. hindi ko alam na kahit na pang gurang kasuotan mo ay mababastos at mababastos ka pa rin ng mga maniyak na tulad nila.
   
    Sa mga tingin at pagtitig pa lamang nila, parang unti-unti na nila akong hinuhubaran. Matapos kung mapuno ang dalawang timba ay agad ko na itong binuhat.
   
    hirap man ay sinikap kung makalayo doon. Laking pasasalamat ko na lamang at di’ na nila pa naisipan na lapitan ako. Nakasunod lamang ang mga ito ng tingin sakin hanggang sa malayo ako. Nang makalayo na ako ng bahagya sa igiban ay sandali ko munang ibinaba ang dalawang timbang inigiban ko at hinihingal na nagpahinga.
   
    Nakakainis! Salanan kasi ‘to ng lalaking ‘yon eh! Kung hindi niya ako minaliit, edi sana hindi ako naghihirap ng ganito. Urgh!!! Kung naging gentleman lang siya sakin at nag insist na tulungan ako, hindi sana aabot sa ganito. Urghh!!!(* ̄ ̄ ̄ ̄ー ̄ ̄ ̄ ̄).
   
    Napahinga na lang ako ng malalim at muling binuhat ang dalawang mabibigat na timba na dala ko. Nakakadalawang hakbang pa lamang ako, hindi ko sinasadiyang matapilok at magkamali ng apak. bumali ang talampakan ko, dahilan upang mapaupo ako at tumilapon sakin ang dalawang timba na dala ko.
   
    Napamaang labi ko at napapikit sa pangyayari na ‘yon. Halos maligo na ako, naubos din sa katawan ko ang tubig na pinaghirapan ko pang tunggain sa poso. Basang basa na ako. Inis akong nagtatadiyak at nagsisigaw sa inis. Inis ko rin ibinato ang isang timba na nakataob sa tabi ko.
   
    Pinakalma ko muna ang sarili ko. Ilang beses akong huminga ng malalim. Nang mapakalma ko na ang sarili ko, tumayo na ako at kinuha ang dalawang timba na wala ng laman. Napakagat ako sa ibabang labi ko ng makita ang dalawang timbang walang laman. Hindi ko alam na ganito pala kahirap magigib.
   
    Kainis!ヽ(`Д´#)ノ .
   
    Sa huling pagkakataon, bago ako humarap sa direksyon patungo sa poso ay nagpakawala akong muli ng malalim na paghinga. Pagharap ko sa likoran ko. Natigilan ako at nagulat, nabitawan ko ang hawak kong dalawang timba at napatingala sa lalaking bumungad sakin sa likoran ko.
   
    “ J-jihoon..” wika ko sa pangalan niya.
   
    Napakalamig ng paningin niya sakin. Mababakas sa malamig na mga matang ‘yon ang inis at pagkairita sakin. Nakakunot ang noo niya at halatang kanina pa siya inis na inis sakin.
   
    Kanina pa ba siya sa likoran ko?..
   
Nagulat ako sa paghawak niya sa magkabilang balikat ko at itinalikod niya ako sa kaniya. Ang kaninang malamig na katawan ko ay biglang naginit ng maramdaman ko ang maigeng paglapit ng katawan niya sakin. Inilapit niya rin ang mukha niya sa gilid ng mukha ko, sa kaliwang pisnge ko. Nakahawak pa rin siya sa balikat ko.
   
    “ nasisiraan ka na ba talaga?” malamig na bulong niya sa tenga ko na siyang may kung anong kiliting dumaloy sa katawan ko. Napakainit ng hanging lumalabas sa bibig niya na siyang tumatama sa balat ko.
   
    Napalunok ako. “ talaga bang babalik ka sa lugar na ‘yon na ganiyan ang itsura mo? ” nabalik ako sa ulirat sa sinabi niya. Kumunot ang noo ko at balak ko sana siyang balingan para magtanong dito at ipalinaw sa kaniya ang mga sinasabi niya.
   
    Ngunit, mashinigpitan pa niya ang pagkakahawak sa balikat ko upang hindi ako makaharap sa kaniya. Natigilan din ako ng lingonin ko siya at magtama ang mga mata namin. Doon ko lang narealize na mali pala ang pagbaling ko sa kaniya, dahil maslalong naglapit ang mukha namin sa isa’t-isa.
   
    Halos magkadikit na ang aming mga ilong at gagahibla na lamang ng isang buhok ang layo ng mga labi namin. Halos maduling na rin ako sa sobrang lapit nito sakin.

―――

#VOTE
#COMENT
#SHARE

LINKS:

https://youtube.com/@MahikaDimabantot?si=K9U3SqlYUP-PathW

https://m.yugtofiction.com/novel/3684981504?auto_jump=false&link_type=1&utm_campaign=app_share_copyLink&utm_source=sns_tl_apppromo&directedId=3684981504

Four Gangster Fall Inlove With MeWhere stories live. Discover now