Chapter 1

1.2K 23 0
                                    

Jho's

"Hay ang aga ko atang nagising anong oras na ba?" Tanong ko sa sarili habang nakatingin sa kisame. Agad ko namang tinignan ang cellphone ko to check anong oras na 6:30 pa pala. Maaga pa 9am pa pasok ko e ang lapit lang naman ng center. Hays makapagluto na nga lang.

Bumangon na ako and pumasok sa cr. As usual I did my morning routine then bumaba nakita ko naman sila mama at jaja (nakababata kong kapatid) nagkekwentuhan.

"Pasali naman oh"-bungad ko habang umupo katabi ni jaja

"Oh ang aga mo ata anak? May evaluation ka ba ngayon?" Tanong ni mama habang ngluluto . Salamat naman at save ako sa pagluluto ngayon haha perks of having a mama as magaling magluto haha.

"Wala naman ma maaga lang talaga ako nagising ewan ko ba" sabi ko habang sumusubo ng hotdog at kanin

"Excited siguro yan ma makita yung crush niya na malapit sa center nila hahahaha" jaja na tumawa pang mapang-asar. Loko talaga tong batang to

"Hoy! Issue ka baka isipin ni mama lumalandi na ako hoy! Work muna bago landi no!" Sabi ko at umirap sa mokong to . Ang loko tumawa tawa lang.

"Ang sabihin mo ate hindi ka pa nakapag move on dun sa ex mong pangit! Hahaha" asar na sabi ni jaja sakin. Susugurin ko na sana sya nang magsalita c mama

"Oy kayong dalawa nagbabangayan nanaman kayo sa harap ng pagkain. Kumain na kayo jan ng makahanda na kayo sa lakad niyo. Ang kukulit nyo para kayong mga batang munti. Ikaw ja bilisan mo jan ate mo nanaman nakita mo at ikaw Louisse may trabaho kapa kaya bilisan mo na " Mahabang sermon ni mama.

Kaya mabilis kaming kumain at umakyat na para makahanda.

Habang nag aayos ako bigla nalang tumunog cellphone ko ibig sabihin may ngtext or notif. Sino naman kaya to?
Nang tignan ko wow! Si Mich himala naman ata at nagparamdam tong babaeng to.

From Mich
"Hi Jhoana :) huwag kanang magtanong bakit ngayon lang ako nagparamdam haha alam mo na busy na ang ganda ko haha .. by the way may High School Grand Alumni Celebration tayo next month isa ako sa committee naatasan ako na iinvite kayo kaso kokonti lang kayo na may contact ako. So sana makapunta ka. Text ka kaagad para malista kita sa mga aattend huh. God bless." Mahabang text niya sa akin.

Hala parang nakaka excite naman to hehe. Pero bakit ako invited eh hindi naman natapos ang high school ko dun kasi lumipat ako nung 4th year high school ako 

To Mich

"Hi Mich, hindi na ako mag tatanong busy din naman ang beauty ko no hahahah. Ahmp bakit ako invited eh nagtransfer kaya ako hindi ako part ng alumni jan haha gustohin ko man pero parang nakakahiya naman hehe."

Wala pang 1 min. nagreply na agad siya. Hindi ba to busy?

From Mich

"Hahaha loko ano ka ba part ka pa rin ng batch natin uy 1 year ka lang nawala dito mas lamang pa din yung 3 years mo dito no. Sige na naman Jho. Miss na rin kita eh. 'Wag kang mag alala ako bahala sayo ;)

Hays pupunta kaya ako ? Tsk ewan.

To Mich

"Sige pag iisipan ko Mich. Text kita agad pag nakapag desisyon ako Promise hehe :)


From Mich

Sige Jho, aasahan ko yan huh

Hindi na ako ngreply. Hays pupunta ba ako parang nakakahiya naman.
Malayo pa naman yun mapag iisipan pa.

"Louisse! Late ka na!!!" Sigaw ni mama mula sa labas

Pagtingin ko sa oras. Sh*t!!!! 8:55 na 5 min. nalang malalate na ako ano ba yan!.

Dali dali naman akong bumaba kinuha ang baon ko na luto ni mama and kiss her cheek and bid my goodbye.

Sumakay agad ako sa bisekleta ko. Nagbibisekleta lang ako since malapit lang naman sa bahay ang center

"Good morning po" bati ko nang makapasok ako.

"Good morning teacher Jho. Bat hingal na hingal ka parang sobrang layo ng binyahe mo e ang lapit lang ng bahay nyo ah." Sabi ni Ate Ella ay este Teacher Ella pala nasa trabaho pala kami haha

"Muntikan na akong ma late teach sorry hahaha." Sabi ko

"Huwag mo na kasi isipin yun mahal ka nun" pang aasar niya sa kin. To talaga si Ate Ella kahit kailan.

"Ewan ko sayo Ate Ells ay este teach pala hehe" sabi ko habang papasok sa room ko.

Mabuti nalang wala pa ang patient ko. Hays









.....


A/N

how was it guys ? Okay ba? Sana naman nagustuhan nyo ang chapter 1.
Padayon ta hehe.

I Can Say It's You Only YouWhere stories live. Discover now