Chapter 26

489 17 1
                                    

Jho's

It's been a week na din simula nung gala trip namin. Bea and I always find time to update how was our day. Kahit busy sobrang consistent niya pa din sometimes we do video chat and she always bully me again.. pero kahit ganon yung damulag na yun napapagaan niya ang loob ko sa sobrang stress at pressure sa trabaho isang ngiti o chat niya lang nawawala na din. Pero kahapon parang umiba siya ewan ko baka ako lang din nag aassume, she just said her good morning din right after that wala na sabi niya lang sobrang busy daw niya kaya hinayaan ko nalang dapat siguro hindi ko sinasanay na palaging may oras si Bea sa akin hays.



Habang nag iisip ako sa loob ng room ko bigla namang may sumulpot sa gilid ko dahilan para mapatigil ako sa pag iisip





"Ho! Babae ka kung hindi ka ngingiti ngiti busangot ka naman ano ba nangyayari sa'yo?" Tanong ni Jia at kumuha ng upuan para tumabi sa akin.




"Wala Ji pagod lang ako" simpleng sagot ko halata naman sa mukha niya na hindi siya nakumbinsi


"May hindi ka kinekwento sa akin huh simula nung gala trip niyo ganyan ka na. Si Bea ba yan huh?" Tanong niya at ngumiti ng nakakaloko




"Hindi nga, ang echosera mo" sabi ko at inayos na ang mga gamit ko




"Mag kekwento ka o kakalbuhin kita nakakalimutan mo na ata na bestfriend mo ako" sabi niya at umaktong nagtatampo ..





"To naman para kang timang, sige ganito nalang punta tayo mall libre ko kayo dinner sama natin si donya baka magtampo haha" sabi ko at tumango naman si Jia at umalis para sabihan si ate Ella.



Habang papunta kami sa mall maya't maya ko chinecheck ang cellphone ko pero wala as in walang Bea ang nagpaparamdam. Hays bahala siya






"Hoy Jhoana Louisse, wala kang lovelife kaya wag kang panay tingin diyan sa cellphone mo o baka may hindi ka sinsabi huh" pangingilatis ni Ate Ella sa akin pero bago paman ako makasagot ...





"Kaya nga tayo ililibre Ate Ells kasi may ikekwento eh, diba Jho?" Nakangiting sabi ni Jia habang taas baba ang kilay.




"Ay gusto ko yan, nakakamiss chumismis" sabi ni Ate Ella hay napaka chismosa talaga nito.





Nang makahanap kami ng makakainan pumwesto na kami at umorder habang naghihintay ay excited na silang mag kwento ako .





"So ano na Jho magkwento kana dali" excited na sabi ni Jia



"Excited? To na nga eh" sabi ko



At nagkwento na ako simula nung araw ng gala trip namin lahat ng nangyari nung araw na yun hanggang sa araw araw na chat namin hanggang sa nangyari kahapon at ngayon . Sakto din na dumating ang order namin kaya nag simula na kaming kumain pero patuloy pa din sa pag uusap.





"Mabuti naman at nakwento mo na, may progress kana Jho" sabi ni Jia




"Oo nga ineng, masaya kami para sa'yo hindi ka na denial" sabi naman ni ate ella habang sumusubo ng chicken





"Kaya nga eh, ang gaan sa pakiramdam na nakakaya ko ng mag open up sa iba, sainyo nga dati nahihirapan pa ako nun, pero kay Bea ang gaan sobra ang smooth ng pagkekwento ko" sabi ko at ngumiti




"Pero bes, kaya ka ba nakabusangot kanina dahil sa nag iba si Bea sa'yo simula kahapon?" Tanong ni Jia




"Parang ganon, kahit naman kasi busy siya nagpaparamdam naman siya pero simula kahapon goodmorning at goodnight lang hays." Malungkot na sabi ko at uminom ng juice .




I Can Say It's You Only YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon