Chapter 42

560 17 10
                                    

Jho's



Sa almost 2 weeks namin ni Beatriz eh wala namang problema may mga petty things kaming pinag aawayan pero hindi naman ganun ka big deal .. may tiwala ako kay Bea at alam ko sa sarili kong mahal ko siya kaya pagkakatiwalaan ko siya .. kaya nung nagpaalam siya sa akin na aattend siya sa small reunion nila with her college batchmates eh pinayagan ko kaagad my sariling buhay din naman siya ako din kaya pagkakatiwalaan ko siya sa lahat ..




"Oh! ineng may problema ka ba't ka nakabusangot diyan" tanong ni ate Ella sabay kasi kaming nag dinner late birthday celebration daw niya kasi nag Tagaytay sila ng family niya nung birthday niya ..




"Oo nga Jho, okay ka lang may sakit ka ba? Kanina ka pa matamlay" sabat naman ni Jia

"Wala naman ate Ells at Ji parang wala lang talaga ako sa mood ewan ko ba" sagot ko naman at sumandal sa upuan ..


"Baka naman dahil sa pinayagan mong mag party si Bea ngayon," sabi ni Jia habang kumain ng cake


"Hindi naman .. okay naman sakin na pumunta siya pero kasi simula kaninang umaga pagkapasok niya sa trabaho eh hindi na siya nag uupdate eh. Kahit naman anong busy nun hindi yun nakakalimot mag update" sagot ko at uminom ng juice ..



"Baka na busy lang Jho" sagot ni ate Ella

"Ate Ells, sabi niya 6pm sila pupunta doon eh .. 7:45 na wala pa ding update galing sa kanya nag aalala lang ako" sagot ko na nag aalala


"Antay ka lang Jho baka naman may rason .. may tiwala ka naman sa kanya di ba?" Seryosong nakatingin sa akin si Jia .


"Oo naman Ji alam ko namang hindi gagawa ng kagagahan yun si Bea eh" sagot ko sa kanya pero parang ang bigat talaga ng pakiramdam ko ..



"Yun naman pala eh,, hayaan mo muna yun baka may ginagawa lang" sagot naman niya at kumain na uli ..



Pero bakit ang bigat ng pakiramdam ko ang hirap huminga at parang sasabog ang puso ko at parang kumakalam ang tiyan ko kahit kakakain ko lang naman .. hays baka sobra lang talaga akong pagod  







Napagdesisyonan naman namin na umuwi na dahil ang sama talaga ng pakiramdam ko parang anytime aatake nanaman si kalabang asthma kaya kailangan ko na din magpahinga .



Pagkauwi ko sa bahay ay napansin agad nila Mama na sobrang tamlay ko kaya hinayaan na nila akong magpahinga na alam naman nila na kumain na ako .. pumasok na ako sa kwarto ko at ginawa na lahat ng night rituals ko para makapag pahinga na .. 




Kahit hindi ako nirereplyan ni Bea ay nag uupdate pa din ako.. kanina ko pa din siya tinatawagan pero walang nasagot .. baka kasi nawala niya cellphone niya oh ninakaw hays .. hindi ako mapakali ..  sobrang nag aalala talaga ako sa kanya ..





Alam kong anytime eh magpapanic attack na ako kaya hanggang kaya ko pang controlin ay ginagawa ko.. hindi to oras para magpadala .. alam kong okay lang si Bea at alam kong may rason kung bakit siya hindi nakaka update .. ahhh .. chat ko si Maddie o si Deanna..






Pagkatapos ko silang tawagan at e chat wala ring sumasagot .. ano bang nangyayari sa kanila. Alam kong sobrang OA ko pero hindi talaga ako mapakali .. syempre party yun so malamang may inoman...




Dahil hindi din naman ako makatulog eh .. nagpasya akong magbasa ng libro .. Tuesdays with Morrie by Mitch Albom ang naisipan kong  basahin .  Gumaan naman ang pakiramdam ko dahil na din sa binabasa ko .. siguro nag over react lang ako kanina kaya ganon ..





I Can Say It's You Only YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon