Chapter 31

524 21 3
                                    

Jho's



"Ate gising naaaaaaaa!" Sigaw ni Jaja sa labas ng kwarto

Ang aga naman... Inaantok pa ako eh. Kaya imbis na bumangon ay nagtalukbong ako ng kumot..







"Ateeeeee! Si ate Bea nanditoooo!" Sigaw niya na dahilan para mapabalikwas akong tumayo at dali daling bumaba at sa kasamaang palad napagtripan ako ng walangya kong kapatid..


"JAJAAAAAAAA! humanda ka sa akiiiin!" Sigaw ko at patakbong umakyat at tinungo ang kwarto niya pero dali dali din niya itong naisirado. Bwesit na batang to!


"Hahahahahaha! Si ate Bea lang pala makakagising sayo napaghahalataan kana ate" natatawang sabi niya sa loob habang ako hindi siya tinigilan lintik talaga naisahan ako .


"Humanda ka sa akin mamaya kalbo abot mo sa akin!" Pagalit kong sabi pero ang mokong tinawanan lang ako.



"Jho and Jaja! Mag ayos na kayo darating na sila Audrey ngayon maiiwan tayo ano ba kayo diyan!" Sigaw ni Mama na nasa kusina nag aayos ng mga pagkain na dadalhin namin



"Pagsabihan mo si itong anak mong biik ma! Pinagtripan ako!" Galit kong sabi habang pabalik sa kwarto ko. Pero tawa lang din ang nakuha ko . Pinagtulungan ba naman ako tsk.




Kaya naligo na ako at nagbihis inayos ko na din ang mga dadalhin ko. Bakit parang na eexcite akong lumuwas doon pero may kaba at takot din hays. Relax ka lang Jho kalma okay kumalma ka, hindi dapat invited si asthma at panic attack doon. Kaya ko to kakayanin !







"Tara na Jho! Ikaw nalang ang hinintay... sa byahe kana mag almusal kupad kasing kumilos eh" sabi ni Mama habang pababa ako.. nandito na pala sila Audrey, sila kasi may sasakyan kaya makikisakay kami .



"Uy Jho! Mabuti sumama ka? sa ilang taon nagkahimala din" bungad sa akin ni Audrey na pinsan ko


"Goodmorning din sayo Auds!" Sarcastic kong sagot sa kanya.. tinawanan lang ako ng gaga








Nang makapag settle na kami ay nagsimula na din kaming bumyahe.. habang nasa byahe naisipan kong e chat si Bea..




"Damulag? Good morning.. byahe na kami pa Manila, see you"-me




Ilang minuto pa bago siya nag reply.. kasi baka busy o baka bagong gising pa..


"Good morning too miss grumpy, sorry late reply I am reviewing some proposals kasi, yeah see you later don't be too excited huh ako lang to Jho haha"-_beadel





"Ang agang paghahangin Beatriz, sige na tapusin mo muna yan, pasensya talaga sa disturbo okay lang if hindi kana tumuloy mamaya pwede naman tayong gumala pagtapos kana sa work mo"-me




"It's okay Jho, don't be sorry okay? konti nalang din naman ang tatapusin ko after my 11am meeting punta agad ako sa place niyo"-_beadel



"Okay sige, see you bakulaw idlip lang ako antok pa eh"-me



"Okay sleepyhead"-_beadel






Hindi na ako nagreply sobrang inaantok pa talaga ako kaya natulog muna ako, doon nalang ako kakain....











After ilang oras sa byahe at stuck sa traffic dumating na rin kami.



"Ate gising na nandito na tayo" pukaw sa akin ni Jaja





I Can Say It's You Only YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon