Chapter 49

592 16 4
                                    




"Saan ba talaga ako?" Tanong ko habang palakad lakad ..

ang tagal ko nang nag iikot dito sa may dagat wala namang ibang tao ..









"Jhoana?" May biglang tumawag sa akin kaya napalingon ako ..










"Papa?"









Ang lakas tignan ni papa parang wala siyang sakit .. teka si Papa? So ibig sabihin ? .....


Bigla naman niya tinaas ang kanyang dalawang kamay na parang nagpapahiwatig ng yakap .. kaya dali dali akong tumakbo at niyakap siya .. ang tagal ko tong gustong gawin ..

"Papa.. miss na miss na kita sama na ako sa'yo" sabi ko habang nakayakap pa din

"Jhoana" mahinahon niyang tawag sa akin

"Hmmm" sagot ko habang ninanamnam ang yakap niya

"Kailangan mo nang bumitiw anak" sagot niya na dahilan para mapahiwalay ako sa yakap niya






"Huh?" Tanong ko habang nakatingin sa kanya .. ang gwapo na uli ni Papa hindi na maputla at payat ang pisngi





"Kailangan mo nang bumitaw Jho" sagot niya na nakangiti




"Saan po Pa? Hindi ko po kayo maintindihan?" Sagot ko at humawak naman siya sa kamay ko





"Kailangan mo na akong bitawan anak" sagot niya at nakangiti pa din





"Bakit po?" Tanong ko






"Kasi nahihirapan ka na Jho, alam kong masakit na iniwan kita pero kailangan ka nila anak kailangan na nila Mama at Jaja " sagot niya kaya naiyak nalang ako .





"Hindi ko po kaya pa, hindi ko po kayang wala ka" umiiyak kong sabi




"Kaya mo anak, kakayanin mo diba nangako ka sa akin na hindi mo sila iiwan?" Sagot niya habang nakahawak pa din sa kamay ko



"Sama na ako sa'yo pa napapagod na ako doon napapagod na akong umiiyak napapagod na po akong masaktan.. nakakapagod po ang mga tao doon gustong gusto nilang nasasaktan ako .. dito nalang ako pa kasama mo" sagot ko.. umiling naman siya





"Sigurado ka ba ? Kaya mo ba silang iwan ? Sila Mama at Jaja? Mga malalapit mong kaibigan? Si Bea?" Mahinahon niyang tanong at bakit kilala niya si ...




"Kilala niyo po si Bea?" Tanong ko ... Napatawa naman siya sa akin




"Diba pinakilala mo siya sa akin.. tapos palagi mo pa siyang binabanggit dati sa amin" sabi niya na kaya naalala ko .. si Bea ko ang Bea ko ...




"Ngayon sabihin mo anak kung kaya mo na bang sumama sa akin?" Tanong uli niya pero napayuko lang ako





"Bumalik kana Jhoana.. bitawan mo na si Papa anak" sagot niya at mas lumaki ang ngiti niya .. ngiting alam mong masaya at okay na siya .. 





"Papa" yan lang ang nasagot ko at umiyak ng umiyak .. ayaw ko siyang bitawan hindi ko kaya ..





"Bitawan mo na ako anak, kailangan ko nang umalis ang tagal ko nang nakatira dito para sa'yo kasi alam kong kailangan mo pa ako.. pero ngayon alam kong kakayanin mo na Jhoana kayang kaya mo ang buhay anak" sabi niya at hinawakan ang mukha ko at hinalikan sa noo ..





I Can Say It's You Only Youحيث تعيش القصص. اكتشف الآن