Chapter 12

548 16 0
                                    

Jho's

I'm on my way na sa Manila eto na Grand Alumni na hays hindi ako mapakali dito sa bus. Namamawis ako. Nagulat naman ako ng tumunog cellphone ko...

Pagtingin ko akala ko si Bea. Kagabi pa hindi nag chachat yun.  Hays

Sinagot ko ang tawag.... .

"Hello Maddie?"

"Jho where are you na? I'm on my way to the terminal na"

"Okay maddie malapit na din ako,  sorry talaga sa disturbo at tsaka salamat huh pwede naman ako nalang pupunta sa unit mo eh"

"Ano ka ba, okay lang i need to make sure na pupunta ka baka indianin mo ako no haha"

"Haha hindi no, sige maddie mag drive ka na mag ingat ka huh"

"Yeah Jho, you too."

At binaba na niya ang tawag kinakabahan na talaga ako ...


Pagbaba ko ng bus nakita ko kaagad si Maddie naka sandal sa kotse niya. Naku po pinaghintay ko pa. Lumapit ako at nakipag beso sa kanya pero yumakap siya sa akin. Ay ang bango po .

"Ah maddie sorry pinag antay kita huh. Nakakahiya naman sayo" sabi ko na nakayuko


"Hoy jho! Ano ka ba kanina ka pa sorry ng sorry. Okay nga lang no. And don't be shy na from now on we're bestfriends na" sabay yakap niya sa akin. I can see naman na she's sincere. So I return her hug and smile. May bago nanaman akong kaibigan .

"Okay jho let's Go, you can put your things sa likod" si maddie habang papunta sa driver seat.

Nilagay ko na sa likod ang gamit ko at sumakay na. Habang papunta kami sa unit niya. Dumaan muna kami sa isang fast food at nag drive thru nalang since hindi pa daw siya nakapag breakfast at tamad nadaw siya magluto. Nag uusap naman kami tinatanong niya ako ng random things at ako naman sa kanya parang gumaan na nga ang pakiramdam ko eh. Masaya siya kausap kalog din at ang cocorny ng jokes niya kaya napapatawa ako.

Nang makarating kami sa unit niya. Nag excuse muna ako para tawagan sila mama na nakarating na ako dito. At sinabi ko din na tatawag ako mamaya pag magpapasundo na ako. Pagbalik ko naghahanda na siya para kumain.

Kumain muna kami at nagpahinga 10am pa naman 6pm pa ang event at sabi ni Maddie by 2pm prepare na kami. Nagtaka nga ako bat ang aga mag prepare eh magbibihis lang naman.


"Ano ka ba Jho of course we have to be presentable naman no" sabi niya habang nakaupo sa couch niya at nakasandal ang ulo.

"Ah eh , magbibihis lang naman gaano ka ba katagal magbihis 3 hours?" Takang tanong ko na ikinatawa naman niya .

"Hahaha Jho you're so cute . Ako bahala sayo mamaya" sabi na na nakangiti sa akin at ng wink pa. Parang hindi ko gusto ang gagawin nito ah.




2pm na at nakaligo na ako. Naligo naman ako kanina sa bahay pero sabi ni maddie maligo nalang  daw ako para fresh. Kinakabahan ako sa binabalak niya.



"Can I see your outfit for later Jho?" Tanong ni maddie nandito kami sa kwarto niya habang siya naglalagay ng towel sa ulo kalalabas lng niya sa shower room ako nakaupo at pinagmamasdan ang room niya. Ngayon ko lang din alam na model pala siya.

Kinuha ko naman ang dress na binili namin ni Jia sa mall at pinakita sa kanya .. .

"Wow! Nice choice Jho, you have a good taste" sabi niya na naka smile . At nakatingin sa dress na pinakita ko 

"Ah eh ano..  si Jia ang pumuli niyan bestfriend ko since college" nahihiya kong sagot

"Ahh I want to meet her I think magkakasundo kami... Bagay na bagay to sayo." Sabi niya

"Soon maddie. Hindi ko nga alam kung kaya ko suotin yan ang ikli eh at tsaka ano hindi ako kumportable" kamot kilay kong sabi . Natawa naman siya

"You have to wear this, it's so bagay to you for sure. What shoes will you pair for this?" She ask

"Ah eh. Etong sneakers ko, hindi naman kasi ako marunong magsuot ng sandals o doll shoes lalo pa heels" explain ko naman at natawa nanaman siya. Nakakatawa ba ako .



"Ah okay, I think it's bagay din naman with your personality and para comfortable ka na rin" sabi niya at lumapit sa akin ..

"Okay so let's do this, upo ka na aayusan kita" she smile and wink at me. Hindi na ako ng protesta at umupo nalang .

Habang inaayusan niya ako. Hindi ko maiwasang itanong.......

"Maddie model ka pala ?" Tanong ko habang nakapikit

"Ah yeah, why jho?" Sagot niya na may pinapahid sa mukha ko

"Wala namn just asking hehe " sabi ko at

"Baka naman maging mailap ka niyan sa akin. Don't be okay? Trabaho ko lang pagiging model" pag aasure niya sa akin napansin ata niyang parang nahihiya nanaman ako.

"Ah eh okay maddie, sorry hindi ko lang maiwasan" sabi ko

"Ano ka ba, mas nakakabilib nga trabaho mo no, therapist tapos licensed teacher ka pa" pagpapalakas loob niya sa akin .. tumawa nalang ako at bumalik naman siya sa ginagawa niya.








After 3 hours tapos na din kami. Nangangawit nga ako sa mga ginagawa ni maddie sa akin. Kakapagod maging babae hays. Nakapag ayos na din siya ang ganda nga niya eh. She's wearing a royal blue sexy backless halter top dress and paired with silver stiletto heels. Sobrang sexy at ganda niya lalong bumagay sa big curls hair niya na naka ponytail. Na emphasize ang long legs niya at hubog ng katawan niya. Okay super model na dyosa talaga siya.

Nang makabihis na ako. Hindi makapaniwala si maddie sa itsura ko, eh hindi ko pa kasi nakikita ano itsura ko kasi sabi niya surprise daw. I am wearing  above the knee black fitted string dress and medyo loose ang neckline niya I paired with my white converse sneakers.

When I look at the mirror I can't recognize myself parang hindi ako. Ang galing ni maddie ginawa niya akong tao haha.

She curl my hair sa dulo and put a silver clip sa right side and leave my side bangs
And light make up lang since sabi niya bagay daw sa mukha ko ang no make up make up look. Ewan ko ba nalilito ako dun.

"Oh my God Jho! You look stunning, gumanda ka lalo pag inaayusan" lumapit siya sa akin at pinaikot ako

"Thank you maddie ginawa mo akong tao. Haha" sabi ko na ikinatawa naman niya sabay hampas ng mahina sa braso ko.

"No Jho it's your beauty the make up just enhanced it. And that sneakers? It so bagay to your dress. You look like a badass babe" sabi niya na namamahangha pa. Ako naman parang nahihiya ang ikli ng suot ko hindi ako sanay. Ano ba yan

"So let's go gorgeous let's flaunt that beauty of yours" sabi niya sabay abot ng kamay niya na tinaggap ko naman at sabay na kaming pumunta ng car niya . Pinahiram naman niya ako ng silver sling bag na bagay daw sa suot ko.

"Maddie mag dadrive ka na naka ganyan? " Tanong ko sakanya habang pababa kami

"No Jho, I call our personal driver para mahatid tayo" sabi niya .. mabuti naman ..

At sumakay na kami. Habang papunta sa venue hindi ko maiwasang hindi kabahan namamawis na kamay at kili kili ko. Relax jho !






A/N

Enjoy guys medyo sabaw na mga chapters ko pero sana magustuhan niyo pa din. God bless

I Can Say It's You Only YouTempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang