Chapter 1 - Enter Zhannie

86 3 0
                                    

[Zhannie Myr's POV]


Sabi nila, "Love isn't something that you find, it's something that finds you". So ano? Ginu-good time lang ako ng tadhana all this time?

Ilang lalaki na ba ang dumating sa buhay ko't iniyakan ko ng bonggang-bongga? lima? anim? pito? Jusko! Wala na ba talagang matinong lalaki sa mundo?!

"Thought you went home already, nandito ka lang pala." I heard a man's voice behind my back, umupo na rin siya sa tabi ko.

"Hindi, nandun ako sa banyo. Kaluluwa ko lang 'to." Inirapan ko siya kaya narinig ko ang mahina niyang tawa.

Uminom siya ng wine sa basong hawak niya bago nagsalita.

"'San nga pala date mo?" Umasim na naman ang mukha ko nang mapagtantong pinagloloko na naman ako ng lalaking 'to. "Akala ko ba-" Hindi ko na siya pinatapos sa pang-iinis niya.

"Magmamadre na talaga ako Jax!" Bulyaw ko sabay tungo sa counter, narinig ko na naman ang halakhak niyang nang-iinis nang mapagtanto niya kung ano na namang nangyari sa lovelife ko.

"Ilang beses mo na yan sinabi 'yang linyang yan Zhan, 'di mo 'ko maloloko! Hahahaha!" Kainis talaga 'tong lalaking 'to. Porque't masaya na siya't lahat-lahat, mang-iinis na siya?! Aba naman!

Ba't ko ba 'to naging kaibigan-este, kapatid ang kulugong 'to?

Yes po, opo! Kapatid ko po 'tong lalaking 'to. We're step siblings. His mom and my dad married years ago, elementary palang kami 'non. He's two years older than me, and before we became siblings, we were bestfriends.

Naramdaman ko ang pag-akbay niya sakin kaya napairap akong tumingin sa kanya.

"Cheer up Sis! Kakakasal ko pa naman, ngayon mo pa talaga trip mag drama? Tsk tsk." May pa-iling-iling pa siyang nalalaman "Ang pangit mo pa naman magdrama!"

Siniko ko siya sa tagiliran kaya napadaing siya ng mahina kaya sinamaan niya 'ko ng tingin, inirapan ko nalang din.

"Kung 'di 'ko lang alam na magkapatid kayo, talagang nagseselos na 'ko." Inirapan ko ang babaeng bagong dating na naka puting gown.

Tumayo naman ang mokong at ngumiti sa asawa niya't pinalibot ang kamay sa bewang ng babae.

Hinalikan din siya ng babae, kaya napairap na naman ako.

'Sa harap ko pa talaga kayo maglalandian?! Mamaya ka talaga Jax!'

"Where's my brother, Z?" Tanong niya habang naka angkla sa kapatid ko.

"Hanapan ba ako ng nawawalang kabayo?! Heller, malay ko ba't kung 'san lupalop tumakbo ang dakila mong kapatid."

Tawa at halakhak lang talaga ang malaking naambag ng mokong 'to sa mundo. Sinamaan ko siya ng tingin para maghunos-dili.

"Okay, okay" Sambit niya habang nakataas ang dalawang kamay nang makita akong masamang nakatingin sa kaniya at tumikhim, "Hayaan mo na, love. Nag mo-move on pa kasi yan... ulit" Unti-unting nagbago ang mukha ng asawa niya nang makuha ang sinabi ni Jax.

"Oh my!" 'Di ko talaga gusto 'tung babaeng fishlips na 'to, kaya napairap na naman ako.

Kapatid niya kasi ang lalaking kabayong naging recent boyfriend ko. Pag nalaman ko talagang pagtataksilan niya ang kapatid kong mokong gaya ng ginawa ng kapatid niyang mukhang kabayo, naku! Makakakita talaga siya ng dyosang pinaglihi kay satanas!

The Mafia Boss' WifeWhere stories live. Discover now