Chapter 18 - Foggianas

22 3 3
                                    

[Jax's POV]


"Umuwi ka na muna kasi, ang tigas ng ulo, Z ah!" Kanina ko pa pinipilit na pauwiin 'tong babaeng 'to dahil ang dungis na niyang tingnan at punit pa ang suot. Dagdagan pa ng  mantsa ng dugo sa malaking coat na suot niya na sa tingin ko ay galing sa asawa niya.


"Ang tigas din ng bungo mo, sabi ko dito lang ako!"


"Zhannie, listen to Jax. You look like a mess yourself." Dagdag pa ng asawa ko pero hindi parin tumalab dahil nanatiling nakasandal si Z sa pader habang naka upo at nakapikit ang mga mata. "Sige na habang tulog pa ang asawa mo."


"Tsk. Nahiya naman ko sa mukha mo, Amyra."


Pambihira talaga ang tabas ng dila ng babaeng 'to, kung 'di ko lang 'to kapatid baka nasapak ko na. Pero dahil sabay kaming lumaki, nasanay narin ang tenga ko sa ingay niya. At isa pa, laking pasalamat ko na rin at naiintindihan siya ng asawa ko.


Napahilot nalang ako sa sentido ko dahil sa katigasan ng ulo ni Z. Kung hindi pa kami dumating, ano nalang kaya ang nangyari? Sure, de Vill and his men would've handled those bastards smoothly pero ibang usapan na basta damay ang kapatid ko. This is what I wanted to point out to my parents, Tsk.


Alam ko kung gaano ka makapangyarihan si de Vill, given his reputation as a brutally ruthless and bloody mafia boss underground, there's no question about his strength pero hindi niyo parin ako masisisi kung inaalala ko lang ang kapakanan ni Z. Sinusundam pa naman 'to ng kamalasan, mahirap na.


Kulang na nga lang at tumalon ako sa bintana nung mabalitaang nabaril siiya nung isang gabi para lang mapalipad ang sasakyan papunta sa kanila pero pinigilan ako ni Amyra at nila Dad. Tapos yung kanina... Aish!! 


"Hindi magugustuhan ni boss makita kang ganyan, Z." Napalingon kami ni Amyra sa kapatid niyang nagsalita habang nagbabalat ng mansanas sa gilid ng walang malay na asawa ng kapatid ko. Yung iba nilang kasama nasa kabilang kwartong connected nitong silid namin. "Baka nga hindi niya bubuksan ang mga mata niya para saiyo kung makita ka niyang ganyan"


Parang robot na otomatikong napamulat si Z nang marinig si Andrei. Tumayo ito at masamang tumingin at umirap sa kanya habang kinukuha ang coat na nakapatong sa may sofa.


"Kelan pa ako nagka-pake sa kagustuhan niyang lalaking 'yan?" Masungit na saad niya habang nakakunot ang noo at masamang tiningnan ang kapatid ng asawa ko.


"Go on, Z. We'll call you once he wakes up."  Pagpilit ni Amyra. Hindi ko mapigalang mapangiti dahil sa pinapakita ni Z. Kahit na anong sabihin niya, halata namang kabaligtaran ang nararamdaman niya. 


Napailing nalang ako nang nag martsa siya papuntang pintuan. 


"Duh, may nakalimutan lang ako no! Hasta luego!" Malakas niyang sinara ang pinto at hindi namin mapagilang mapatingin sa isa't-isa, sigurado akong isa lang ang nasa isip namin.


 Nahuhulog na ang loob ni Z.


And I don't know... I'm not sure if it's good or not.

The Mafia Boss' WifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon