Chapter 11 - Gone and... Gun?!

25 3 0
                                    

[Vhone's POV]


"Naks! Iba talaga nagagawa ng pag-ibig!" Patawang sambit ng gagong Maxiel habang naka-upo at naka de kwatro dito sa base namin.


[I will not think f*cking twice to f*cking shot that head of yours if something happens to that damn woman, Barlowe!] Mabigat na bigkas ni bossing sa kabilang linya. Napakamot tuloy ako ng ulo. Ano ba naman 'to, ang gwapong 'to? Gawin daw ba naman akong body guard? Naririnig ko ang mahinang tawa ng mga gagong Andrei, Max at Xan kaya sinamaan ko sila ng tingin. [Do you have any f*cking problem with that?]


"Sinabi ko bang meron, bossing? He-he"


[I can f*cking hear you as*holes!] Isa-isang tumikhim ang mga ulol nang marinig si bossing. Hahaha bilis bumalik ng karma! 


"Hab  a safe trip boss!" - Max

"Kung puno na po ang eroplano, ihulog niyo lang yang gagong Phyn na na yan boss!" - Andrei

"Bawal mangchicks!" - Xantus


[F*cking d*ckheads!] Rinig kong sambit ni bossing nang matapos ang mga kantiyaw ng mga gagong 'to saka binaba ang tawag. Asus! Ang tapang-tapang pagwala si boss, eh daig pa nga ang tuta pagkaharap! Tsk tsk.


Tumayo si Max sa pagkakaupo at lumapit sa pwesto ko. Naks! Medjo kinilabutan ako sa pagngisi niya, tanginang baklang 'to! May binigay ito saakin. "Paano ba yan? Natapos na 'ko sa binilin ni bossing! Una na 'ko mga ulol!" Sambit niya habang papaalis at nakangisi parin. Siraulo amputa!


"Gago!" Singhal ni Xantus at tumayo na rin saka sumunod kay Max "Una na rin ako!"


Tatayo na sana si Andrei nang inunahan ko siya "Hep hep! Ako muna!" Saka lumabas na't nagtungo sa bahay nila bossing.


Kaninang madaling araw umalis sina bossing at Javier, kaya't binilin niya saamin ang amazona niyang asawang pinaglihi sa tigre. Bilib nga 'ko sa kanilang dalawa eh. Akalain niyo 'yon? Natatagalan nila ang isa't-isa? At isa pa! May nahahalata na ko! Kaya pala medjo bad mood si bossing noong mga nakaraang araw dahil hindi sila magkatagpo-tagpo ni Miss Zhannie. Hahaha Iba talaga ang kamandag ng isang de Vill!


Nang marating ko ang mala-palasyong bahay nila bossing, pinagbuksan ako agad ng mga tauhang nagsisilbing gwardiya at sumaludo, tinanguan ko rin sila. Iba talaga basta gwapo! Mga miyembro rin kasi sila ng grupo namin. 


Nang makababa ako sa sasakyan, agad kong tinungo ang main door at pumasok. Wala silang katulong pero may pinapapunta rin naman si bossing para maglinis dalawang beses sa isang linggo. Tinungo ko ang elevator ng bahay at pumunta sa ikalawang palapag. Siguradong hindi pa nagiging si Miss Zhannie.


Nang bumukas ang elevator ay sakto namang paglabas ni Miss Zhannie sa kwarto ni boss. Teka nga-- kwarto ni bossing?! Langya! Hindi nga kami makapasok-pasok diyan sa tanginang kwartong yan, pero siya?? Sabagay asawa niya naman pero iba na 'to ah! Napangisi ako sa isip dahil halatang nagulat siya.


"Nasaan 'yong lalaking pinaglihi sa sama ng loob?!" Galit na bungad niya saakin at nagmartsa papalapit. Takte! Napahakbang ako sa kaba, may lahing tigre talaga 'tong babaeng 'to! Ba't ako pa talaga pinili ni bossing magbantay sa kanya? Pwede naman 'yong ex niyang kabayong manloloko? Nakakahalata na talaga ako kay bossing! Sige lang, iba talaga basta't peyborit! Pero takte! Ang bangis ni Miss Zhannie!!

The Mafia Boss' WifeOnde as histórias ganham vida. Descobre agora