Chapter 17 - 3 Shots

24 2 1
                                    

[Zhannie Myr's POV] 


Kinakabahan kong tiningnan ang papalayong pigura ng Quir na unti-unting natatabunan ng mga puno. I heard shots not far from here kaya hindi ako mapakali. 


There were a lot of cars following us earlier at sumulong mag-isa ang demonyong lalaking 'yon. Feeling hero, amputa!


With a heavy breath, tiningnan ko ang kamay kong nakahawak sa baril na kinuha ko sa glove compartment nitong sasakyan niya.


Damn it! I can't be as useless as years ago! And isa pa, sa tingin talaga ng lalaking 'yon susundin ko ang mga pinagsasabi niya? Huh! Asa siya!


Dali-dali akong yumuko nang may nagpaputok sa direksyon ng sasakyan na tumama sa bintana sa gilid ko. Buti talaga't bullet proof 'tong sasakyang 'to, kundi baka nakahilatay na ang gold kong kokote ngayon. Ang swerte naman ng mga gagong 'to pagnagkataon.


Tiningnan ko ang direksyon kung saan galing ang bala at huminga ng malalim. Pumikit ako ng konti para kalmahin ang sarili ko. There's this sudden gush of emotions overcoming me. Adrenaline? 


Nang nagpaputok ulit ang siraulong nagtatago sa mga puno ay agad kong binuksan ang pintuan ng sasakyan at pinaputukan ang direksyon kung saan nanggaling ang bala. Nakita kong may bulto ng taong nahulog mula sa taas ng puno sa hindi kalayuan. Unang tingin, hindi mo aakalain may tao dahil madilim ang paligid.


Tumingin-tingin pa ako sa paligid at nakiramdam habang nakaupong nakasandal sa labas ng kotse. I can sense people surrounding me, nasa kabilang gilid sila ng sasakyan. Maybe around six people are hiding in the dark.


Huminga ako ng malalim bago lumabas sa pagkakatago at isa-isang pinaputukan ang mga tarantadong sumunod saamin kanina.


What do they want?


Isa-isang nagsipaghulugan ang mga taong nagtago sa ibabaw ng puno, habang dalawa naman ang natumba mula sa pagkakatago sa likod ng mga naglalakihang kahoy.


Pinakiramdaman ko ulit ang paligid to make sure na wala nang mga asungot ang nakatuon dito. Good thing ang nahablot kong baril ay may silencer, kundi baka nagsipag-unahan na ang mga kasamahan ng mga 'to nang marinig akong bumaril.


Binuksan ko ulit ang sasakyan at kinapa ang glove compartment para kumuha extrang magazine, hinablot ko ang dalawang double-stack. Buti nalang at may bulsa 'tong bestidang suot ko. Dali-dali kong nilagay sa magkabilang bulsa ko ang dalawang double-stack na kinuha ko saka sinara ang sasakyan at naglakad sa direksyon kung saan nawala sa paningin ko ang lalaking demonyo.


Tsk! Birthday pa naman niya ngayon. May mga tao talagang paepal sa buhay no? And isa pa, seriously? hatinggabi na no! Mga alagad ni dracula lang ang peg? Hindi man lang makahintay mag umaga, pambihira!


Binilisan ko ang mga hakbang nang unti-unting lumalakas ang tunog nga mga putukan. Maingat ang lakad na ginawa ko habang palinga-linga sa paligid. 


May bulto akong nakita sa di kalayuan na nagpapaputok sa iba't ibang direksyon na sinundan naman ng tunog ng mga pagbagsak ng mga pinatamaan niya. Likod palang alam ko na ang may ari niyan.

The Mafia Boss' Wifeजहाँ कहानियाँ रहती हैं। अभी खोजें