Chapter 6 - We're Married?!

29 3 0
                                    

[Zhannie Myr's POV]


Ba't ko ba to ginagawa?

Tanong ko sa sarili ko habang nakatingin sa repleksyon ko habang inaalala ang mga nangyari kagabi.


Sabi ko ayaw ko eh, pero parang may something. I mean, hindi pa ganon ka established yung kompanya ko, pero aaminin kong believe na believe rin ako sa progress ng Aackley dahil as short as 3 years, lapitin na ito ng mga foreign investors and talagang binabantayan. But compared to my dad's business, 'di ko naman kinakahiyang aminin na walang-wala pa rin ako sa katiting na galing ni dad. Aside kasi sa company na namana ni dad sa lolo niya, nakapagtayo rin siya ng kaniyang sariling business at ngayon ay tinutulungan din siya ng kapatid kong monggoloid.


Napabuntong hininga nalang ako, still having second thoughts kung tutuloy ba ako sa lakad o hindi. Lumabas muna ako sa kwarto at tinungo ang mini bar dito sa condo ko, I grabbed some moscato and opened the mini balcony in my room at nagpahangin.


I was honestly taken aback nung sinabi ni Mr. de Vill mismo na gusto niyang bilhin ang kumpanya ko. Like, who would buy a newly established business? Teka nga, pinapamukha niya ba saakin na mas mahahandle niya yung company ko better than me?! Aba lang ah!


May sense din naman, kasi he started way early in the field of business at talagang kilalang-kilala siya internationally, but his profile's being kept private kaya kahit anong sikat niya pa, 'di niyo ata ako masisisi kung hindi ko siya nakilala kagabi. Ako rin naman ah! Kaya lang, hindi ako ganun ka competitive compare to the Perovega and de Vill, namana ko ata ni dad. Sapat na saamin ang kung anong meron kami, and si dad naman, sapat na rin sa kanya ang mapabilang sa top 5 companies world-wide.


Napatingin ako sa loob nang marinig ang ring ng phone ko kaya I went and grab it. It's an unknown number, pero parang may kutob na 'ko kung sino 'to.


"Hello?"


[Magandang hapon galing sa inyong makisig at gwapong tagapaglingkod, Miss Zhannie!] Boses pa lang mapapairap ka na talaga, kahit kailan ang ingay talaga ng lalaking 'to. Nakalunok ata 'to ng turotot eh. [Narito na po ako sa labas ng condo niyo] Agad naman akong napatingin sa pinto dahil sa sinabi ni Vhone.


Tiningnan ko ang wrist watch kong Graff Diamonds The Fascination na worth $55  million. "And who told you I'm going?" May one and a half hour pa naman bago yung meeting time namin ni Mr. de Vill.


[Dahil po, nakabihis na 'ho kayo.] Huh?


Pano nalaman ng mokong na 'to na nakabihis na 'ko? Wala namang cc- oh yeah right, I had a cctv installed here just in case. But duh! Don't tell me na hack niya or what? Stalker ba sila? Parang nagbabago na ang tingin ko sa kanila ah.


Manyak ba sila? Or sadyang gagawin nila lahat para lang makuha ang gusto nila? Aba! Wag ako, talagang makakatikim sila sakin.


Dali dali kong kinuha ang purse ko after closing the balcony. I settled my wine glass sa counter ng mini bar ko at padabog na tinungo ang pinto.

The Mafia Boss' WifeWhere stories live. Discover now