Chapter 16 - 'Her' (Part I)

33 2 0
                                    

[Zhannie Myr's POV]


"Bakit nandito parin yang mga 'yan?" Tanong ko habang naka tingin sa mga lalaking feeling buntot ni Quir na nandito sa sala, naglalaro ng chess habang nagkalat ang mga kahon ng pizza sa paligid.


Anong tingin nila sa bahay nitong lalaking katabi ko? Gubat? Pugad ng mga unggoy? Jusko! 'Ke yaman-yaman, ang burara't ang kakalat-kalat! Sino nga ulit ang mga lalaking 'to?


"Nahh, just let them." Patay malisya niyang sagot habang ngumunguya parin. 


Napaikot nalang ang mga mata ko at hinayaan siyang kumain. Nakailang sandok na ba itong lalaking 'to? Parang umabot na kami ng isang oras dito sa hapag at parang vacuum lang ang tiyan ng demonyong 'to, at talagang hindi pa tumitigil. 


Hindi nga halata sa katawan niya na ang lakas kumain eh, saan nga pa napupunta ang lahat ng kinain nito? 


Nahiya naman ako, konting subo pa nga lang ng kanin feel na feel ko na agad ang bilbil ko, tsk. Napakalaking SANA ALL talaga!


Napatingin ako sa relo, maghahatinggabi na pala pero dahil siguro at tulog ako ng mahigit isang araw, hindi ako nakaramdam ng antok. Ang mga mokong naman, ayon nagsisiyahan pa habang umiinom. 


Nakita kong tumingin sa direksyon ko ang manlolokong kabayo at nagtagpo ang mga mata namin, kaya tinaasan ko siya ng kilay. Ngumisi lang naman ito bilang tugon saka umiling bago naglaro ulit.


"Why are you keeping an eye on them?"


"Bakit, masama ba?"


"Nahh"


Tiningnan ko siyang uminom ng tubig. Sosyal talaga 'tong demonyong 'to, kahit pag-inom ng tubig, mayaman tingnan. 


Tumayo ito, kaya tumayo na rin ako para kunin ang pinagkainin nito. Wala pa namang katulong dito sa mala palasyo niyang tirahan, nahiya naman ako. Baka isipin ng isang 'to, magbubuhay prinsesa ako rito sakay sa kayamanan niya, huh.


Nauna siya't nanghugas ng kamay sa kusina, kaya't nilagay ko ang mga dapat hugasan sa gilid. 


"You don't have to do that."


"At bakit?" tanong ko while raising a brow


"I got you for a wife, not for a maid."


"At sinong maghuhugas nito, ikaw?"


"Nahh" Nagpunas muna ito ng kamay bago umalis sa kusina. Napailing nalang ako, ang gulo talaga kausap ng adik na 'yon. Ayaw niyang maghugas ako ng plato, tinanong ko kung gusto niyang siya ang maghugas tapos iiwan ako dito? Tsk! Ang hirap umiintindi ng asawang demonyo, as in!


Babanlawan ko na sana ang mga hugasin nang makarinig ako ng mga paang nagmamadaling naglalakad papunta sa kusina.

The Mafia Boss' WifeWo Geschichten leben. Entdecke jetzt