JOB FOR JOBLESS I

240 16 2
                                    

Job for jobless I

PRAIREI

Wind blows and tranquility of the place is what I could feel right now. Nagkaroon din ng payapa ang pakiramdam ko ngayon. Malayo ang tinakbo ko kanina. Mula sa 13th street, nakarating ako ng Sarino City.

I am currently hiding in the dark alley of this two building. Wind passes here inside and I could only hear now is my deep breaths. Sa layo ng tinakbo ko, nakarating ako rito? Tuloy-tuloy lang ang takbo ko kanina pa at hindi humihinto dahil may humahabol sa akin.

Puno ng pasa ang kamay ko dahil hindi ako tinatantanan ng mga humahabol sa akin. Hindi ko matandaan ang kasalanan ko sa kanila dahil araw-araw akong stress sa buhay ko.

Dahil hindi ako tinatantanan, sinuntok ko ang tatlong lalaki na pinadala sa akin upang patayin ako. Kanina lang din, habang tumatakbo ako ay hinabol pa ako ng aso na hindi ko rin alam kung saan nanggaling.

Napatumba ko naman ang tatlong lalaki na akala ko ay mas magaling pa sa akin pagdating sa suntukan. I’m good in combats because I trained well before. Three years ago, my grandfather trained me in physical combats. My strength is enough to knock them down.

Napaupo ako sa sobrang pagod. Hindi ko na alam ang gagawin ko ngayon dahil may trabaho ako.

Labing-siyam na taong gulang ay nakatapos ako ng pag-aaral. Simula elementarya ay hindi ako nag-aral sa pampublikong paaralan o sa pribadong eskuwelahan. Hindi ako pinayagan ng mga magulang ko na mag-aral sa labas kaya hindi ko alam paano makihalubilo sa mga tao.

Sa edad kong labing-apat, namatay ang Papa ko sa sakit na mayroon siya. Nalugi ang negosyo namin at naubos ang kalahati na naipon ng papa ko dahil sa mga gamot at operasyon. Hindi kinayanan ng kaniyang katawan ang operasyon at wala kaming magawa kundi ang tanggapin iyon.

Pagkatapos ng isang taon, namatay ang Lolo ko. Paggising ko ay nakita na lang namin siya sa kuwarto niya na hindi humihinga o gumagalaw. Ang natira sa naipon ay ginastos sa panglibing niya.

Tinuloy ko ang pag-aaral ko kahit hindi ako nag-aral sa labas. Sa lugar namin at sa buong lugar na ito, required ang mag-aral kahit sa loob lang ng bahay. Bibigyan nila kami ng diploma o certificate na nagpapatunay na graduate na kami.

Sa edad kong labing-siyam, nakatapos ako ng kursong education at kasalukuyan na nagtratrabaho sa isang kompanya bilang isang journalist. Mahilig ako kumuha ng litrato tungkol sa mga krimen. Kadalasan ay iyon ang pinapasa ko sa kanila dahil iyon ang kailangan dahil tungkol iyon sa media.

Marami na rin akong nakuhanan na mga litrato ng mga artista o sikat na tao. Pumupunta kami sa event kasama ang editor-in-chief ng kompanya.

Dahil isa akong photographer. Bukod pa roon, nagsusulat ako ng mga istorya tungkol sa mga nakikita ko sa araw-araw. Medyo non-fiction ang ginawa kong iyon at malapit na rin matapos. Marami rin akong na-video-han na mga misteryong bagay gamit ang camera ko.

I looked at my wrist watch as my eyes widened in disbelief. I'm now late to my work!

Late na ako sa event na pupuntahan ko ngayon. Mayroong masquerade ball na magaganap ngayon. Hapon sila nag-ayos at gabi ang simula. Ilang minuto na lang at kailangan ko na dapat makarating doon.

I'm thankful that I'm still looking good tonight. Hintay ako nang hintay ng taxi pero walang humihinto. Lahat ay siguradong puno dahil uwian na ngayon sa kani-kanilang mga trabaho. Sunod-sunod naman ang pag-bukas ng streetlights dito sa city at napakaraming tao na rin ang tumatawid ng kalsada.

Ilang minuto ang lumipas at wala pa ring humihintong sasakyan. Limang minuto na lang at kapag wala pang huminto siguradong papagalitan na ako.

Palakad na sana ako upang umalis pero may humintong itim na sasakyan sa harapan ko. Makintab pa ang sasakyan at halatang mayaman ang may-ari. Hindi ko alam kung bakit huminto ang sasakyan sa harapan ko.

Themis Corporation: Pandora 1 (Will Under Revision)Where stories live. Discover now