Chapter Ten

555 36 2
                                    

Chapter Ten

LUSH,

"Ughh . . . Sakit ng ulo ko." Reklamo ko habang pababa ng hagdan. Magkasabay kami ni Clau.

"Akala ko katapusan na ng buhay ko kanina." Saad ni Clau na hinihilot ang kan'yang sentido.

Hindi lang reklamo naming dalawa ang naririnig ko kundi pati na rin ang mga kaklase ko na kasabay namin sa pagbaba ng hagdan. Nagpa-quiz kasi ang teacher namin sa Statistics ng hindi naman niya itinuro. Hindi kami makareklamo dahil ang dinadahilan n'ya lang, hindi kami nakinig kaya wala kaming natutunan. Saka anong matututunan namin, e, hindi nga s'ya nagturo. Hindi lang sa quiz sumakit ang ulo ko pati na rin sa teacher naming ulyanin.

"Hindi ko alam kung magkaka-score ba ako sa lagay na 'yon," saad ko na sinang-ayunan ni Clau.

Dumaan kami sa classroom ni Ashley para isabay s'ya sa pagkain ngayong break time.

"Hi," bati ko ng makalabas s'ya sa classroom n'ya. Sinamahan ko pa iyon ng matamis na ngiti.

"Hi," ganti n'ya at ngumiti rin.

Magkakasabay kaming nagtungo sa canteen para bumili ng makakain pero mukhang late na kami dahil halos lahat ng table, occupied na. May mga estudyante din na nandito, pero iba ang uniform nila. Nang tanungin ko si Clau kung saan galing ang mga 'yon sinabi n'yang dito rin sa school namin, pero ibang course. Ngayon lang nagkasabay ng break time kaya siguro ngayon  ko lang din sila nakita.

"Clau, here." Mula sa gitna ng mga estudyante ay may nagtaas ng kamay. Dumako ang tingin ko doon at nakita si Calyx na kumakaway.

"Dito na kayo," muli n'yang saad.

Tumingin sa 'kin si Clau, mukhang gusto n'yang malaman kung okay lang ba sa 'kin na maki-share ng table kaya tumango na lang ako at naglakad patungo sa direksyon kung saan sila nakapwesto. Naupo ako sa tabi ni Calyx samantalang si Clau at Ashley ay magkatabi na nasa harap namin.

"Thanks." Inilapag ko ang hawak na tray sa ibabaw ng table. Tiningnan ko ang tatlo pang lalaki na nadatnan na namin sa table kasama ni Calyx. Una kung napansin ang lalaking may kulay purple na buhok. Hindi naman s'ya mukhang napag-iwanan ng panahon at in fairness bagay sa kan'ya ang gano'ng kulay.

"Nga pala, alam ko namang kilala n'yo na si Clau at Ashley," Panimula ni Calyx na tinanguan lang no'ng tatlong lalaki.

"Except for him." Tinuro ako ni Calyx. "His name's Lush. We met yesterday at their house," pakilala ni Calyx sa akin sa mga kaibigan n'ya. Pansin ko ang pag-angat ng ulo no'ng lalaking may purple na buhok at ang pagkunot nito ng noo habang nakatingin sa 'kin. It's like he's remembering something.

"Diba s'ya 'yo — " hindi na n'ya naituloy pa ang sasabihin n'ya dahil mabilis ng tinakpan ng lalaking katabi n'ya ang kan'yang bibig. Naiwan sa ere ang kamay nito habang itinuturo ako. May ibinulong sa kan'ya ang lalaki bago s'ya nito binitawan.

"I'm Ryle," pakilala no'ng lalaking nagtakip ng bibig do'n sa lalaking may purple na buhok.

"Josh hehe." Awkward na tumawa 'yong lalaking may purple na buhok.
Sumunod namang nagpakilala 'yong isang lalaki na kanina ko pa napapansin na pangisi-ngisi tuwing mapapadpad ang tingin ko sa gawi n'ya.

"Xyler here," he said while raising his two fingers.

Umangat naman sa kan'yang pagkakaupo si Calyx at lumipat ng pwesto dahilan para kumunot ang noo ko, pero hindi ko na lang iyon pinansin at nagpatuloy sa pagkain ng salad. Ilang sandali pa isang palad ang humawak sa aking balikat. Tumingala ako para makita kung sino ang bagong dating.

"You're late again," puna ni Xyler sa bagong dating. Hindi nito pinansin ang sinabi ni Xyler at umayos nang upo sa tabi ko. Humarap s'ya sa 'kin at ngumisi. It's Sean.

KISS BUDDY (completed)Where stories live. Discover now