Chapter Twelve

538 28 2
                                    

Chapter Twelve

LUSH,

11:15 am. Sa ikasiyam na pagkakataon muli kung tiningnan ang oras sa screen ng aking cellphone bago ibinalik ang tingin sa guro naming nag-didisscuss sa unahan. Meron pa kaming 15 minutes bago matapos ang klase at hindi na ako makapaghintay. Kanina pa ako niluluha sa antok at hindi ko na rin mabilang kung ilang beses na ba akong humikab. Statistics ang subject namin ngayon at hindi ko alam kung mahirap lang ba o bobo talaga ako dahil wala naman akong maintindihan.

Tumingin ako sa board kung saan nakasulat ang napakaraming examples at para akong nahihilo dahil sa dami ng numbers na sinamahan pa ng letters. Sino ba kasing naka-imbento ng math na may mga letters? Kung gusto n'yang pahirapan ang sarili n'ya dapat hindi na s'ya nandamay ng iba. Nakakainis naman.

Ipinatong ko sa aking baba ang palad ko bilang suporta habang nakatingin sa screen ng cellphone ko, binibilang ang bawat segundong lumilipas, pero the more na nakatitig ako sa oras feeling ko mas bumabagal lang 'yon. Napabuntong hininga na lang ako at nagdasal sa isip ko na sana tapusin na ni Ma'am ang discussion n'ya.

"Good morning, Ma'am." Natigil sa pagsasalita ang teacher namin at agad na napaharap sa likod kung saan naroon ang pinto kasabay ng paglingon din ng mga kaklase ko. Ako lang yata ang hindi lumingon dahil maging si Clau ay napalingon din.

"Mag-a-announce lang po," Rinig kung sabi ng isang babae.

"Sure, go ahead." Pumunta sa gilid ng classroom ang teacher namin at hinayaan na tumayo sa unahan ang isang lalaki at dalawang babaeng estudyante.

"Good morning, everyone. So, dance club is conducting a search for people who have a passion for dancing. Ito ay para sa darating na founding anniversary ng ating school na gaganapin at the end of this month. May willing ba sumali?" Announce no'ng babaeng mahaba ang buhok. Nakasuot s'ya ng glasses at malambing din ang kan'yang boses.

"Kung sasali kayo excuse na kayo sa  inyong PE subject at ang grades na ibibigay sa inyo ay ibabase sa pagpaparticipate n'yo sa practice," Dagdag naman nung nag-iisang lalaki na kasama nila.

Bigla akong natigilan ng may alaalang pilit ko ng kinakalimutan ang bigla na lang lumabas sa isipan ko. Naririnig ko ang pagtuturuan at tanggihan ng mga kaklase ko. Mukhang walang may balak na sumali.

"Si Lush po sasali," narinig kong sigaw ni Clau sa tabi ko. Naramdaman kung hinawakan n'ya ang braso ko at itinaas iyon.

"H-Ha?" Wala sa sariling tanong ko. Lumingon ako kay Clau, na ngayon ay napakalapad nang ngiti, pero hindi s'ya nakatingin sa'kin kundi doon sa tatlong estudyante sa unahan.

"He's really good at dancing," dagdag pa n'ya.

Nang ma-realize ko kung ano ang sinabi at ginawa n'ya ay agad kung hinila ang braso ko sa kan'ya. Nalilito kung sino ang titingnan ko, kung si Clau ba o 'yong mga estudyante na nasa unahan.

"Hindi — " Naputol ang pagsasalita ko ng sumingit ang babaeng may suot na salamin ng sabihin nitong nakalista na ako.

Hindi na ako nakapagsalita pa at inis na napabuntong hininga. Sinabi nung babae na pumunta na lang ako sa band room para sa audition mamayang hapon pagkatapos ng klase saka sila umalis para maghanap pa sa ibang section. Limang minuto na lang ang natitirang oras kaya hindi na ipinagpatuloy ng teacher namin ang discussion at nagpasyang i-dismiss na kami para makakain nang lunch.

Magkasabay kaming bumaba ni Clau. Hindi ko na naintindi ang inis na nararamdaman ko para sa kan'ya dahil sa ginawa n'ya ng makita ko si Ash ng daanan namin s'ya sa kan'yang room. Tanging pagwawala na lang ng mga alaga ko sa t'yan ang naintindihan ko. Nawala na rin ang antok na kanina'y wari ko'y gusto ng magpaluwa sa aking mata. Dismissal lang pala ang magpapawala no'n.

KISS BUDDY (completed)Where stories live. Discover now