Chapter Fifty Four

212 15 6
                                    

Chapter Fifty Four

MANILA, PHILIPPINES

6 YEARS LATER

LUSH,

HALO-HALONG emosyon ang naramdaman ko nang makababa ako sa eroplanong sinakyan ko. Pakiramdam ko sasabog ang aking puso sa labis na kasiyahan. Sumabay pa ang pagkasabik at kaunting kaba sa aking dibdib.

Pagkalipas ng anim na taong pamamalagi sa London, ngayon, muli akong nakabalik sa sariling bansa kung saan ako ipinanganak at lumaki.
Saglit akong huminto sa paglalakad at lumanghap ng hangin na kahit polluted ay nakaka-miss pa rin naman kahit papa'no. Hinubad ko ang suot na trench coat at isinampay iyon sa kaliwa kung braso dahil kanina pa ako pinagpapawisan sa init. Kinuha ko ang tinted brownline glass shades sa bulsa ng dala kung weekender bag at isinuot iyon.

Puno ng tao ang arrival area ng makarating ako roon. Siksikan, mainit, at magulo dumagdag pa ang mga sign board na kanilang dala para mas madali silang makita ng kanilang susunduin, pero kita sa kanilang mukha ang saya dahil muli na nilang makikita at makakasama ang kanilang anak, magulang, kaibigan, asawa, o kasintahan na matagal na nalayo sa kanila, na matapos ang mahabang panahon na paghihintay at pangungulila ay muli nilang masisilayan at mahahawakan ang mukha ng mahal nila sa buhay.

Iginala ko ang aking paningin sa mga taong nandito. Inisa-isa kung tingnan ang mukha nila at isa-isang binasa ang mga nakasulat sa mga papel o malaking illustration board na kanilang hawak hanggang sa natapat ang aking paningin sa hindi kalakihang cardstock kung saan nakasulat ang mga katagang 'WELCOME HOME, CHEATER-ESTE DOCTOR!'.

I looked at the girl holding the cardstock. She has a jaw-length hair, wearing a printed v-neck tucked in a wide leg pants. Beside her was a man taller than her. He has a dirty blonde color of hair, and some cute beard grow on his face.

"ALEX!" Sigaw ni Clau nang makita ako sa harap nila hindi kalayuan. I gave her a full smile and slowly walk towards them. Isinalampak niya ang hawak na cardstock sa dibdib ni Calyx at tumakbo na para salubungin ako.

"Alex!" She cried. Nabitawan ko ang dala kung weekender bag at ang trench coat na nakasampay sa braso ko nang dambahin n'ya ako ng yakap. Tumabingi pa ang suot kung shades ng matabig iyon ng buhok n'ya.

I looked at Calyx over Clau's shoulder, he gave me a half smile. Ilang minuto rin siguro s'yang mahigpit na nakayakap sa akin bago s'ya bumitaw. Basa ang kan'yang mata na waring umiyak.

"Na-miss kita gago ka! Antagal mong umuwi!" Pagalit n'ya sa 'kin. I chuckled before ruffling her hair.

"Na-miss mo ba talaga ako o gusto mo lang humingi ng pasalubong?" Pang-aasar ko.

Ipinagdikit niya ang kan'yang dalawang palad at sunod-sunod ang pagkurap na tumingin sa 'kin. "Meron ka ba d'yan?"

"Meron, sama ng loob."

"No, thanks. Mas marami ako n'yan." Umiikot ang matang litanya ni Clau sabay halukipkip. Tinawanan ko lang s'ya habang kinukuha ang bag at coat na nahulog sa sahig.

"Lush!" Kapwa kami napalingon ni Clau sa tumawag. My smile became wider when I saw Calyx approaching us. Hindi na n'ya hawak ang cardstock. Lumakad na ako palapit sa kan'ya at mahigpit s'yang niyakap na tumagal ng sampung segundo.

"Welcome home, pare!" Malawak ang ngiti n'ya nang maghiwalay kami sa yakap.

"Salamat."

"Tara na sa sasakyan. Kanina pa naghihintay sa bahay sina Tita." Saad ni Calyx na nauna na ring maglakad. Sumunod naman kami ni Clau sa parking lot. I texted Clau na ngayong araw ako darating at nag-prisenta naman s'yang silang dalawa ni Calyx ang susundo sa 'kin.

KISS BUDDY (completed)Donde viven las historias. Descúbrelo ahora