3 Years Later

459 18 10
                                    

3 YEARS LATER

"Hi!" Inilapag ko ang isang bouquet ng bulaklak sa puntod ni Sean. Inalis ko ang ilang dahon na nalipad sa kan'yang lapida at naupo sa damuhan paharap sa kan'ya.

"Sorry, ngayon na lang ulit ako nakadalaw. Masyado akong busy these past few weeks. Hindi ka naman siguro nagtatampo, ano?" Natawa ako at humalumbaba.

Walang ibang tao rito sa sementeryo kundi ako lang kaya tanging huni ng ibon at pagdaan ng hangin ang tanging maririnig.

"The weather is nice." Saad ko saka pinagmasdan ang asul na asul na kalangitan.

"Thank you, Sean . . . for making me feel loved and valued. For making me happy even in a short period of time. Because of you, I learned how to accept who I really am. You made me feel things I've never felt before. Thank you for everything except for bringing me so much pain when you left me — us — but I'm not blaming you. I'm blaming myself for not doing anything to save you."

Huminga ako ng malalim. "You will always have a special space in my heart. I will never forget you. I loved you, Sean." Hindi ko na pinigilan pa ang pagdaloy ng luhang kanina pa sumisilip sa aking mata.

Masakit pa rin, pero hindi na katulad no'ng una.

Akala ko hindi ko kakayanin.

Sobrang hirap.

Hindi ako sanay na wala s'ya sa tabi ko.

I was so devastated and hopeless that I needed to go to a psychiatrist because if I didn't do that I might just end my life just to be with him.

Good thing I still have my family and friends — they never made me feel that I'm alone especially this one person who never leave my side kahit gaano ko pa s'ya pinagtabuyan noon.

Kinagat ko ang labi ko at hinayaan lang tumulo nang tumulo ang luha sa mata ko.

Hanggang sa isang kulay puting panyo ang bigla na lang sumulpot sa harap ko.

Tumaas ang tingin ko sa lalaking nag-abot no'n. Kinuha ko ang panyo at pinunasan ang mukha ko.

Tahimik s'yang naupo sa tabi ko.

Tinitigan n'ya ang lapida ni Sean na para bang kinakausap n'ya ito sa isip.

Napansin n'ya naman yata na nakatingin ako sa kan'ya kaya lumingon s'ya sa 'kin. "Why? You okay?"

Umiling ako. I've been wanting to hug him kaya hindi ko na pinigilan ang sarili ko at mabilis s'yang niyakap.

"Thank you, Calyx," mahinang saad ko. "Thank you for not leaving me. Thank you for always being there. Hindi ko alam kung anong gagawin ko kung wala ka."

Saglit s'yang nanahimik. Hinagod n'ya lang ang likod ko hanggang sa naramdaman ko ang labi n'ya sa noo ko.

"You don't have to thank me, Alex. You're my friend and Sean's my frie—"

"Hindi ka ba napapagod?"

I heard him chuckled. Umiling s'ya.

"Napapagod . . . pero p'wede naman akong magpahinga, e . . . ng hindi umaalis sa tabi mo. Maraming rason para iwan ka, pero may isang rason para manatili ako and that's you, Alex. A-Ayokong biguin si Sean."

Hindi na lang ako nagsalita. Inihilig ko ang ulo ko sa balikat n'ya at tumitig sa lapidang nasa harap ko saka pumikit.

Months after Sean passed away, nalaman ko na kinausap n'ya si Calyx.

Sinabi n'ya rito na kapag nawala s'ya, 'wag akong pabayaan ni Calyx.

Noong una, hindi ko maintindihan kung bakit n'ya kailangang gawin 'yon.

Pwede n'ya namang hindi sundin si Sean, pero nanatili pa rin s'ya sa tabi ko kahit gaano ko s'ya pinagtabuyan noon. Kasi pakiramdam ko magiging burden lang ako sa kan'ya.

Imbes na sariling buhay n'ya 'yong intindihin n'ya mas inuuna n'ya pa ako.

And I hated him for that.

I hated him for doing things, unintentionally, that made me remember Sean.

I hated him for neglecting himself just to take care of me.

I hate him for neglecting happiness just to make me smile.

I hated him for staying for I knew I'll be heartbroken again if he left me.

I hate him until I realized that he's doing those things not because Sean told him, but because he loves me.

Mahal n'ya ako noong una pa lang at alam ko rin 'yon noong una pa lang — hindi ko lang napagtuunan ng pansin dahil nalunod ako sa sakit na idinulot ni Sean.

He stayed with me, he took care of me, he comforted me, and he continue loving me without getting anything in return.

He never asked me to love him back even just a little.

He's a selfish one when it comes to love.

Pero hindi naman s'ya mahirap mahalin.

"Calyx!" Tawag ko sa pangalan n'ya nang naglalakad na kami palabas sa sementeryo.

Lumingon s'ya sa 'kin at ngumiti.

"Yes?" I stared at his eyes for a second or two.

"May problema ba?" Tanong pa n'ya ng hindi ako agad nagsalita.

Akmang hahakbang na s'ya pabalik sa 'kin ng agad akong magsalita dahilan ng muli n'yang paghinto at matulala sa mukha ko.

"Can you wait for me?"

KISS BUDDY (completed)Where stories live. Discover now