Chapter Fourty Seven

250 13 2
                                    

Chapter Fourty Seven

CLAU,

Dinala ako ni Alex sa usual bar (usual bar 'yong pangalan ng bar). Tinotoo n'ya talaga 'yong sinabi n'ya na gusto n'yang uminom. Iiwan ko na sana s'ya dahil hindi n'ya naman sinasabi sa 'kin ang nangyari nang puntahan namin si Sean, kaya lang baka may mangyaring masama sa kan'ya. Hindi ko alam kung nagkita ba sila o wala do'n si Sean.

Pero hindi naman s'ya siguro mag-aaya na lang na uminom ng walang nangyari. Ano, trip n'ya lang? E, hindi na nga maipinta ang mukha n'ya. Kanina pa s'ya nakasimangot at walang imik simula ng umalis kami do'n.

Nakakatatlong bote na rin s'ya ng beer. Isang bucket kasi 'yong in-order n'ya. Hindi naman ako umiinom at pinapanood ko lang ang pagiging miserable n'ya sa buhay. Nakasandal ako sa sofa na katapat n'ya at magka-cross ang hita habang visible naman sa mukha ko ang boredom.
Hihintayin ko na lang sigurong malasing 'to, baka sakaling mag-kwento. Mas mataas daw kasi ang tendency na magsabi ng totoo ang isang tao kapag lasing. Susubukan ko lang naman. Wala naman sigurong masama.

Dalawang oras na ang nakakalipas at halos dalawang bucket na rin ang naiinom ni Alex, pero parang hindi naman s'ya nalalasing. Bukod sa namumula n'yang tenga at pisngi mukha namang mas malakas pa s'ya sa kalabaw.

"Alex!" Pag-agaw ko sa atensyon n'ya. "Ano ba talagang nangyari?" Dugsong ko ng saglit n'ya lang akong nilingon.

Inubos nya ang mukhang nangangalahati ng alak sa bote at pabagsak na ibinaba iyon sa ibabaw ng lamesa dahilan para magulat ako ng bahagya. Pinunasan n'ya ang gilid ng kan'yang labi at sumandal sa sofa. Mukhang ready na s'ya mag-kwento.

"Do you remember that girl na nakita natin last December 24?" Panimula n'ya.

Kumunot ang noo ko at inalala ang babaeng nakita namin no'ng December 24, last year pa.

'Yong kasama ba ni Sean? Sa bilihan ng ice cream?" Bahagya naman s'yang tumango at muling tumungga sa bote.

He leaned forward and a smirk formed on the corner of his lips. "Yup, and you know what they're doing when I saw them earlier?" Meron na akong idea kung ano, pero hindi ako nagsalita. Hinintay ko lang kung anong sunod n'yang sasabihin.

"Gumaganti siguro s'ya." He let out a chuckle. "May hinalikan din kasi akong babae habang aware ako na meron na akong feelings para sa kan'ya." Droopy na ang mga mata n'ya at halatang lasing na nga s'ya. Nanatili akong nakatitig sa namumula na n'yang mukha. Hindi ako gumalaw sa upuan ko. He was smirking, but I can see that he's hurting. Poor Alex.

"Am I too late already?" Tanong n'ya pa. Nailang ako sa way ng pagkakatitig n'ya sa 'kin kaya napayuko ako.

I shrugged my shoulders and spoke in a low voice.

"I don't know," t
his time, hindi na ako magsasalita. Hahayaan ko na lang na ma-realize n'ya ang mga bagay-bagay sa sarili n'ya. Pero baka nga huli na s'ya. Nagtiwala kasi s'ya sa feelings ni Sean para sa kan'ya. Inisip n'ya siguro okay lang magpapetiks-petiks dahil mahal naman s'ya no'ng isa. Napapagod din naman ang tao, lalo na kapag na-i-invalidate ang feelings nila at hindi na-a-appreciate 'yong efforts.

Now, suffer the consequences.


LUSH,



NAGISING ako dahil sa malakas na tunog ng cellphone ko. Kinapa ko iyon sa palibot ng kama habang nanatiling nakapikit at nakasubsob ang aking mukha sa malambot na unan.
Bahagya akong nagmulat ng mata at sinagot ang tawag.

"Good morning, is this Mr. Hamilton?" Tanong ng babae sa kabilang linya.

"Yes, speaking."

"I called you to let you know that we can't visit the house later. Nagkaroon kasi ng biglaang emergency and we need to go back to Cebu," paliwanag ng babae.

KISS BUDDY (completed)Where stories live. Discover now