Free Chapter

354 13 1
                                    

Free Chapter

"Clau, may boyfriend ka na ba?" Hindi nakapagpigil na tanong ko sa kan'ya.

"Boyfriend — what? Sa'n mo naman nakuha ang idea na 'yan?"

"Sino 'yang ka-text mo?" Pinilit kung silipin ang screen ng cellphone n'ya, pero agad n'ya iyong naitago.

Simula pa kasi kaninang umaga may kausap na s'ya. Panay ang pagtipa n'ya sa keyboard ng kan'yang phone tapos kung makahagikhik akala mo kinikilig na baboy.

"Nagseselos ka ba?" Pinanliitan n'ya ako ng mata.

"I'm not. Nakakatampo lang kasi best friend mo ako, pero hindi mo man lang nabulong sa 'kin na may boyfriend ka na pala." I rolled my eyes in annoyance. Nasasabi ko sa kan'ya lahat ng bagay tungkol sa 'kin tapos hindi n'ya magawang magsabi sa 'kin. Pakiramdam ko naglilihim s'ya sa 'kin.

"Alam mo, bakla ka talaga. Ang lawak ng imahinasyon mo."

"HAHAHAHAHA!" Ginaya ko ang pagtawa na ginawa ni Clau kanina. Kita ko ang pag-lingon sa 'kin ng mga taong nakarinig, pero hindi ko na 'yon pinansin dahil naiinis ako kay Clau o baka naman ako ang pinagtatawanan n'ya habang i-chini-chismis n'ya ako sa iba.

Muli na namang humagalpak ng tawa si Clau this time alam kung ako nga ang pinagtatawanan n'ya dahil sa panggagaya ko sa tawa n'ya.

"I don't have a boyfriend, okay? Alam mo napapansin ko ang overthinker mo na. Hindi maganda 'yan."
Psh. Hindi na ako nagsalita ng dumating na ang order namin. Parehas inihaw na chicken ang binili namin ni Clau.

"By the way, kumusta na kayo ni Sean? Anong nangyari sa deal n'yo?" Naubos na ni Clau ang kanin n'ya, pero wala na yata s'yang balak na kumuha ulit. Pinapak n'ya na lang ang chicken na natira.

Nagkibit balikat ako. "Hindi ko alam. Hindi na kami nag-uusap," pag-amin ko.

"Na-mimiss mo?" Tiningnan ako ni Clau ng isang makahulugang tingin.

"No," mabilis kung sagot. Medyo napataas pa ang boses ko kaya mas lalong nanliit ang mata n'ya. I know what she's thinking. She's thinking that I'm defensive. "Bakit napunta usapan natin do'n?"

S'ya naman ang nagkibit balikat. "I just want to know what you're feeling." Saad n'ya habang nakasubo pa ang buto ng chicken sa bibig n'ya. Para s'yang sabik na sabik sa chicken at kahit buto, e, gustong kainin.

"Wala akong nararamdaman," this time, I'm telling the truth. I don't miss him. I don't feel anything.

"Sure ka?" Inipon ni Clau ang mga buto sa pinggan n'ya at seryosong tumingin sa 'kin. "Look, I'm just worried about Ash. Wala s'yang alam sa nangyayari between you and Sean. The only thing she knows is . . . you like her and she feels the same way."

Napayuko ako dahil sa sinabi n'ya. Hindi ko na alam kung anong iisipin ko. I like Ash. Alam ko 'yon. Ramdam ko 'yon, pero ginugulo ni Sean ang isip ko, e.

"Ayokong makialam kasi buhay mo naman 'yan, pero Alex 'wag mong paasahin si Ash. Mag-decide ka na habang maaga pa. Anong pinag-usapan n'yo ni Ash about sa feelings n'yong 'yan?"

Umiling ako. Wala naman kaming pinag-usapan ni Ash tungkol sa 'min e. Basta alam naming gusto namin ang isa't isa. Hindi rin s'ya nag-oopen ng topic about do'n kapag kaming dalawa lang ang magkasama. Wala lang. We just like each other. Hindi sumagi sa isip ko na ligawan s'ya at hindi naman s'ya nag-dedemand. I was already contented with my feelings for her then Sean entered the picture. He got my attention and put my mind in trouble.

Natapos akong kumain at sabay kaming umalis ni Clau sa restaurant. Nagpasama s'ya sa 'kin sa mall. Bibili raw s'ya ng regalo para kay Tita. Pasko na bukas, pero wala man lang akong mabibigay na regalo kay Mama at Lyzee. Isang oras at kalahati akong pasunod-sunod sa kan'ya dahil hindi s'ya makapag-decide kung ano ba ang ibibigay n'yang regalo kay Tita. Sa huli, bumili s'ya ng isang dress na kulay maroon —Tita's favorite color.

After an hour and a half na palakad-lakad namin ni Clau, nag-decide s'yang kumain kami ng ice cream kahit malamig ang panahon. Kakaiba ang weather ngayon. Mainit, pero hindi rin ramdam dahil sa lakas ng hangin sa labas. We were about to enter an ice cream shop when I saw a familiar face, he's with a girl. Bumibili rin sila ng ice cream and they're talking like they've known each other for a long time already. Nakahawak pa ang kamay no'ng babae sa braso n'ya at mukha namang ayos lang sa kan'ya.

"Clau, sa iba na lang tayo bumili." Taranta kung sabi saka hinila si Clau paalis doon.

Nagtataka naman n'ya akong tiningnan. "Bakit?"

"Panget daw ang lasa ng ice cream do'n." Nakabusangot ang mukhang sagot ko.

"I saw them."

I know she saw them. She has an eye of an eagle. Walang nakakalampas sa paningin n'ya, pero hindi ako nagpahalata at umaktong hindi alam ang sinasabi n'ya.

"Sinong nakita mo?"

"Sean with a girl."

"Okay? Why are you telling me that?" Natatawa kung tanong. Still pretending that I didn't saw Sean . . . with a girl.

"Maybe, they're dating? Are you jealous?" Mas lalong lumakas ang tawa ko dahil sa huli n'yang tanong.

"Why would I?"

"But, you just said you li—" I cut her off.

"First of all, I never said I like him. Second . . . " Itinaas ko ang dalawa kung daliri. "I'm not jealous, third I'm telling the truth and fourth, I don't care." Binilisan ko na ang lakad at iniwan si Clau.

"Don't leave me! Come back!" Ma-drama n'yang sigaw bago tumakbo para makahabol sa 'kin.

Sumakay kami ng tricycle pabalik sa bahay. Mabuti na lang at hindi na s'ya nagsalita pa tungkol kay Sean.

Pero no'ng nakaalis na kami sa mall at nag-desisyon na maghiwalay na kami ni Clau doon ko lang hinayaang matanggal ang maskara ko.

When I say I don't care, that's not true. Nakaramdam ako ng inis ng makita s'yang nakikipagtawanan do'n sa babaeng kasama n'ya kanina. He looked so happy and I hate it. I don't know, but I hate it.

It has been 4 days since we last talk. No'ng umalis s'ya sa bahay no'ng may sakit ako simula no'n hindi na ulit kami nakapag-usap. Pakiramdam ko iniiwasan n'ya ako. Hindi rin s'ya sumasabay sa lunch kapag nasa school. Hindi ko naman matanong si Calyx o kahit sino sa mga kaibigan n'ya dahil hindi naman kami close sa harap ng mga kaibigan n'ya.

Ayokong mag-isip. Wala akong dapat isipin.

That girl could be his friend, cousin, or sister. Kung sakali mang girlfriend n'ya 'yon, good for him. In that way, makakalimutan na n'ya ang deal namin at hindi na kailangang mag-suffer ng utak ko kakaisip na baka nahuhulog na ako sa kan'ya.

But just thinking if that girl is his girlfriend made me want to punch him.

KISS BUDDY (completed)Donde viven las historias. Descúbrelo ahora