Chapter Sixty

318 14 5
                                    

Chapter Sixty

LUSH,

It has been a week since Oliver kissed me outside the bar and Sean saw it.

It has been a week since I saw him outside my condo unit, where I took the chance to asked him if what I'm thinking is right when I saw him and Aliyah together.

Pagkatapos ko s'yang talikuran no'n hindi na ulit kami nagkita. Hindi na ulit kami nagkausap. Hindi ko na s'ya nakita sa labas ng unit ko. Minsan umaasa ako na pagbukas ko ng pinto ng unit ko makikita ko s'ya sa labas na naghihintay sa 'kin, pero hindi nangyari kaya ako lang din ang napahiya sa sarili ko.

I don't have any idea what will gonna happen to us. I don't know if there's still a second chance for us, if there's still hope for us to get back together.

Though, nagpapahiwatig naman s'ya ayoko pa ring umasa. Marupok pa naman ako pagdating sa kan'ya.

Wala pang dalawang segundo simula ng makapasok ako sa loob ng elevator ay meron ng nakasunod sa 'kin. And when I turned around I saw Aliyah carrying her baby. Parehas pa kaming nagulat ng makita ang isa't isa.

Tumabi ako sa gilid ng tuluyan na s'yang makapasok. Ngumiti s'ya sa 'kin. Gumanti naman ako ng isang tipid na ngiti.

Sa unit siguro n'ya galing si Sean noong una ko s'yang makita rito pagkauwi ko galing London. I didn't know that we're living in the same condominium building and in the same floor.

Katahimikan at awkwardness ang namagitan sa aming dalawa habang naghihintay na bumukas ang elevator —probably the longest time I had riding the elevator. Tanging inaudible na salita lang ng cute na bata sa kan'yang bisig ang namumutawi sa pagitan namin. Nasa may unahan ko si Aliyah kaya kitang-kitang ko kung pa'no ako titigan nung bata habang nakangiti.

When I heard the 'ting' sound I immediately got out of the elevator, but I halted when Aliyah blocked my way. I looked at her confused and curious.

"Pwede ba tayong mag-usap?"
Hindi ako nagsalita, nagdadalawang isip kung papayag ba ako, pero natagpuan ko na lang ang sarili ko na nakaupo sa loob ng isang café habang hawak ang black coffee na in-order ko at kaharap si Aliyah. Her daughter's sitting on the couch beside her while playing. An odd silence enveloped us. Aliyah faked her cough to get my attention.

"I didn't know that we're living in the same building at sa iisang floor pa." Mukhang na-a-amazed n'yang saad.

Tipid naman akong ngumiti.

Kailangan ko bang sagutin ang sinabi n'ya, pero hindi naman s'ya nagtanong, e.

Pinigilan ko ang sarili ko na 'wag tingnan ang oras sa wristwatch ko. Baka isipin n'ya na gusto ko ng umalis kahit 'yon naman ang totoo dahil late na ako.

"Ahm . . . nag-usap na ba kayo ni Sean?" Automatic na nag-taas ako ng tingin ng marinig ang sinabi n'ya.

"Y-Yeah. Uhh . . .  1 week ago?" Waring hindi siguradong  sagot ko.
Nanatili ang ngiti sa kan'yang labi habang tumatango-tango.

"This is the first time na nagkausap tayo, pero parang kilalang-kilala na kita. Palagi kang kinukwento sa 'kin ni Sean."

Napainom ako sa kape ko dahil sa sinabi n'ya. "Sana magaganda 'yong mga bagay na kinukwento n'ya sa 'yo." Natawa na ako.

"You don't have to worry. Hindi ko nga alam kung sino ang swerte sa inyong dalawa, e, kung si Sean ba kasi nand'yan ka o ikaw kasi nand'yan si Sean, pero I guess pareho kayo." She giggled.

Hindi ko alam kung anong sasabihin ko dahil sa narinig kaya bahagya na lang akong napayuko. Muli kaming natahimik, pero hindi rin nagtagal at s'ya na mismo ang bumasag no'n.

KISS BUDDY (completed)Dove le storie prendono vita. Scoprilo ora