Chapter Sixty One

242 14 4
                                    

Chapter Sixty One

Hindi maalis ang ngiti sa labi ni Sean ng makita ang gulat na expression ni Lush dahil sa kan'yang sinabi. Hindi nakatakas sa paningin ni Sean ang pamumula ng tenga ng huli.

Hindi inaasahan ni Lush ang mga katagang iyon na lumabas sa bibig ng lalaking ngayon ay pangisi-ngisi lang na nakadungaw sa kan'yang sasakyan.

Awtomatikong kumalabog ng malakas ang kan'yang dibdib dahil sa narinig.

Mahigpit ang naging kapit niya sa hawak na denim jacket habang nanatiling nakatayo roon at bago pa man niya ipahiya ang sarili dahil sa kiliting nararamdaman sa kan'yang t'yan ay agad na siyang tumalikod at walang paalam na pumasok sa loob ng condominium building.

You're still mine.

Waring may kung anong gumagapang sa kan'yang balat at nagwawala sa kan'yang dibdib dahil sa mga salitang hanggang ngayon ay naglalaro pa rin sa kan'yang isipan. Nakakain na siya at nakaligo ngunit para niyang wala sa sarili dahil tanging si Sean na lamang ang tumatakbo sa kan'yang isipan. Mas mukha pa siyang obsessed kesa kay Sean.

Nagpapaulit-ulit sa kan'yang utak ang mga salitang binitawan ng lalaki na animo'y isang sirang plaka. Hindi niya alam, pero nanghihina siya. Isang salita, isang ngiti, isang hawak. Iba talaga ang epekto sa kan'ya ng lalaking 'yon. Nangingibabaw na naman kasi ang karupukan niya pagdating dito.

Nang makalabas ng banyo ay agad siyang nahiga sa malambot niyang kama at dinama ang malambot na telang yumayakap sa hubad niyang katawan. Hindi na siya makapaghintay na muling makita si Sean kinabukasan.

Samantala, ilang minuto pa ang lumipas bago nag-desisyon na mag-drive paalis si Sean. 

Nakipaglaban pa siya sa kan'yang sarili kung susundan n'ya ba si Lush sa loob o uuwi na at hihintayin na lang na lumipas ang magdamag para muli niya itong makita kinabukasan.

Husto na ang kan'yang pagpipigil na huwag sundan ang lalaki sa unit nito at sabihin ang mga bagay na tumatakbo sa kan'yang isipan kaya naman naisip niyang umalis na lang doon at umuwi.

Habang nasa byahe ay hindi niya mapigil ang sarili na ngumiti. Hindi niya akalain na makakalapit siya ng gano'n kalapit kay Lush at magagawa pa niya itong hawakan. Ilang taon din silang magkalayo, ilang taon din silang hindi nagkita, ilang taon din silang hindi nag-usap at kahit mga kaibigan niya ay kayang patunayan kung gaano siya nasasabik sa huli.

Hindi pa siya nakakahanap ng tyempo para sabihin ng diretsahan kay Lush na mahal pa niya ito at gusto niyang magsimula ulit sila kaya tanging pasaring lang ang nagawa niya. Totoo naman ang kan'yang mga sinabi, pakiramdam niya ay nagiging obsessed or more like nagiging possessive na siya kahit na malinaw sa kan'ya na hindi niya pagmamay-ari
si Lush.

Hindi pa.

Naalala naman niya ang naging pag-uusap nila ni Oliver kanina. Kinausap niya ito at sinabing 'wag na 'wag magkakamaling ligawan si Lush dahil mananagot siya rito. Mabuti na lamang at sinabi ng huli na kaibigan lang ang tingin niya rito at kahit na pormahan niya si Lush ay wala pa rin siyang pag-asa rito.

May advantage na rin naman siya dahil alam niyang mahal pa rin s'ya ni Lush. Malaki lang talaga ang trust issue nito at mas matangkad sa kan'ya ang kan'yang pride. Naiintindihan naman iyon ni Sean dahil siya ang unang sumuko at hindi niya p'wedeng sisihin si Lush kung bakit s'ya nito hinayaan.

Naisip niyang tawagan si Lush upang asarin kaya madali niyang kinapa ang cellphone sa kan'yang gilid habang sa daan pa rin nakatutok ang kan'yang mga mata. Pasulyap-sulyap siya sa screen ng kan'yang cellphone habang hinahanap ang numero ni Lush ng bigla na lang siyang makaramdam ng kakaiba sa kan'yang dibdib.

Ramdam na ramdam niya ang malakas na pagpitik ng kan'yang puso kasabay ng pagsakit nito na waring may umiipit sa kaibuturan ng kan'yang organ.

"Ugh!" He groaned in pain. The phone fell off from his hand and he immediately grab his chest because of the excruciating pain he's feeling inside his chest. He can't explain it.

Nahihirapan na rin siyang huminga at buong katawan niya ay apektado na. Mahigpit ang kapit ng isa niyang kamay sa manibela at hindi inaalis ang nanlalabo niyang paningin sa daan. Nanlalamig siya.

Ramdam ni Sean ang mga litid na waring gusto na ring tumawid sa kan'yang balat at lumabas sa kan'yang leeg. His ears were burning red, but he's feeling cold.

Because of the intense pain inside his chest, his both arms began to feel numb causing him to lose his focus on driving. He wanted to step on the brake, but his feet became numb as well making him unable to move even a little.

Inaatake siya. 

No'ng mga oras na 'yon ay nakaramdam siya ng takot sa maaaring mangyari sa kan'ya lalo nang mapapikit siya dahil sa liwanag ng ilaw na tumatama sa kan'yang mukha at mata. Parang saglit na huminto sa pag-function ang kan'yang utak ng ma-realize na may kasalubong siyang malaking truck at sasalpok na ang kan'yang sinasakyan dito.

Waring naging slow motion ang bawat galaw at echo na lamang ng ingay sa paligid ang kan'yang naririnig. Malinaw na malinaw sa kan'yang tenga ang malakas na pagbusina ng truck, ang malakas na scratch sound ng kan'yang kotse at kahit na rin ang mabibigat n'yang paghinga ay waring naging echo na lamang din sa kan'yang tenga.

Naramdaman niya ang pagdulas ng luha sa kan'yang pisngi kasabay ng pagtama ng kan'yang ulo sa windshield ng kan'yang sasakyan.

Ramdam ni Sean sa kan'yang katawan ang malakas na impact ng nangyaring pagsalpok ng sinasakyan niya. Hanggang sa nahagilap na lamang niya ang kan'yang sarili na nakaub-ob sa manibela. Umaagos ang sariwang dugo sa kan'yang ulo. Hindi siya makagalaw ni ang pagmulat ng kan'yang mata at pagbukas ng bibig ay hindi niya magawa.

He tried to fight and reached for his phone on the floor of his car, but he can not move his body anymore.

Tanging paglandas na lamang ng mainit na luha sa kan'yang pisngi ang huli niyang naramdaman bago siya tuluyang nawalan ng malay.

Lumipas ang minuto at isa-isang dumami ang tao sa paligid, tinitingnan ang nangyari.

Kan'ya-kan'yang kuha ng litrato at video.

Nagmistulang mga bubuyog dahil sa walang tigil na pagtatanong at bulungan kung ano ang posibleng nangyari. Nagkaroon na rin ng traffic dahil sa hindi inaasahang aksidente.

Mabilis na nawahi ang mga tao ng dumating ang tatlong sasakyan na mayroong kulay pula at asul na ilaw.

Nakabibingi rin ang walang humpay na pagtunog ng sirena nito.

Mabibilis ang bawat galaw ng mga tao na bumaba sa ambulansya. Lumapit ang mga ito sa sasakyan at binuhat ang taong nasa loob no'n na halos maligo na sa sariling dugo saka inilipat sa stretcher at ipinasok sa loob ng ambulansya.

Hindi na sila nag-aksaya ng panahon at mabilis na pinaandar ang ambulansya paalis kung saan nangyari ang aksidente.

While the ambulance is on their way to the hospital, the paramedics did a primary survey if the patient is unresponsive.

They apply pressure on his wound to stop it from bleeding, but unfortunately, he wasn't responding nor breathing kaya kinailangan nilang isagawa ang CPR sa pasyente habang hawak nang isang paramedic ang defibrillator.

Inalis nila ang suot n'yang damit at agad na kinabit sa dibdib nito ang pad ng hindi pa rin ito nag-respond matapos ang CPR. Inihinto nila ang pagsasagawa ng CPR habang ina-analyse ng defibrillator ang heartbeat ng pasyente.

Their movements became faster even when they were inside a moving ambulance when the defibrillator said that a shock was needed.

"Clear!" The paramedic instructed. After  the shock has been given the paramedic started the CPR again, but still no response.

They tried their best to revive him, but their strength seems to escaped their body when the patient was declared dead on arrival.

KISS BUDDY (completed)Where stories live. Discover now