Chapter Fourty Three

272 14 6
                                    

Chapter Fourty Three

CLAU,

"Nagpaalam ka ba sa kan'ya?" Tanong ko kay Alex habang  pinanonood s'yang mag-impake ng mga gamit na kan'yang dadalhin.

"Hindi," maikling sagot n'ya.

"So, umalis ka na lang sa unit n'ya na walang ka-alam-alam 'yong isa na aalis ka na rin ng bansa?" Parang bigla akong na-stress kay Alex kaya napahawak na lang ako sa noo ko.

Tumataas na naman ang blood pressure ko sa lalaking 'to.

Kalma lang, Claudia, kaibigan mo 'yan!

"Umalis ka na rin kaya sa buhay n'ya, ano?" Puno ng sarkasmong suhestiyon ko. Natigil s'ya sa paglalagay ng damit sa maleta at humarap sa 'kin.

"Clau!" 'Yong tono ng boses n'ya parang pagod na pagod s'ya at doon pa lang ay pinapahiwatig n'yang wala s'yang ganang makipagtalo sa 'kin.

"What?!" I acted like I am the most innocent person in the whole universe.

He heave a deep breath trying to compose himself, I guess.

"Clau, it's not as easy as you think, 'yong pagpapaalam I mean." Tumaas ang kanan kung kilay at kalaunan ay napasimangot na lang. Naiintindihan ko namang mahirap para sa kan'ya na mag-paalam, pero sana man lang hindi n'ya iniwan si Sean ng basta lang. Kawawa naman 'yong tao!

"Alex . . . " Saglit akong huminto. Nag-isip at naghalukay pa ako sa kailaliman ng utak ko ng tamang words.

"You're such a coward," pang-re-real talk ko sa kan'ya. Wala naman s'yang reaksyon, pero huminto na s'ya sa ginagawa n'ya. "Do you really love him?"

"Sa tingin mo, Clau? Mahal ko ba talaga s'ya? Baka kasi naguguluhan lang talaga ako."

"Put—" agad kung kinagat ang labi ko para pigilan ang sarili ko na makapagsalita ng hindi maganda.

Hinilot ko ang sintido ko dahil literal na sumasakit iyon. Kulang na lang ay tumirik ang dalawa kung mata dahil sa stress kay Alex.

"Joke lang." Tumawa pa si Alex na akala mo nakakatuwa. "I love him, Clau. Sure na ako rito," pag-amin n'ya. Gusto ko mang magpagulong-gulong sa kama n'ya at magsisigaw dahil sa kilig ay hindi ko magawa. Naiinis ako sa kan'ya!

Magsasalita pa sana ako para bigyan s'ya ng pang-malupitang advice kaya lang ay biglang bumukas ang pinto at dumungaw si Lyzee. I smiled at her and she did the same.

"Nand'yan na ba sina Mama?" Inunahan ko na si Lyzee. Tumango naman s'ya at tumayo na ako.

"Alex, tara na." Hinawakan ko ang balikat ni Alex at naunang lumabas sa kan'yang kwarto. Pagdating namin ni Lyzee sa living room ay naroon na ang mga bagahe at maleta. Nasa may kusina sina Mama at Tita Mincy at nag-uusap. They've been best friend since they were college at sa pinaka-unang pagkakataon ngayon lang may mapapalayo sa kanila. It must hard for them.

Tumingala ako upang pigilan ang mga luhang gustong lumabas sa mata ko. I tried my best na hindi umiyak lalo nang makita kung pababa na si Alex ng hagdan dala ang isang travel bag.

He doesn't look happy. Mabagal at mabibigat ang bawat hakbang na ginagawa n'ya. Halatang-halata na hindi n'ya gusto ang gagawin niyang pag-alis. Matagal na n'yang inirereklamo sa 'kin na ayaw n'yang sumama, na kaya n'ya naman ang sarili n'ya. Si Tita Mincy lang ang may ayaw na iwan s'ya dahil iniisip nito na baka mambabae lang si Alex dito. I doubt that he would do that. Tita doesn't know the real reason why Alex wanted to stay here at kahit naman malaman n'ya sa tingin ko hindi n'ya maiintindihan si Alex.

Kinuha na ni Mang Daniel ang mga bag at inilagay iyon sa van.

Sabay-sabay kami nina Lyzee at Alex na lumabas sa bahay nila at pumasok sa sasakyan. Magkakatabi rin kaming tatlo habang si Tita Mincy at Mama naman ang magkatabi sa hulihang bahagi ng sasakyan. Walang nagsasalita sa amin. Hindi lumilipas ang minuto na hindi ako lilingon kay Alex na ngayon ay naka-suot ng earphone at tahimik na nakamasid sa labas ng bintana.

I'm wondering what he's thinking.

Walang emosyon na makikita sa mata n'ya. Para tuloy gusto kung magkaroon ng instant mind reading power to know what Alex is thinking right now, pero 'wag na kasi baka bigla akong maiyak.

Naaawa ako sa best friend ko. I know him well. He's a playboy ever since siguro nagka-isip s'ya. Hindi naman ako nagwagwapuhan sa kan'ya kaya labis na lang ang pagtataka ko sa mga babaeng nagkakagusto sa kan'ya — well siguro dahil baby pa lang magkasama na kami. Mukhang pinlano talaga ng mga magulang namin na hanggang sa paglaki dapat magkasama kami.

His exes are all girls at bago sa kan'ya ang magkagusto sa katulad n'ya ng kasarian. Alam ko namang hindi madali 'yon. It takes time to admit it because we all know that it's wrong, base sa mga bagay na palaging sinasabi ng mga matatandang tao or kahit na parents natin.

Maraming oras ang nasayang sa pag-iisip kung tama ba ang nararamdaman n'ya.

Even I don't have the rights to judge him. It's easier said than done. Hindi naman pwedeng after n'yang umamin, that's it. Okay na ang lahat.
Wala ng doubting. Hindi ko rin s'ya masisisi sa mga desisyon na ginagawa n'ya.

Nang makarating kami sa airport ay agad kung niyakap si Alex dahilan para mabigla s'ya.

"Hey!" He patted my back.

"I'm sorry. I'm sorry for all the things I've said. I know it's not as easy as what I think and I totally understand you," I explained in an apologetic tone. I heard him chuckled before hugging me as tight as he could.

"I love you." Bulong n'ya. Hinampas ko s'ya sa balikat. I feel cringe. Hindi ako sanay na nagsasabi s'ya o ako ng 'i love you' sa isa't isa.

"Mag-ingat ka do'n ah. Wala na akong best friend." Nakasimangot na saad ko. Unti-unting nanlabo ang mga mata ko dahil sa mga luhang nangingilid na sa mata ko.

"Kung may ldr, tayo may ldf."

Kumunot ang noo ko. "Gagi! Ano 'yon?"

"Long distance friendship."

"Ang witty!" Natatawang usal ko.

Mabilis kung pinunasan ang pisngi ko ng may umagos na luha. Magkahawak ang kamay na naglakad kami papasok ng airport. Nasa loob na sina Mama.

"Sandaliii!!!" Sabay kaming napalingon ni Alex ng marinig namin ang sigaw. Nakita namin si Ash at Calyx na tumatakbo palapit sa amin.

Nang makalapit ay agad n'yang niyakap ng mahigpit si Alex dahilan para mabitawan n'ya ang kamay ko at agad na inalalayan ang likod ni Ash. Hinihingal na tumabi sa 'kin si Calyx. Akala ko hindi sila makakarating.
I feel sad, but at the same time I feel happy for them. I know she still like Alex and Alex didn't know that. Kung ano man ang napag-usapan nila at kung ano man ang sinabi ni Ashley sa kan'ya, it was all a lie. Totoo nga pala 'yong history repeats itself at alam kung magagalit sa 'kin si Alex once na malaman n'ya ang totoo. Isa pang problema ko.

"I'll miss you." Naiiyak na saad ni Ashley habang nakayakap pa rin kay Alex.

"I'll come back." Alex smiled before gently pushing Ashley away.

"Alexander, hinahanap ka na sa loob." Hinihingal na saad ni Lyzee ng makarating s'ya sa pwesto namin.

Isa isa n'ya kaming tiningnan, nagpapaalam. Tumango ako gano'n din si Ashley. Lumapit si Alex kay Calyx at saglit itong niyakap bago sumunod kay Lyzee sa loob.

"Lush!" Kita ko ang pangingilid ng luha ni Ashley sa kan'yang mata ng banggitin n'ya ang pangalan ni Alex. Huminto si Alex sa paglalakad at muling humarap sa amin.

"When you come back, please don't find me." Malakas n'yang sigaw kasabay ng pag-agos ng luha sa kan'yang mga mata. I want to hug her as tight as I could.

Visible sa mukha ni Alex ang pagtataka, pero kalaunan ay sumigaw din s'ya para sagutin si Ashley. "That won't happen."

Tuluyan ng pumalahaw ng iyak si Ashley ng makapasok si Alex sa loob. Mahigpit ko s'yang niyakap at inalo. Kahit ako, hindi ko napigilan ang paglabas ng mga luha sa aking mata.

Inalalayan namin ni Calyx si Ashley. Kami na rin ang naghatid sa kan'ya sa kanilang bahay. Madilim na ng mag-paalam kami ni Calyx sa isa't isa.

I was about to enter our gate when my phone rang. I reached it from my pocket and my heart automatically beat abnormally when I saw Sean calling.

KISS BUDDY (completed)Where stories live. Discover now