Chapter 4: Nine

10.5K 482 153
                                    

#BHOCAMP #BlaRis #JellyBlaze #BHOCAMP10TWC

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

#BHOCAMP #BlaRis #JellyBlaze #BHOCAMP10TWC

A/N: Happy holidays!

CHAPTER 4: NINE

ERIS' POV

Nakasandal ang pisngi sa lamesa na tutok ang atensyon ko sa notebook na kasalukuyan kong sinusulatan. Halos hindi ko pa napupuno ang first page no'n dahil wala naman akong masyadong maisip na ilista roon.

"Baka gusto mong dagdagan ang order mo? Iyong validity ng orange juice mo para i-reserve ang table na 'to kanina pa expired."

Hindi kumikilos sa pwesto na nag-angat ako ng tingin sa nagsalita at bumungad sa akin ang nakangisi na mukha ng pinsan ko na si Athena. Nag-iinat na umayos ako ng upo at inilibot ko ang mga mata ko sa paligid.

"Fake news ka. Wala pa namang masyadong tao."

"Concern lang ako sa restaurant ng tatay ko. Ayoko pa namang nababawasan ang kayamanan namin."

Her father is Craige Lawrence. Ang panganay sa apat na magkakapatid na Lawrence kung saan ipinangalan ang Camp sa BHO CAMP. Craige, Andreige, Marveige, and my mother Paige.

"Kayabangan, nabawasan na rin ba?"

Lalong lumawak ang ngiti niya sa naging tanong ko. "Siyempre hindi. Unlimited ang supplies namin no'n."

"Namin?"

"My mother, me, and my babies. Mga royal blood."

Umakto akong ibabato sa kaniya ang notebook na nasa harapan ko pero tinawanan niya lang ako. If I know naiinip lang siya kaya ako ang napagdidiskitahan niya. Hindi naman kasi kadamihan ang guests ng BHO CAMP ngayon dahil hindi naman peak season. Bukod pa ro'n ay seventy percent ang happy hour kagabi ng Paige's, ang official bar ng lugar, kaya mga tulog pa ang mga taong paniguradong makikipagtagisan sa hangover nila mamaya.

"Bumalik ka na nga sa asawa mo at para hindi ako ang kinukunsumi mo."

Humaba ang nguso niya. "Para ka namang others." Bumaba ang tingin niya sa suot ko na bestida. "Kung hindi lang kita kilala sa style ng pananamit mo iisipin ko talaga na si Enyo ka. Para kasing may galit ka sa mundo ngayon."

Meron talaga. "Hindi ako galit sa mundo."

"Eh kanino?"

"Sa'yo malapit na."

Umangat ang isang kilay niya at pilit na pinalis ko ang isang parte ng pagkatao ko na gustong ma-guilty sa kasungitan ko. Hindi naman mukhang tinablan si Athena. Sa lahat ng tao sa mundo siya siguro ang perfect na gawin kong practice partner para sa pangarap kong bawasan ang pagiging people pleaser ko dahil sure akong tatalbog lang sa kaniya lahat ng sasabihin ko. Mas mataas pa kasi sa Burj Khalifa ang confidence niya.

Napakurap ako nang tumatango-tangong tinapik ako sa balikat ng babae na para bang proud na proud siya sa akin. "Ipagpatuloy mo 'yan. Nakakapagod ng maging number one na sutil sa pamilya natin kaya welcome to the dark side."

BHO CAMP #10: The Wild CardTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon