Chapter 24: Insecurity

9.7K 588 158
                                    

#BHOCAMP #BlaRis #BHOCAMP10TWC

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

#BHOCAMP #BlaRis #BHOCAMP10TWC

CHAPTER 24: INSECURITY

ERIS' POV

Pakiramdam ko ay sinisingil na ako ng mga araw na laging putol at kulang ang tulog ko. Kaya nga kahit napag-alaman ko na pangarap ng kapatid ko na maging isang kumot ay hindi na ako pumalag. Her husband probably didn't mind her tendency to hog the bed since he's built like a mountain but since I'm small as she is at kalahati ng katawan niya ay dinadaganan ako, hindi ko alam kung mabilis ba akong nakatulog dahil lang sa antok o dahil nawalan ako ng malay.

I felt the weight leaning on the half of my body disappeared at the same time that my body suddenly lift from the bed. Pilit na iminulat ko ang mga mata ko para tiyakin na hindi ako gumagawa ng remake ng The Exorcist pero sadiyang mabigat ang mga talukap ko.

A familiar voice whispered to my ear, "Go back to sleep, it's just me."

"W... What?" Napapahikab na inangat ko ang kamay ko at sapilitang binuksan ko ang isang mata ko. I felt the hard set of arms around me vibrated with laughter. "Blaze? Saan na naman tayo pupunta? Wala akong energy gumala ngayon."

Mukhang kasisikat pa lang ng araw base sa natatanaw ko sa labas ng bintana.

"We're just going to your room."

"Mmm... kay." My words got muffled when I dropped my head on his chest. "Let me down. I can walk."

"You can but you don't need to."

Hindi na ako umangal at hinayaan ko na lang siya na kargahin ako hanggang sa flat ko. Ito ba ang isa sa advantage ng mga may boyfriend? Pero since hindi ko pa naman siya boyfriend baka free trial lang muna ito. Tapos kapag mag-asawa na tipid na sa tubig kasi pwede ng sabay na maligo.

"Wala bang free trial din no'n?"

"Hmm?"

I opened my eyes slightly to look at him. "Ha?"

"Anong free trial?"

Nasabi ko ba ng malakas 'yon? "Ang bata mo pa, Blaze, para magkaroon ng auditory hallucination."

Ramdam ko ang paggalaw ng katawan niya nang mapatawa siya sa sinabi ko. Huwag na kasi tayong dumadaldal ngayong antok pa si good conscience at nagsasanib pwersa si lustful at bad conscience.

Kumapit ako sa balikat niya at isinubsob ko ang mukha ko sa malapad niyang dibdib. I remember my dad used to carry me like this kapag pumupuslit ako palabas ng kuwarto para magbasa sa sala namin. Minsan nga pinepeke ko na lang ang pagtulog ko dahil natutuwa ako kapag kinakarga niya ako.

Of course he stopped doing that when I grew up. At ngayong matanda na ako ay nagpapakarga ako ulit. Ito ang first sign kapag paurong ng tumatanda ang isang tao.

BHO CAMP #10: The Wild CardWhere stories live. Discover now