Chapter 14: Control

10.8K 590 189
                                    

#BHOCAMP #BlaRis #BHOCAMP10TWC

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

#BHOCAMP #BlaRis #BHOCAMP10TWC

CHAPTER 14: CONTROL

ERIS' POV

Kanina ko pa nararamdaman ang mabibigat na tingin sa amin ng mga taong nandito rin sa Craige's. Kanina pa rin ako nakikipagtitigan sa pagkain ko na para bang magagawa no'n na sagutin lahat ng katanungan ko sa mundo.

Napaka-marites talaga ng mga tao rito sa BHO CAMP. Kung hindi lang ako ang involve baka kaisa rin nila ako. I've watched a lot of agents' love stories. They're the best entertainment in this place. Lalo na kapag kinakailangan naming maging kupido o tagapayo nila. It's easier to be one of the audience than be one of the players of what the world call as the game of love.

Siguro ito na talaga ang tinatawag na karma.

"You don't need to be a full-blown goat today. Bakit pancake lang ang kinakain mo?"

I ordered an Orange Ricotta Pancake while Blaze went for a complete American breakfast; fried egg, bacon, sausages, hash brown, and toast. "I can eat whatever I want."

Kinuha niya kape niya at sumimsim doon. For a second, I couldn't stop myself from focusing on his lips. Para bang nanadiya na pinadaanan pa niya ng dila ang sarili niyang mga labi nang maibaba na niya ang tasa.

"Ako rin."

I blinked at him. "What?"

"I can also eat whatever I want."

Binigyan ko siya ng matalim na tingin nang kaagad kong maramdaman ang pag-iinit ng mga pisngi ko. I don't need to be a genius to know that he's teasing me about what he said earlier.

"Tigil-tigilan mo ko, Blaze. Kapag hindi ako natunawan ipapabaril kita sa Mama ko."

"You'll miss me."

I ignored my thumping heart and I just glared at him. "Asa ka, bro. Baka kamo matahimik pa ang mundo ko."

"Without me, you'll die of boredom."

Pinagkrus ko ang mga braso ko. "There's a lot of people that would love to entertain me." Anong akala niya sa akin? Walang friends and family katulad niya?

Dumilim ang mukha niya. Lumikha ng ingay ang tinidor niya nang basta niya na lang bitawan iyon. If I don't know him better, and if I'm not sure that he won't hurt me, the look he gave me could have scared me.

"Do you really like that guy?"

Napakunot ang noo ko. "Ha?

"That Hugo. The man whose lips you kissed and lap you sat on yesterday."

Of course. I know one way or the other we would be talking about what happened yesterday. Hindi ko lang inaasahan na siya ang magbubukas ng usapin na iyon. It's not like it was his most graceful moment. Daig niya pa ang bata na nag-tantrum kahapon.

BHO CAMP #10: The Wild CardTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon